Part 30

1.2K 66 4
                                    

Hindi ko naririnig si jessica na
nagrereklamo ng sinabi ni mama na
sya na bahala sa pag aaral ni jeanna
narinig ko nagpasalamat na lang sya

Kinausap ko naman si mama tungkol
sa gusto ni jessica na kunin ang nanay
nya wala naman tutol si mama ang
problema si nanay gusto nya makasama si jessica pero sobrang
nahihiya naman daw syang tumira sa
amin pareho din sila ng rason ni jessica na hindi naman daw namin
sarili ang bahay nakakahiya na
dagdag pabigat pa sya...pero hindi ako
tumigil hanggat hindi sya napapayag
lalo na ng malaman namin ni jessica
na pag walang pasok ang kuya nya
may nalalaman padate date silang
mag asawa tapos ang mga anak iniiwan kay nanay  sa tindahan kaya
habang nagtitinda ang matanda naging yaya pa sya ng mga apo nyang
makukulit..

Gusto ko magkaron na din ng peace of mind si jessica pag dating sa kalagayan ng nanay nya kaya ng pumayag si nanay na sa amin na tumira tinanung ko si jessica kung san
ang kwarto na gusto nya para kay nanay dahil kailangan ko din
magpaalam kay mama kung anu ang kwarto na papagamit namin pero mukhang napasama na naman ang
dating sa kanya..

Wag na lang kaya akala ko kasi ok na kailangan pa pala ipaalam kay mama

Babe for respeto lang kay mama
kahit sinabi nya na sa atin na itong
bahay pero andito pa sya wala naman problema na sa kanya kasi
alam nya naman na kukunin natin si nanay..

Don na kang kaya sa kwarto ni yaya
malaki naman yon bilhan na lang natin ng isang folding bed..

Para walang problema tanungin na lang natin si nanay kung gusto nya
kasama si yaya after all hindi naman namin tinuturing si yaya na
ibang tao sa amin..kung ok lang syo

Sige mamaya ikaw na lang magsundo kay nanay hindi pa naman sya lilipat
dito gusto ko lang muna ipakita sa
kanya kung ok lang syo..

Oo naman ikaw pa takot ko lang syo

Pinapagaan ko na lang ang pakiramdam ni jessica dahil naging
sensitive sya pag binabanggit ko na
kailangan namin sabihin kay mama
ang lahat ng desisyon namin pagdating
dito sa bahay..

Ng makita ni nanay na magkasama sila ni yaya sa kwarto kitang kita ko
naman sa mukha nya na masaya sya
pati si yaya excited na din na magkaron sya ng kasama sa kwarto
halos hindi din magkakalayo ang
edad ni nanay at ni yaya..

Nabanggit ko naman kay mama ang tungkol sa paglipat ni nanay at kasama ni yaya sa kwarto nung una
ayaw nya pumayag dahil my mga kwarto naman daw na bakante bakit
kay yaya daw ipatabi pero pinaliwanag
ko naman na si nanay mismo ang may
gusto..

Nahalata ko naman si mama itong mga nagdaang araw parang sobrang
bait nya at hindi na sya kagaya noon
na may pagkamataray magsalita at
parang ang lambing lambing na nya
lalo na sa akin pag tumatanda na din pala ang tao nag iiba din ugali...
binanggit nya din sa akin na nagbawas
na sya ng oras sa ospital minsan on call na lang sya..ngayon daw sya babawi sa akin..

Nabanggit ko din sa kanya ang tungkol
sa mga kuya ko pero sabi nya hindi
nya naman daw masisi ang mga kapatid ko dahil malaki din ang pagkukulang nya dahil lumalaki daw
kami na si yaya at yong mga katulong
lang kasama namin kaya malayo ang
loob ng mga kapatid ko sa kanila ni
papa..

Napansin ko din ang pangangayayat
ni mama...minsan nakita ko syang hinahawakan ang dibdib nya pero pag
tinatanung ko sinsabi nya na napagod
lang sya sunod sunod daw kasi ang
inoperahan nya isa kasi syang
cardiologist..


HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon