Almost 3 mos.na nangyari na nahulihan ako ni jessica ng resibo ng
hotel kung san ako nag check in pinatawad nya ako at hindi na sya
lumayas gaya ng dati nya ginagawa dahil nga siguro marami na syang
dapat iconsider kung aalis sya isa pa
sa amin nakatira si nanay at inaalala
nya din si mama na walang nag aalaga
lalo na ang mga bata dahil malalaki
na si jeanna pumapasok na at si jared
sobrang likot na sa edad nyang 3 yrs old...pero para na kaming ibang tao
pag kami lang pag sa harap ng mga bata kay mama at kay nanay kumikilos kami na mag asawa..pero
pag kaming dalawa lang ni tingin hindi
nya ako tinitingnan kahit yong isusuot
sa ko pagpasok hindi nya na iniintindi..(Flashback)
Pagpasok sa kwarto nagulat ako na may lumipad na papel sa mukha ko kaya pala pinalabas nya
ang dalawang bata..Anu to gumaya ka na din ba sa kuya mo na makabenta lang pinapatos ang
mga naging kliyente mo..Anung pinagsasabi mo..
Bat hindi mo tingnan ang papel na yan sino kasama mo nagcheck in dyan..
Nanlambot ako napakacareless ko
bakit ko pa naibulsa ito..Wala yan may client meeting lang ako dyan sa hotel na yan..
Ginagawa mo ba akong tanga dahil
alam mo wala akong tinapos sinong
niloko mo ang hotel na yan pinupuntahan ng gumagawa ng panandaliang aliw wag mo akong gawing tanga..bakit kulang pa ba ako
nagsawa ka na ba kaya ka tumikim ng iba o yong mga sinasabi mong client
na babae hindi lang condo benebenta
mo pati sarili mo..Babe kung anu man ang iniisip mo
mali yan..manager ng hotel na yan ang naging client ko kaya nakapagcheck in ako dyan para
ibigay ang proposal ko..Hindi pa ako tapos magsalita may
dumapo ng sampal sa mukha ko..Di ba sinabi ko syo hindi ako tanga..
magbibigay ka lang ng proposal bakit
kailangan mo mag check in hindi mo
nabasa may room number pa ang
resibo at may kasama pa na pagkain
kung manager sya bakit ikaw nagbayad d ba dapat sa office ka nya
kayo nag usap...bakit deanna anu ang
kasalanan ko syo para saktan mo ako
lahat ginagawa ko para maging mabuting asawa syo kahit gabi gabi
mo akong gamitin hindi ako nagrereklamo dahil bilang asawa at mahal kita obligasyon ko yon bakit
nagawa mo pa akong lokohin...Pilit ko syang niyayakap habang iyak sya ng iyak pero hindi sya
pumayag sinisipa nya ako pag
lumalapit ako..Simula ngayon sa harap ng mga anak natin at sa lahat ng tao dito walang
magbabago sa trato natin sa isat isa pero dito sa kwarto natin hindi na tayo mag asawa nandidiri ako syo..
kung noon lumalayas ako ngayon hindi ko na pwedeng gawin yon dahil
maraming maapektuhan pag umalis ako dito..Hindi nya na ako hinayaan magsalita humiga na sya sa kama
at iyak pa din sya ng iyak..ako na lang nag aasikaso sa mga bata ng
tinatanung ako ng mga bata pati
si mama kung nasaan si jessica sinabi ko na lang na masama ang
pakiramdam..Tinupad nya ang sinabi nya kinabukasan...hanggang umabot ng ilang bwan akala ko noon nag
papalipas lang sya ng sama ng loob
kahit yong pera na binibigay ko sa kanya hindi nya na tinatanggap..(eof)
Nakikita ko naman kahit ganun ang nangyari sa amin walang nagbago sa
pag aalaga nya kay mama kahit papanu nakakalakad na din si mama
kahit walang walker pero ang isang kamay nya hindi pa tuwid nakatupi pa ang mga daliri nya bago ako umalis magkakasama naman si nanay si
jessica at si mama naglalakad lakad
para daw makakatulong din kay mama
pinaubaya nya sa akin ang paghatid
sa school kay jeanna at pag asikaso
kay jared pag naggising sa umaga..
sinasadya nyang bigyan ako ng obligasyon..kaya ang ginagawa ko bago ako pumasok dinadaan ko si
jeanna sa school at si jared iniiwan ko
na lang muna kay yaya..nahirapan ako
nung una pero kalaunan naadjust ko
naman ang oras ko..mahirap ang
sitwasyon namin ni jessica kailangan
namin makikipagplastikan pag kaharap namin ang mga tao dito sa
bahay wala akong magagawa dahil
ito ang kabayaran sa kasalanan ko..