Pinatunayan ni jessica ang pangako nya na alagaan nya ako kahit hindi
namin napag usapan ang pagtira nya
ulit sa bahay nagulat na lang ako
kinabukasan pagkatapos nila
pumunta dito sa bahay bumalik sya
at dala na ang mga gamit nya wala
na akong magagawa hinayaan ko na
lang na sya ang sumuko..kung sakaling
susuko sya kahit masakit pakakawalan ko sya..katulad nga ng sinabi nya inaalagaan nya ako isa lang
ang pinakiusap ko sa kanya wag sya
tumigil mgtrabahu kahit kaya ko naman sya buhayin ayaw ko na lang
na masyado syang tutok sa akin kailangan nya din na may ibang tao
syang nakakasalamuha..Pag wala syang pasok don naman lumalabas ang pagkamakulit nya
andyan yong yayain nya ako maligo
sa pool nung una naiinis ako pero
pinaintindi nya sa akin na paningin
lang nawala sa akin ang ibang parte
daw ng katawan ko pwede pa magkaron ng pakinabang..Babe wag mo kasi itanim sa utak
mo na baldado ka may pakiramdam
ka kung hindi mo magamit ang mata
mo yong ibang parte ng katawan na
pwede pa pakinabangan gamitin mo
kumilos ka na para ka pa din normal
kaya halika na swimming tayo hahawakan kita..tapos lalabas tayo
hindi ka naman halata na bulag magsuot ka na lang ng sunglass
basta lakad ka lang na normal na
lakad nakahawak naman ako syo
sobrang puti mo na hindi ka na naaarawan..swimming lang tayo pero hindi tayo
lalabas..ayaw ko makita ng mga tao
tapos sasabihin nila kawawa ako o
kaya ikonek nila sa relasyon natin
sasabihin dahil imoral tayo kaya minalas..dito lang tayoHala masyado ka advance mag isip
ikaw mismo hinusgahan mo ang sarili
mo o vice versa ikaw ang nanghusga sa tao sana lahat ng bulag yan ang
sinasabi ng ibang tao dahil hindi lang
naman ikaw ang bulag sa pilipinas
yong mga masahista sa mga mall
imbis na kaawaan tinutulungan sila
para kumita..gaya syo pwede ka
sa non voice na trabahu kahit dito ka
lang sa bahay pwede ka mag aral through dot para alam mo kahit sa kapa alam mo ang mga letter sa keyboard para malibang ka..Ayaw ko gusto ikaw lang ang kinakapa ko..halika na swimming na tayo babe tapos saka tayo
magkapaan..ayon sa mga ganyan talaga dyan ka magaling pasalamat ka sobrang
mahal kita kaya halika na swimming na tayo para maumpisahan na ang
kapaan pero pagkatapos lalabas tayo
ha punta tayo kina ponggay..Unti unti ko nga natanggap at kumilos ng normal dahil din kay jessica..may
doctor na pumunta sa akin 2x a month
para icheck ang aking mata sinabi ko
din kay mama ang madalas na sinasabi nya na maghomeschool ako
para matuto ako gumamit ng laptop
para makapagtrabahu ako kahit ganito ang sitwasyon ko..Babe nasabi ko na kay mama na mag aaral ako para kahit dito sa
bahay makpagtrabahu ako tama ka
para malibang din ako dito habang
nasa trabahu ka..Hay salamat naman babe..paanu
pupuntahan ka ng teacher dito o
papasok ka din sa school..Nag iinquire pa si mama pero mas
gusto ko dito na lang sa bahay para
baka mamaya pg magschool ako
ako lang matanda sa mga kaklase koOy babe marami mas matanda pa syo
eh anu naman kung mas matanda ka
hindi nyo naman nakikita ang mukha ng bawat isa..basta kung san ka
komportable at masaya sa gagawin mo susuportahan kita..Masaya pati mga kapatid ko dahil sa nakikita nila pagbabago sa mga kilos
ko pati si papa pag dindalaw ako..tulad
ng dati wala pa din silang makuhang
donor..pero may nakausap na daw sya sa US na sakaling may makuhang
donor lilipad daw agad kami kaya
pinapaready nya mga papeles if ever
na meron..