Part 21

1.2K 64 18
                                    

Hindi ko maintindihan si deanna simula ng sinundo ako hindi na ako
kinakausap hindi ko alam kung anu
iniinarte kakasawa kahit walang
dahilan nagtatampo...

Mamaya pagdating nya magpapaalam
ako don muna kami sa amin para hindi
ko makita ang busangot nya..hindi ko
tuloy alam kung anu ang ikikilos ko
yan pa naman ang ayaw ko susuyuin sya baka mamihasa..

Nasaktan ako ng sinabi nya na pwede
ako bumalik sa amin pero iwan ko si
jeanna hindi nya man naisip na mahal
na mahal ko ang bata parang kulang
na lang isampal nya sa pagmumukha ko na walang akong papel sa bata
dahil sya ang nanay kaya wala akong
karapatan..

Hindi maiwasan maglabas ako ng sama ng loob sa nanay ko..

Nak mag usap kayo ni deanna mabait
naman si deanna at marunong naman makinig..wag ka kasi tingin ng tingin
sa nagagawa mo kay deanna tingnan
mo din ang nagagawa nya syo kasi
kung kagi ang sarili natin ang lagi natin tinitingnan madami nga tayong
mapupunang mali sa partner natin... wag mo kasi sabayan ang ang bad mood nya..lambingin mo para masabi
nya bakit sya may sumpong para
masabi nya ang dahilan para
matulungan mo sya maiba ang mood
nya..

Ayaw ko gawin yon baka mamihasa
dati nagagawa ko yon dahil alam ko
bulag sya wala sya magagawa..pero
ngayon nakakita na sya baka
magmalaki na sa akin..

Yan ba ang pagkakilala mo kay deanna na mapagmalaking tao
jessica may bata  na involve sa
pagsasama nyo kulang na lang isa
sa inyo ang nagluluwal sa pinapakita
nyong pagmamahal..kaya mag usap
kayo kung hindi sya nagsasalita dahil
hindi natin alam kung anu dahilan
ikaw na magtanung ng may kasamang paglalambing para walang
away..baka naman nanlamig ka na
sa kanya kaya ka nagkakaganyan o
baka naman may mahal ka ng iba
kaya madami ka ng napupunang mali
sa kanya kasi pagmahal mo ang isang
tao lahat ng mali sa kanya tanggap
mo kasi mahal mo eh pero pag
nawawala na ang pagmamahal konting pagkakamali nya naiirita ka
na hanggang lumalalim ang
hidwaan  nauuwi sa paghihiwalay

Mahal na mahal ko sya hindi nawala po yon kaya lang nagsasawa
din ako intindihin ang pag uugali
nya parang gusto ko muna mamuhay ng hindi sya kasama..

Kausapin mo sya paintindi mo sa kanya ang gusto mo mangyari na
parang nasasakal ka na sa pagsasama
nyo kahit hindi naman sya nakakasakal kasi hindi ka naman
nya hinigpitan pinababayaan ka nga 
nya sa mga gusto mo anu pa  hinahanap mo hay naku jessica
gumagawa ka lang ng dahilan
makawala kay deanna sana lang hindi mo pagsisihan ang magiging
desisyon mo maganda si deanna
maykaya sa buhay hindi malayo na
may makita pa na mas higit pa syo
nung hindi nga sya nakakakita selos na selos ka sa doctor nya mas lalo
ngayon nakakita na sya..

Bigla naman ako natauhan sa sinabi
ni nanay..oo nga panu nga pag humingi ako ng space at pagbigyan nya ako
dahil ganun ugali ni deanna pag
may hiningi ka kahit masakit sa kanya
pagbibigyan ka..at yong space na binigay nya sa akin ay may umeksena
at professional pa..hindi ko kakayanin
at sya ang papalit maging mommy ni
jeanna hindi ako papayag..

Inaantay ko dumating si deanna
kakausapin ko na sya mamaya..
babawiin ko na ang sinabi ko sa kanya..

Pagdating nya yumakap agad ako sa
kanya kahit kita sa mukha nya ang
pagtataka..

Babe mis na kita..sori

Bat ka nagsosori may kasalanan ka
ba..

Wala basta..sige na yakapin mo din
kasi ako wag ka na kasi magreklamo namimiss na kita..
kain na muna tayo mamaya sasabihin ko syo ang kasalanan ko
pero mya prize ako ha alam mo na kung anu yon..
Sabay kindat sa kanya..

Oo naman mis na din kita halika na kain na tayo kasi baka hindi ako
makapagpigil ikaw ang una kung
makain pero reserve na lang mamaya
bumawi ka sa akin ilang araw mo akong pinagdiet kaya gutom na gutom na ako..

Pagkatapos namin gawin ang mga bagay mapunuan ang pagkamis namin
sa isa't isa kahit pagod nagawa pa din namin mag usap..saka ko nalaman na
ang dahilan ng pagtatampo nya dahil
pala kay jayvee na hindi ko naman
napansin na magkatabi pala kami
dahil  busy lang ako kumanta nun at sabik din ako sa mga dati ko kasama sa trabahu..at alam ko si coleen ang nag aabot sa akin ng baso na may
alak..siguro nga medyo tipsy na ako
kaya sinamantala na din ni jayvee na chansingan ako kaya lang hindi ko
napansin at yon siguro ang naabutan
nya kaya pala wala syang imik
hanggang makarating sa bahay..

Sori babe di ba sabi ko naman syo
kahit ilang macho pa ang
nakapaligid sa akin ikaw at ikaw pa
din ang pipiliin ko lalo na ngayon
ako nga nag alala dahil nakakakita
ka na baka ipagpalit mo na ako
dahil syempre madami ka na
magagandang makakasalamuha..

ibabalik ko din ulit syo na kung
ikaw kahit ilang macho pa ang nakapaligid wala kang pakialam
ganun din ako kahit ilang magaganda at professional pa yan
ang makakasama ko o makakasalamuha ko wala din akong pakialam nangako tayo sa
isa't na hindi tayo bibitaw kung
napagod tayong hawakan ang
isa't isa bitawan lang natin sandali
at magpahinga saka ulit natin
hahawakan ang bawat isa para
sabay tayo lalakad sa daan na
maraming balakid na nakaharang
pero dahil dalawa tayo pagtulungan natin na malampasan lahat yan
dahil walang perpektong buhay
dadaan at dadaan tayo sa maraming pagsubok kaya kailangan natin ang lakas ng bawat isa pag
manghina ang isa kailangan isa sa
atin malakas kasi kung sabay tayo
manghina hindi natin marating
ang gusto nating puntahan..gets mo
ba..

Oo naman kahit malalim pero naarok
ko naman basta babe kahit anung
manyari hindi ako bibitaw kung noon nga halos pagtabuyan mo ako hindi
ako bumitaw ngayon pa na may cute
na tayong baby na nagpapakumpleto
sa atin..

Hindi lang yan babe dagdagan pa natin yan mag iipon ako para
magkaron tayo na galing mismo sa
atin para maging ate na si jeanna
pero bago natin gawin yan
papakasalan muna kita hindi man dito pero sa ibang bansa na legal
tayo at don na din gagawin ang
proseso para mabuntis ka pero
hindi pa naman ngayon kasi kulang
pa ang ipon ko..

Hala ako ba ang magbubuntis..

Syempre dahil ako ang magtatrabahu para sa buuhin nating malaking pamilya dahil ako
ang tatayong padre de pamilya..

Talaga asan ang ebedensyang ng isang padre de pamilya
Sabay tawa ko sa kanya..

Kahit walang ebedensya basta sa gawa napapakita..

Ang gaan na sa pakiramdam na napag usapan namin ang problema..kaya
kinabukasan nakikita ni mama
na maganda pareho ang gising namin..

Salamat naman at maganda na gising
ng mga magulang ni jeanna..

puna ni mama nakita nya kasi kung
paanu maglambing si deanna..
minsan pag may mga taong nagkaroon
ng tampuhan sa loob ng isang bahay
pati ang mga kasama mo apektado
gaya ni mama at ni yaya..apaektado
sila pag meron kaming hundi pag
kakaintindihan ni deanna..

Pinangako ko sa sarili ko na iiwasan
ko na ang mga bagay na magiging
dahilan ng tampuhan namin lalo na ngayon lumalaki na si jeanna..

Bunso sa sabado pala gusto ka
makilala ng kapatid at nanay ng eye
donor mo..tumawag sa akin ang papa
mo para ipaalam..lunch time tayo magkikita para makapagpasalamat
din tayo ng personal sama  kayo jessica at si baby.. pati ang mga kuya mo pinapapunta ko din...sabi ni mama sa amin

Sige po ma...














A/N

sensya na medyo boring lang ang update at least hindi mapanakit😉
lamig kasi walang kayakap😜

ingat po tayo guys may bagyo pag walang importante kailangan sa labas
stay at home lang muna tayo..
God bless us all!😇

HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon