Part 36

1.4K 55 4
                                    

Nagkagulo kaming magkapatid ng malaman nilang nag papatayo ako
ng paupahan sa lupa na pag aari ni
mama lalo na nalaman nila na naka
pangalan na sa akin ang titulo...


Nakakainis lang dahil dinadamay nila
si jessica kesyo ang swerte daw ni
jessica libre na tira pati daw si nanay
magkakaron pa na instant na pag aari
pinagbintangan pa nila na inuuto o
nagsispsip kay mama kaya sa amin
binigay ang mga pag aari ni mama..

Kaya nakapagbitaw ako sa kanila na
ako na ang may ari ng bahay kaya hindi na sila makakatapak dahil sa
galit ko na walang ginawa si jessica
nakikisama na nga sya ilan taon na sya nag aalaga kay mama samantalang ang mga asawa nila kahit isang kutsarang subuan ng pagkain si mama hindi nagawa binigyan pa nila ng masamang
kahulugan ang ang ginawang kabutihan ni jessica...

Naghamon pa sila na magdedemanda dahil dapat daw bago binigay
sa akin pinapirma sila na pumapayag sila na ibigay sa akin..
si mama naman kasi ang nag desisyon wala akong alam sa planu nya dahil
ang katwiran ni mama single pa lang daw sya ng ng pinamana din sa kanya
ng lolo nya dahil sya ang panganay na
apo..kaya wala daw kokontra kung kanino nya ibibigay..buti na lang nalaman ng papa namin ang gulo
sinabihan na lang sila na si papa na ang bahala magbigay sa kanila..

Nakatikim pa sila ng sermon dahil lang sa mana bibitawan namin ang
pagiging magkapatid namin na dapat
kami ang magtutulungan sa oras
ng kagipitan hindi yong magpapatayan
dahil lang nalamangan ng kapiranggot na mana ang isa sa amin..

Pinaalalahanan din sila ni papa na sa oras na kailangan ni mama ang mga
anak nya kami lang ni jessica ang
karamay ni mama..

Buti kahit papanu nahimasmasan naman sila..hindi na nila inisip ang
kalagayan ni mama bawal na ang stress...



Wag mo na isipin yan ang importante natapos na din ang problema natin sa
mga kuya mo..

Oo nga gusto ko ng mamuhay ng tahimik yong walang nagagalit sa atin pati tuloy kayo nadamay ni
nanay..

Ok lang yan basta alam ko na andyan ka lang lagi para ipagtanggol kami at alam ko naman wala naman kaming ginagawang masama at alam naman
nila na wala naman akong karapatan
kung anung meron ka dahil balewala
naman ang kasal natin dito sa pilipinas kaya wala silang dapat
alalahanin dahil alam ko naman kung
san ko ilulugar ang sarili ko..kahit nga si jared walang karapatan dahil sa
akin nakapangalan..

Wag mo isipin na wala kayong karapatan kung sa papel pero sa puso ko kayo ang may karapatan sa lahat....sana nga ito ang makita ng
gobyerno natin tungkol sa mga karapatan ng mga naging anak ng
mga kagaya natin na hindi normal
ang pamilya..wag kayong mag alala
babe kahit naman hindi mo
ka anu anu ang isang tao pwede ka magbigay ng mana may mga proseso lang na pagdadaanan...

Ok lang yan basta gabayan lang natin
sila sa kanilang pag laki para maging mabuting tao at importante makatapos sila ng pag aaral para makahanap din sila ng maayos na
trabahu kahit walang mana mana na yan

Oo naman basta lagi lang tayong magkasama para gabayan sila basta mahalin lang natin ang isat isa and
everything will be in a right place
thank u babe kahit ilang beses ako
nagkamali hindi ka bumitaw kahit alam kung sobrang nasasaktan ka
na..

Syempre dahil mahal kita kaya hindi
ako sumusuko at alam ko naman na
sa mga pagkakamali mo natututo ka
kung ako ang unang susuko panu natin mabubuo ang ganitong
kagandang pamilya...may kasabihan
nga bawal sumuko pahinga lang saka
laban ulit yan ang ginawa ko lumalayo muna ako syo para mapahinga ko din ang isip ko sa stress
at sakit na nararamdaman habang nakikita ka na sinisira ang buhay mo
kaya ako lumalayo para ikaw mismo
marealize mo kung anu ang kasalanan mo bakit ka iniiwan ng mahal mo sa buhay..



Tama nga si jessica na kung isa sa
amin ang sumuko wala na ang ganito
kasayang pamilya pati ang mga anak namin hindi alam kung sino ang
uunahin sa amin lalo na kung pareho
na kaming may ibang partner..

Pinangako ko sa sarili ko na kung anu man ang pagkakamali ko sa nakaraan
hindi ko na uulitin dahil unang maging
kawawa ang mga anak namin dahil
hindi ko na alam sa susunod na magkamali ako kung kaya pa akong patawarin ni jessica dahil sa dami na
ng pagkakataon na ibinigay nya sa akin ayaw ko ng abusuhin ang pagiging mapagmahal na ina at
asawa nya...

Dahil sa pagiging mabuti nyang ina
hindi namin naparanas sa mga bata
ang buhay na kinalakihan ko sagana
nga kami sa materyal na bagay pero
wala sa amin ang kumpleto at masayang pamilya kaya siguro nangyari sa amin magkakapatid na dahil sa lang sa kapiranggot na
mamanahin namin sa mga magulang
namin nagkaroon kami ng hidwaan
dahil walang magulang na gumabay
sa amin habang lumalaki kami walang
nagpapaintindi sa amin na balewala
ang materyal na bagay basta pairalin namin ang pagmamahal sa isat isa..

Dahil mismo mga magulang namin ay
hindi pinairal ang pagmamahalan nila
kaya bumitaw sila sana lang sa bagong pamilya na binuo ni papa hindi na
mangyari ang naranasan naming
magkakapatid sa kanila na hindi kami
binigyan ng oras busy sila pareho sa
kani kanilang trabahu..kaya ang mga
kapatid ko lumayo ang loob sa kanila..






Ang bilis ng panahon gagaraduate na si jeanna ng elementary...sobrang proud kami ni jessica sa kanya lumaki syang matalino at magalang naranasan nya din mabully dahil sa pagkakaroon nya ng hindi normal na
pamilya dahil sa pagmamahal na
pinaramdam namin ni jessica nalampasan nya lahat sya pa ang nag
open sa amin ni jessica  na anuhin nya
daw ang normal na pamilya kung
maranasan nya naman  ang kagaya ng
ibang kaklase nya na madalas daw sinisigawan ng magulang at minsan
sinasaktan pa daw physically kaya ito
daw ang rason bakit naging bully ang
mga kaklase nya kasi kulang daw sa love..

Laki ng pasalamat ko na lumaki ang mga anak  namin na naintindihan
ang klase ng pamilya namin kayang
kaya nila ipagtanggol ang sarili nila sa
mga taong nanlalait dahil lang sa kinalakihan nilang pamilya..

Sana lang patuloy silang maging
matatag hanggang  sa pagtanda nila
kahit hindi sila magkadugo patuloy silang magmahalan kagaya ng
pagparamdam namin sa kanila kung
gaanu namin sila kamahal..

Nakikita naman namin kung gaanu nila kamahal ang isat isa lalo na si jeanna nakikita namin kung paanu
nya alagaan ang kapatid nya
marunong sya magpakumbaba kahit
alam nya na kasalanan ni jared dahil
umiral sa kanya ang pagmamahal
kaysa magalit sya sa kapatid nya..

Sana ganito pa din kahit matanda na
sila at may may mga sarili na din
silang pamilya nasa puso pa din nila
ang pagmamahal na minulat namin sa kanila hawak kamay pa din sila kahit anung pagsubok ang dumating sa kanilang magkapatid sila pa din ang
magtulungan sa oras ng kagipitan..


Sa mga magulang naman namin
pinaparamdam namin na  andito  lang kami ni jessica sasamahan sila at aalagaan sa kanilang pagtanda..


HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon