Chapter 9

1.3K 59 3
                                    

Payagan ko kayo na dito sa bahay
tumira pero hindi ibig sabihin tanggap ko kayo..matuto ka makisama ayaw ko ng tatamad tamad
at dahil ginusto nyo yan simula ngayon ikaw na mag aasikaso kay Deanna wag mo iasa sa katulong at ayaw ko na may mga kaibigan kayo
na papupuntahin sa pamamahay ko
ayaw ko na madadagdagan pa ang virus dito sa bahay..ito ang mga salitang binitiwan ng mama ni deanna
sa akin..hindi na kami kumontra ni
deanna ok na to na kahit hindi kami
tanggap pero hindi kami pinaalis sa bahay nya..

Paminsan minsan pumupunta pa din
ako sa bahay kahit walang
kumakausap sa akin..

Hindi naman ako pinababayaan ni
deanna kahit pareho na kaming my
trabahu pag dating sa bahay ako ang
nagluluto ng kakainin namin paglalaba
ng mga damit at pag walang pasok
tumutulong din ako maglinis ng bahay
gusto ko ipakita sa mama ni deanna
sa kabila na hindi nya pagtanggap sa amin gusto ko ipakita na maayos kaming nagsasama ni deanna at
iniiwasan namin na magtalo o
mag aaway na may nakakarinig sa
amin..

Pero sa kabila ng ginagawa kung
pakikisama may masasabi at masasabi pa din ang mama ni deanna..habang
tumutulong ako magprepare ng almusal kay yaya bigla na lang hinagis
ang placemat na nilagay ko sa table hindi ako aware na may color coding pala araw araw iba ibang kulay ang
ilalagay sa table..hindi pa sya nakuntento na hinagis nya ng sisigaw pa sya..

Yaya sino ang naglagay nito..tanung nya kay yaya..
si jessica po doc..sagot naman ni yaya

Malamang hindi kayo gumagamit nito kasi wala kang alam  sa paggamit nito hindi mo ba alam na
hindi ito ang kulay ngayong araw
ang lakas ng loob mo na makisama
sa anak ko na wala kang alam sa
pamumuhay na meron kami..dahil
lang sa maliit na bagay nagsisigaw na
sya kaya  nagising si deanna dahil
nga sa boses nya..paiyak na ako ng
lumapit si deanna sa akin at yumakap

Anu ba ma dahil lang sa placemat na yan na madali lang naman palitan kulang na lang ipamukha mo kay jessica na mahirap sila at ikaw mayaman bakit mayaman lang
ba ang gumagamit ng ganito..sabay
kuha ni Deanna at pinaghahagis..kaya
dali dali ko din syang pinigilan

Bakit gaanu ka ba kayaman para manlait ng tao..kung mayaman ka
masaya ka ba sa ginagawa mo may
pamilya ka bang buo..nakaangat ka lang konti daig mo pa presidente
umasta..sigaw din sa kanya ni deanna

Sige kampihan mo ang asawa mo
kaya malakas ang loob makialam dito sa pamamahay natin dahil
binigyan mo ng karapatan..balik nya
din kay deanna

Anung pakialam hindi sya nakikialam nakikisama sya di ba ito naman ang gusto mo ang wag sya tatamad tamad kahit pagod sya galing trabahu tumutulong pa din sya para wala ka masabi..mas maganda pa wag na sya tumulong
para hindi mo masabihan na
pakialamera..hinawakan ko na si deanna para tumigil na..nagsori na lang ako sa mama nya..

Hindi na din sumagot ang mama nya
tumalikod na lang at pumasok sa kwarto nya..

Sinabihan naman ako ni deanna na papasok na lang kami sa kwarto saka
na lang daw kami lalabas pag umalis na ang mama nya..

pagpasensyahan mo na babe si mama..

alis na lang kaya tayo dito babe mag
rent na lang tayo ng bahay kaya naman natin umupa kaysa pag nakikita ako ng mama mo hindi
maiwasan na may mapupuna sya sa akin..

babe gustuhin ko man hindi ko
maiwan si mama..ako na lang natirang anak nya na nakatira dito
gusto ko masanay si mama na nakikita ka nya para kalaunan
matanggap nya din tayo kasi kung
lalayo tayo sa kanya lalong hindi ka
nya makilala ng husto gusto ko matanggap nya tayo dahil marealize nya na kaya ka nagtitiis
kahit anung masakit na salita ang
maririnig mo galing sa kanya dahil
mahal mo ako hindi mo ako kayang
iwan ipakita mo na balewala ang
ang panglalait nya dahil ang importante syo ang makasama ako

HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon