NAPABALING ANG ang tingin naming lahat sa pintuan nang pabagsak itong binuksan. Kasalukuyan kaming nasa living room at hinihintay si Ate Tasha para i-announce sa lahat na aalis na ako bukas ng tanghali.
"Tasha, don't slam the door," mama said.
"Ma, nakakagulat naman kasi iyung news. How come na aalis siya nang wala tayong alam at natatanggap na report from booker natin?"
"Tasha . . . matagal ko ng pinahinto ang booker natin sa ganiyan. Tayo o ako na mismo ang nag-aasikaso ng mga ganiyan natin para naman matuto kayo sa pag-process ng mga ganiyan," sabi ni Daddy.
Tumikhim ako. "Aalis na ako bukas ng tanghali. I don't have much time at kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko sa pag-alis since I'll stay there for good."
"Bakit? Anong problema mo at aalis ka?""Nothi—"
"Huwag mong sabihin iyan sa akin."
"Anong gusto mong maging sagot ko? Aalis ako kasi may dahilan? Na hindi ko kayang mag-stay sa bahay na ito dahil nandito ka? Sige, ayan na lang ang gagawin kong reason para makaalis na ako rito."
"Veronica, huwag kang ganiyan sa Ate Tasha mo."
"What, Ma? Lagi na lang ba na si ate ang tama? Bakit hindi mo siya tanungin kung anong ginawa niya sa akin habang nasa Australia ako nang malaman mo?"
"Veronica! That's enough! Binabastos mo na ang mama mo."
"Ang dali kasi para sa inyo na pagsabihan ako, e, hindi niyo naman kasi alam kung ano talaga ang nangyari kung bakit ako nagkakaganito! Ako na nga mismo ang lumalayo kasi ayoko na palakihin ang anak ko sa ganitong pamilya! Ano na lang sasabihin ko sa anak ko kapag hinanap niya ang ama niya?" Tiningnan ko si Harold. "'Anak, pasensiya na. Hindi kasi kapili-pili si mommy kaya wala rito si daddy mo.' Ano pa? 'Si daddy mo iyung husband ni Tita Tasha mo.' Mas mabuti pa nga na wala ako rito at least doon, hindi ako mahihirapan na magpaliwanag sa anak ko." Umalis na ako sa living room at saka pumunta ng kwarto ko.
Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko, napasandal na lang ako sa pinto at napadausdos pababa. Napatakip ako ng bibig ko upang hindi kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Pero kahit anong pigil ko, hindi ko kaya.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya pinahid ko ang mga luha na kumawala sa mga mata ko at saka inayos ang sarili. Tumayo ako at saka inayos ko ang damit na bahagyang nagusot ng mapaupo.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.
"What?" Bunga ko kay Ate Tasha nang mapagbuksan ko ito ng pinto.
"Can we talk? Please . . . ."
Mas binuksan ko pa ang pinto at saka iniwan ito roon at naglakad palapit sa sofa na nandito sa loob ng kwarto ko at doon ako umupo. Tiningnan ko lang si ate na naglalakd palapit sa akin. Agad akong nag-was ng tingin nang makaramdam ng inggit dito.
"Huwag mong sayangin ang oras ko. Kailangan ko pang mag-empake ng mga gamit ko," sabi ko nang tumayo ito sa harap ko.
"I'm sorry . . . sobrang sorry sa mga nagawa ko sa iyo. Lahat . . . sorry."
"Okay."
"Veronica . . . dapat saktan mo ako. Dapat hindi ka basta-basta pumapayag na ganoonin kita. You should slap me."
"I don't care. Just . . . just take good care of Harold for me, please?"
"What?"
Tiningnan ko ito sa mga mata nito.
"Pumapayag na ako sa relasyon niyong dalawa. Wala na akong tutol doon. Basta iyung hiling ko tuparin mo."
"What? No, no, no, no. Nagkakamali ka."
BINABASA MO ANG
Limelight Series 1: Secrets
Narrativa generaleHarold Lex wouldn't have thought he could fall in love with an ordinary woman. Veronica is just an ordinary woman who doesn't know anything about acting. She doesn't watch movies cause she loves to read books. But what if she met Harold? Harold is...