Ang sarap sa pakiramdam na
nakapag usap na din kami ni jessica
syempre hindi ako papayag na hindi
makascore..kita ko ang saya at
excitement kay jessica ng sinabi ko
na pakakasalan ko sya at magkakaron
kami ng anak na galing mismo sa amin
kaya kailangan ko magdoble kayod para madagdagan ang ipon ko planu
ko next yr. na sana kung sakaling
kulang ang budget mapipilitan ako
humingi sa magulang ko..Papunta kami ngayon sa lugar kung
san namin kikitain ang pamilya ng eye donor ko..laki ng utang na loob ko
sa kanila..ginamit sila ni Lord para
bigyan ulit ako ng panibagong paningin..Habang inaantay namin ang kausap
namin dito sa restaurant na pinareserve ni papa nagdatingan naman ang mga kapatid ko malaki
na din ang anak ng kuya mark ko
kaya may kasama ng makulit si jeanna
kaya salit salitan kami sa pagsaway
ni jessica dahil takbo ng takbo na
itong anak namin kasama ang pinsan
nya hindi alam kung may mababangga sila at may nabangga nga sya isang
matangkad at magandang babae na may kasamang medyo may edad na din na babae..medyo nagkatitigan pa
kami ng babae napabalikwas lang ako
ng kinalabit ako ni jeanna..Hi sori malikot na kasi itong anak
ko pasensya na ulit..Ok lang naintindihan ko ganyan
talaga mga bata..sagot nya naman sa akin..Nagpaalam na din sya agad at ako naman sinundan na naman si jeanna
dahil ayaw pa din tumigil sa kakatakbo tinawag na din ako ni jessica dahil andyan na daw ang
kapatid at nanay ng eye donor ko..Nagulat naman ako dahil yong
nabangga pala ni jeanna kanina yon din pala ang kausap namin..pinakilala naman sa akin hindi
mapigilan ng nanay ng eye donor ko
ang umiyak at yumakap sa akin
dahil nakikita nya na daw anak nya sa akin..naaksidente pala ang anak nya sa motor tatlong araw pala ng maaksidente sya namatay din pero bago daw sya mamatay sinabi nya
na lahat ng parte ng organ nya na pwede pang pakinabangan ay idodonate nya yan ang huling habilin ng anak nya..tamang tama naman
nakausap ni papa ang kapatid nyang
madre at sakin nga napunta ang kanyang mga mata..Saka nya din pinakilala ang kasama nyang anak..
Hi ikaw pala yan kaya pala ng makita kita kanina sa mata agad ako
nakatingin syo dahil pala mata ng kuya ko nasa iyo..katrina nga pala
kat na lang para hindi masyado
mahaba..Napayakap naman sya sa akin at
binulungan akosalamat binigyan mo ng buhay ulit
ang mga mata ng kuya ko..
Ng maghiwalay kami sa pagkayakap
ng salita naman ako..Maraming salamat po sa inyo
binigyan nyo ulit ako ng pagkakataon na makakita ulit
tatanawin ko po na malaking utang
na loob ito habang buhay..Naiyak naman ulit ang nanay ng eye donor ko at hiningi nila na kung
pwede paminsan minsan dalawin daw
nila ako para maibsan naman ang
pangungulila sa kanyang anak dahil
nakikita daw nila ang anak nya
sa aking mga mata..nagpakilala naman ang buong pamilya ko sa kanya
huli ko naman pinakilala si jessica as
may partner at ang anak namin..Masaya naman natapos ang lunch
namin at kalog pala ito si katrina
isa pala syang flight stewardess bagay
naman sa kanya matangkad sya at
maganda..kung hindi mo alam
na isa syang stewardess akala mo
isa syang komedyante kung hindi mo
lang makita ang mukha nya akala mo
si pokwang kaya tuwang tuwa naman kaming lahat sa kanya..ito naman si jessica masyadong seryoso nakatitig
kay kat..parang alam ko na naman ang
nararamdaman nito naiinsecure na
naman ito kay kat ibubunton nya na
naman ang insecurities nya sa akin..