Chapter 8

77 9 5
                                    

Napatingin ako sa pinto ng office rito sa bahay nang may kumatok. I'm so sure that this isn't my wife. She'll just come in without knocking.

"Yes? Come in!"

Pumasok ang isang babae na naka-maid uniform.

"Sir, pasensiya na po sa istorbo. Emergency lang po kasi. Si Miss Tasha po kasi inaapoy ng lagnat," sabi nito. Agad akong napatayo at saka tinakbo ang distansiya ng opisina ko at ng kwarto ng anak ko.

Hindi nakasara ang pinto kaya pumasok na ako sa loob. Nandoon ang asawa ko at nilalagyan ng bimpo ang noo ni Tasha.

"Edward, bigla na lang nagkasakit si Tasha. Kanina naman nang silipin ko siya rito, e, maayos siya. Should we take her to the hospital?" My wife asked when she came near to me.

"Yaya, tell Manong Lando to get the car. We're going to take Tasha to the hospital."

"Yes, sir." Nagpaalam na ito sa amin at saka dali-daling lumabas ng kwarto.

Lumapit ako kay Tasha at saka binuhat ito.

Nakaalalay lang sa akin ang asawa ko at hawak-hawak ang laylayan ng comforter para hindi ko matapakan. Nang makababa na kami ay siyang saktong pagkaparada ng sasakyan sa tapat ng pinto. Binuksan ni Vanessa ang pinto ng backseat kaya pinasok ko sa loob si Tasha. Pinapasok ko rin ang asawa ko at saka sinara ang pinto nang maayos na itong nakaupo habang nakasandal sa balikat nito si Tasha.

Umikot ako papuntang passenger seat at binuksan ang pinto. Pumasok na ako at nag suot ng seatbelt. Sinara ko na ang pinto kaya pinatakbo na ito ni Manong Lando papuntang private hospital kung saan naka-confine si Veronica nang ma-hospital ito noon.

Kilala na kami ng mga doctor at nurse roon dahil doon kami laging pumupunta kapag may emergency at iwas dumog na rin sa mga tao.

Nang huminto sa tapat ng entrance ng hospital ang sasakyan, agad akong bumaba at tinawag ang isang nurse na siyang laging bantay sa entrance. Lumapit ito sa amin nang may stretcher kaya binuksan ko na ang pinto sa backseat at saka kinuha si Tasha na siyang balot na balot ng kumot. Hiniga ko ito roon at inalalayan. Tinulak na ito ng lalaking nurse papuntang emergency room upang masuri ang kalagayan.

"Nag-aalala ako sa kalagayan ni Tasha. Naging ganyan lang siya nang hindi niya makita si Veronica," sabi ni Vanessa.

Nilingon ko ito na siyang nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room.

"Maganda na rin nang masanay sila na wala ang isa't isa sa tabi nila. Hindi sa lahat ng oras, kasama natin si Tasha. 'Di ba nga dapat sanay na si Tasha na wala sa tabi niya si Veronica dahil lagi siyang nasa shoot at minsanan lang siya kung umuwi?"

"Iba naman ngayon. Hindi ma-contact ni Tasha si Veronica. Ang sabi sa akin kanina ni yaya, hindi raw nakatulog si Tasha kagabi dahil sa kaka-contact kay Veronica. Bakit kasi hindi mo na lang pabalikin dito si Nica? Wala naman mangyayaring masama, e. Maiiwasan pa nating magkaroon ng alitan sa dalawa."

Umiling-iling ako sa sinabi ng asawa ko.

"Alam mo ba, nang makita kong magkausap kayo ni Nica sa kwarto niya nang gabing umuwi siya galing sa amusement park, nakita ko ang saya sa mga mata niya. Ayoko naman na tanggalin ang kasiyahan na iyon sa kaniya."

"Ayaw mong tanggalin? Paano si Tasha? Hindi ba parang unfair ka naman kay Tasha?"

Muli akong umiling rito. "Mas naging unfair ako kay Veronica," sabi ko. "Aalis muna ako. Uuwi lang ako saglit at kukuhanin ang phone ko na naiwan ko sa bahay. Kukuha na rin ako ng facemask natin at saka wallet ko."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Vanessa at basta na lang umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko sa bandang puso. Kumikirot ito. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko si Nica. Pero wala akong magawa para rito.

Limelight Series 1: SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon