Chapter 3

129 14 12
                                    

PAPASOK na sana ako ng banyo nang mapatigil nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. Nilapitan ko iyon at binuksan ang pinto.

Nakita ko ang aking ina. Pumasok ito sa loob at saka nilapitan ako. Agad ako nitong niyakap at tinapik-tapik ang likod. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at naiyak na lang sa bisig ni Mama. Nasa loob lang ako ng kwarto abang hinihintay si Mama. Nagpaalam kasi ito sa akin na may kukunin lang sa kusina at babalik din agad.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon. Agad akong napatayo at saka nilapitan si Mama na may dala-dalang tray na may mga pagkain at maiinom namin.

Nang mailapag sa center table, umupo kami sa magkatapat na upuan. Binigay ko ang tsaa kay Mama at kinuha ko naman ang gatas. Tahimik ang lahat at tanging ugong ng aircon ang naririnig at ang pag-inom namin sa kaniya-kaniyang baso.

"How do you feel? I hope na kumalma ka na," sabi ni Mama at saka nilapag ang baso ng tsaa sa tray.

"Bakit ang unfair? Since then laging ang unfair ni Daddy sa akin." Nilapag ko ang baso ng gatas sa tray na nakalapag sa center table.

"Gusto ka lang naman protektahan ng Daddy mo. Ayaw niya lang na mapahamak ka. Sana maintindihan mo iyon. Don't just look on your side. Look on your dad's side as well. Mahirap para sa amin na tanggapin ang trabaho ng Ate Tasha mo," mahinahon na saad nito. Hindi ako umimik at hinayaan ko lang ito.

Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ayaw namin ipaalam sa iyo kung bakit ka namin nilalayo sa publiko. For now, pag-isipan mo muna ang mga kailangan mong gawin." Nagpaalam na ito sa akin at inayos ang pagkain at isang baso ng tubig ko sa center table.

Lumabas na ito dala ang tray at ang mga baso na pinag-inuman namin. Kinuha ko ang cell phone ko at saka tinawagan ang isa sa mga malapit kong kaibigan.

"Hey Ave," bati ko rito nang sagutin nito ang tawag.

I heard her yawn. "Hey, zup?"

"You busy?"

"Nah. I have a lot of time to talk with you. So what is it, Secret girl?"

Natawa na lang ako sa tinawag nito sa akin.

"Shut up, Writer!" I laughed when I heard her groan.

"So, what is it?"

"Same old time problem. Wala naman pagbabago, e. Problema ko pa rin 'yung pagtatago sa publiko," sabi ko at saka sumubo ng isang kutsara ng pagkain ko at saka uminom ng tubig.

"Ano pa nga ba? Halos kabisado ko na problema mo, e. Any new story? Malay mo gawaan kita ng story."

Natawa na lang ako rito at saka nag kwento about sa nangyari sa akin na bago nitong mga nakaraang araw.

Nagising na lang ako nang maramdaman ang sakit ng ulo. Napahawak ako roon at saka nagtaklob ng isa pang unan sa ulo. May humila sa unan na iyon at ginamit na panghampas sa akin. Napadaing na lang ako sa sakit ng hampas nito sa aking ulo.

"Ano ba?" Pikit-mata kong tanong sa taong humampas sa akin ng unan.

"Wakey-wakey! Today is Saturday!" sigaw ni Ate Tasha at muli akong hinampas ng unan sa ulo.

Napabangon na lang ako at inagaw rito ang unan na hawak-hawak at saka buong pwersa kong hinampas sa mukha. Napaabante ito sa edge ng kama ko kaya pumikit ako at muling nahiga. Nakarinig na lang ako ng isang malakas na kalabog.

"Ouch! It hurts. . . ." Sinilip ko si ate na siyang nakaupo sa sahig at nakahawak ang kamay sa bedsheet ko.

Napangiti at natawa na lang ako sa hitsura nito.

Limelight Series 1: SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon