Part 31

1.1K 61 5
                                    

Malaki na ang improvement ni mama
kahit hindi na kami kumuha ng
caregiver kasi wala kaming makitang
bakla na pwede maging caregiver
dahil pareho kaming may issue ni
deanna...unti unti na din sya
nakakalakad gamit ang walker kaya
kahit papanu nakakalabas na sya kahit sa sala lang kahit makulit ang
dalawang apo nya tuwang tuwa naman sya at madalas nya din kakwentuhan ang nanay ko..

Minsan dindalaw din sya ng dalawang
kuya ni deanna pero ang nahalata ko
kay mama parang hindi nya gusto ang
kinakasama ni arvin si mich yong ex
ni deanna..kahit isang beses hindi nya
kinakausap kaya nung kami na lang
may sinabi sya sa akin..

Jessica kilala mo ba ang asawa ni arvin?

Hindi po ang alam ko lang po ex girlfriend sya ni deanna

Hindi lang yon nakita mo ba na si arvin pa ang nag aasikaso sa kanya
na dapat sya dahil sya ang babae
buti na lang hindi sya ang nakatuluyan ni deanna baka ng
ganito na ang kalagayan ko at nakatira sila dito baka tandyakan nya lang ako pag wala si deanna tingnan
mo nga kung tingnan ako parang
nakaismid kawawa si arvin dyan
maniwala ka..

Baka nahiya lang po magkikilos
pag dito malay po natin pag sila
lang ni arvin inaasikaso naman sya

Bakit si kianna yong asawa ni mark
kahit busy asikasuhin ang anak
nila hindi nya pa din nakaligtaan
pagsilbihan si mark..yong babaeng
yan feeling mayaman ewan ko lang
kung mayaman nga sya..

Natawa naman ako kay mama
masyadong observer at nstroke lang
at napirmi sa bahay dito ko din nakita
ang side nya na mahilig din pala sa
tsismis lalo na pag kausap si nanay
sya pa nagtatanung tungkol sa mga
kapitbahay namin at kung anu anu
ang pinagkaabalahan sa buhay..

Tawa ng tawa naman si deanna ng
kinukwento ko ang tungkol sa
pag uusisa ni mama sa mga kapitbahay namin..

Alam mo babe nasabik lang yan si
mama makibalita sa outide world
kasi namulat kami ospital bahay lang yan kung lalabas man puro sosyalan
kasama ang kapwa nya doctor kaya
ang pangmasa na kwentuhan hindi
nya naranasan  lalo na lumaki din syang mayaman kaya ang
nakakasalamuha nya mga mayayaman din hindi nya naransan
tumambay sa kanto at nakikipagkwentuhan ng mga buhay ng may buhay..

Buti kayo lumaking  nakikipaglaro
sa labas kahit hindi kasing yaman nyo..

Oo naman kasi yan sila ni yaya pinabayaan kami kahit pag uwi puro
ako sugat sa tuhod dahil sa kakalaro
pati sila kuya nakikipagrambolan pa nga dahil sa nagkapikunan sa basketball hindi alam nila mama
yon dahil pag uwi tulog na sya si papa
naman uuwi lang sa amin siguro 2x a
month lang hindi nga namin naranasan na namasyal na buong
pamilya madalas si yaya lang kasama
namin..kaya si yaya hindi na nakapag
asawa dahil sa amin nya na tinuon
ang oras nya kaya ng pinatayuan ni papa ng bahay sa probinsya ang
pamilya nya hindi na sya umuwi sa kanila katwiran nya nasa mabuting
kalagayan na ang pamilya nya kaya
dito na daw aya tatanda sa amin..

Kinuwento ko din sa kanya ang napansin ni mama kay mich..aminado
sya na ganun daw talaga si mich
kahit nung sila pa daw hindi talaga
palaasikaso kahit sya sinabi nya din
na buti hindi sya ang nakatuluyan
dahil hindi daw kaya ni mich alagaan
ang mama nya kagaya ng ginagawa ko

Ginagawa ko lang naman ang
obligasyon ng isang anak at sa dami
ba naman ng naitulong ng mama mo sa atin kahit sa ganung paraan lang masusuklian ko man lang..

HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon