Tatlong araw mula nang umalis si Harold sa Australia pero wala itong paramdam sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at hinaplos ang mukha nito na lock screen wallpaper ng phone ko. Nilagay ko sa bedside table ang phone ko at saka pinatay ang ilaw ng lampshade.
Kanina ko pa sinusubukan matulog pero halos hindi ako makatulog mula nang umalis si Harold.
Gabi-gabi, araw-araw ko siyang iniisip. Bumangon ako at umupo sa kama. Napatingin na lang ako sa veranda ng bahay.
Would he leave me for his career? Ano nga ba ang career ni Harold? Businessman? Chef? What?
Ni isa wala man lang akong alam kay Harold maliban man sa siya si Harold Lex.
Napasabunot na lang ako sa sariling buhok nang maalala ko na naman ang nakalimutan kong gawin. Noong isang araw ko pa iyon naisip pero biglang nawala sa isip ko at ngayon, sumagi na naman sa isipan ko ang nakalimutan ko pero hindi ko pa rin maalala kung ano iyon.
Muli akong napabuntong-hininga at pabalya na humiga sa kama at nagtalukbong ng unan.
Napahikab ako at napakamot sa mata. Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod at antok kaya hinayaan ko lang ito.
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog kaya napabangon ako at napatingin sa alarm clock na nasa gilid ko. It's already eleven PM. Baka sakali na si Harold na ito.
Excited kong kinuha ang phone at tiningnan ang caller.
Si Max David lang pala. Sinagot ko ang tawag at s-in-et ito sa loudspeaker.
"Hello?"
"You sound tired."
"Really am tired. I don't have enough sleep."
"O, sorry to know that. I just want to know if how are you doing there?"
"Like what I've said earlier, I don't have enough sleep and I'm always tired."
"Are you okay? Feeling sick?"
"Nah, I'm fine."
"Okay, just rest. And also, I'm with Harold . . . ."
"Okay, how is he doing there?"
"Uhm . . . he is good actually. Anyway I have to go." "Who are you talking to?"
Napataas na lang ang kilay ko nang may narinig akong boses ng babae. Magtatanong pa sana ako kay Max nang bigla na lang nitong binaba ang tawag.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko at bahagya itong minasahe.
"I'll be fine . . . ."
Muli ako humiga at natulog na.
Nagising na lang ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako sa kama at saka dumiretso sa banyo at naligo.
Naghihikab akong lumabas ng kwarto at dumiretso ng kusina. Magtitimpla na sana ako ng kape ko nang makita na wala na palang laman ang kitchen cabinet kung saan nakalagay ang kape.
Napahinga na lang ako nang malalim at saka kinuha ang cellphone ko at wallet saka lumabas ng bahay.
May malapit na grocery store dito at doon na lang ako bibili ng kape at iba pang kailangan sa bahay.
"She's the girl in the photo, right? Poor her. Harold just used her."
"I've seen her face before. She's with Harold, right?"
"Yeah, maybe she is his fubu."
Dumiretso lang ako sa paglalakad at hindi sila pinansin. Pero habang papasok ako sa loob ng grocery store, mas lalong lumalakas ang bulong-bulungan nila.
BINABASA MO ANG
Limelight Series 1: Secrets
Ficción GeneralHarold Lex wouldn't have thought he could fall in love with an ordinary woman. Veronica is just an ordinary woman who doesn't know anything about acting. She doesn't watch movies cause she loves to read books. But what if she met Harold? Harold is...