Chapter 16

1.3K 67 3
                                    

Tumupad naman sa usapan ang babaeng nagpaampon ng bata sa amin isang cute na baby girl..binigyan sya ni
mama ng pera para makauwi sya sa probinsya nila sa mindanao at maka
pag umpisa sya ng panibagong buhay

Tapos na din ako sa aking pag aaral
may mga company na din nag offer sa
akin ng work at home dahil din sa
endorsement ng school kung san ako
nakaaccredit pero pinag isipan ko
muna lalo na nagkaron kami ng instant baby ni jessica..

Nagkasundo naman kami na ako ang
nakapangalan sa birth certificate ng
baby..katwiran ni jessica basta
iparamdam lang daw nya sa bata ang
pagmamahal bilang isang ina hindi na
daw importante kung sino ang
nakasulat sa birth certificate
isang pirasong papel lang daw yon..

Masaya na mahirap pala ang maging
isang magulang sa part ko na hindi
ko nga sya nakikita pero sa puso ko unang hawak ko pa lang sa kanya mahal ko na sya agad..

Dahil pumapasok si jessica kaya ako
ang naiiwan para alagaan ang baby
kumuha lang kami ng isang kasambahay para umalalay sa akin
lalo na ang magpapaligo pero ang
pagtimpla ng gatas kinabisado ko..

Gusto din sana ni jessica na magresign sa trabahu para sya mismo ang
mag alaga pero hindi ako pumayag
pero humirit pa din sya na pag gusto
ko na daw magtrabahu magreresign na sya gusto nya daw talaga maging
full time mommy sa baby..

Tinuring namin na tunay na anak ang bata..pati si mama tuwang tuwa na din
sa bata dahil 3mos na sya nakakakita
na kaya pag nilalaro mo
nakakaresponse na sabi ni mama
kaya kahit hindi ko sya nakikita pag
nilalaro ko pinipilit nya hawakan ang
mukha ko ang sarap sa feeling na may
mga munting kamay na humahawak
sa mukha ko..hindi sya nanggaling sa
amin pero sobrang pagmamahal na
ang nararamdaman ko what more kung parehong galing sa amin ni
jessica..kailangan ko na siguro
magtrabahu para pag ipunan ang
sinasabing proseso hindi biro ang
magagastos daw sabi ni mama ayaw ko naman na iasa lahat sa kanila..

Habang lumalaki ang bata sinsabi nila
na nagiging kamukha ko na daw dahil
nga siguro 24hours kami ang magkasama..pag wala naman pasok si
jessica hinayaan ko na silang dalawa
kahit hindi nya na ako napapansin ok
lang kasi alam ko bumabawi sya sa mga oras na hindi sila magkasama..

Buti na lang pinupuntahan din ako ni
ponggay at bea para malibang dahil si
jessica nakatutok lang kay baby jeanna

Anu wonggos hindi ka na pinapansin ni jessica pinagpalit ka na kay jeanna
althea..wala wala ka ng appeal sa kanya dahil may anak na kayo..

Pangangantyaw ni ponggay

Oo nga pagdating nya galing trabahu halos hindi na din ako
pinapansin imbis na si baby ang
kinuha namin ng yaya parang ako
ang may yaya dahil dapat sya ang
alalay sa akin papuntang lamesa
para kumain si yaya elsa ang inuutusan nya magguide sa akin
kasi sya karga nya si baby..

Tampo ka nyan?di bale pag dating ng
gabi nasosolo mo naman yata eh..

Hindi nga din inumpisahan ko
maglambing sasabihin nya pagod
na sya galing trabahu nag aasikaso
pa daw sya kay baby sino kasi
nagsabi sa kanya na solohin nya
asikasuhin si baby eh may yaya naman..

pakiramdam mo ba karibal mo si baby sa attention ni jessica..baka
yan na naman umpisahan ng hindi
nyo pagkakaunawaan..paalala ni bea

hindi naman siguro iniintindi ko
naman sya na bumabawi sya sa
anak namin..pero sana wag sya
makakalimot na andito pa ako...
ayaw ko naman mag aaway kami dahil kay baby..

HAWAK KAMAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon