Inintindi ko na lang ang gusto ni deanna na ayaw nya na magkaron kami ng sariling bahay dahil hindi nya
maiwan ang mama nya..Gusto ko sana kunin na si nanay para
ibigay na lang kay kuya ang tindahan
kung anu man ang pinagkakakitaan
sa bahay namin tutal wala naman trabahu ang hipag ko dahil naaawa na
din ako kay nanay na matanda na sya
pa ang inaasahan na mamimili at magbantay ng tindahan parang wala na kasing gingawang diskarte ang kuya ko para mabuhay nya sa sariling sikap nya ang pamilya nya..Kabaliktaran ang sitwasyon namin ni
deanna ayaw ng mama nya iwan namin sya at gusto pa kami tulungan
lalo na sa pinansyal ako gusto ko kunin ang nanay ko para matuto ang
kuya ko tumayo sa sarli nila para
makapagpahinga na din si nanay intindihin ang mga apo nya gusto ko
enjoy na lang ni nanay ang buhay nya
na walang iniintindi kasama ang mga
apo nya..Paano ko magagawa yon ni wala kaming sariling bahay nakikitira lang kami kay mama nakakahiya naman
na iuuwi ko ang nanay ko sa
pamamahay ng biyenan ko..Gustuhin ko man na sabihin kay deanna nahihiya naman ako na ako
ang walang trabahu baka sabihing demanding pa..Wala naman problema kay mama kasi
suportado nya naman kami sa lahat ng bagay lalo na sa pagpapakita ng
pagmamahal nya sa mga apo nya
pero hindi maiwasan na nakikialam
sya sa mga desisyon namin ito naman
si deanna parang walang sariling disposisyon oo lang ng oo parang ako
ang nawalan ng papel sa buhay nya
kasi kung sasabihin ko ang ganito
omookey sya pero pag nagsuggest na ang mama nya ng ganito binabalewala
nya na ang pinag usapan namin..Tanung mo muna sa mama mo kung ok sa kanya na dito natin pag aralin
si jeanna kasi kahit gusto ko kung
sinabi ni mama na ayaw nya sya ang
susundin mo..Babe hindi ko na alam kung san ko
ilulugar ang sarili ko alam mo naman
simula ng naramdaman ko na
natatakot si mama na iiwan natin
sya ayaw ko na sya bigyan ng sama
ng loob as long na hindi naman
nakakasama ang suggestion nya
sinusunod ko na lang pls intindihin mo naman ang sitwasyon ko bilang
anak nya..Inintindi naman kita di ba
pumayag na nga ako na dito na tatanda ang mga anak natin sa bahay nyo pero sana man lang hayaan tayong magdesisyon lalo na
para sa mga anak natin hindi ko
naman sinabing tanggalan sya
karapatan pakialaman tayo pero
sana naman paminsan minsan
pakinggan mo din ang gusto ko
porket ba wala akong trabahu wala
na akong karapatan magdesisyon
para sa mga bata..Anu ba yan bakit naman tayo napunta sa ganitong usapan..sige na
kausapin ko si mama na dito na lang
natin pag aralin si jeanna bukod sa private school din naman malapit pa sa bahay..Wag na baka sumama pa loob ni mama na hindi natin sya sinunod
sige na ako na lang mag aadjust
para wala ng samaan ng loob..Walang samaan ng loob eh ikaw dyan ang nagdadamdam..wag ka mag alala
sasabihin ko naman kay mama in a
nice way..Bakit kasi hindi mo sabihin kay deanna ang gusto mo mangyari kaya
gusto mo magkaron ng sariling bahay
kilala mo si deanna madaling kausap
yan lalo na pagtungkol sa inyo..
kuwento ko sa kanila ni bea ng pinasyalan nila ako..Dati madali syang kausap pero ng
marinig nya na may tinatago palang takot sa puso si mama na baka
iwanan namin sya nagiging over protective na sya sa nararamdaman
ni mama bago sya mag agree sa gusto ko antayin nya muna kung anu ang reaction ni mama..ok lang
naman na hindi kami aalis sa puder
ng mama nya pero sana pagdating
sa desisyon yong gusto namin ang
susundin hindi ang desisyon ni mama..