Chapter 2

144 17 11
                                    

TINANGGAL ko ang sombrero ko at saka pumasok ng building. Dumiretso ako sa dressing room ng partner ko. Kakatok na sana ako pero napatigil ako nang marinig kong may kausap ito sa loob.

"Ano na, Manager? Nakulong ba? Okay, okay."

Wala akong narinig na sumagot kaya dineretso ko na ang pagkatok ko.

"Come in!" sigaw mula sa loob kaya pumasok na ako.

"Hey, you must be Tasha Woods?" I said with a smile plastered on my lips.

Tasha cleared her throat before answering, "Yes, it's nice meeting you Mr. Washton." Naglahad ito ng palad at malugod ko naman iyon tinanggap.

"Just Harold," I said.

Nginitian lang ako nito at saka tinuro ang couch. Umupo ako roon at umupo naman ito sa katapat kong upuan.

"May nawala ba sa gamit mo?" I asked.

Nanlalaki ang mga mata na tumingin si Tasha sa akin.

"You know how to speak tagalog?" manghang tanong nito sa akin.

Natatawang tumango ako rito at sumagot, "Yes, I have also lived here for three years and then migrated to the states for a better future."

Tumango-tango lang ito. "Yes, wala naman nawala sa gamit ko. Wait, ikaw ba ang nagpakulong sa . . . sa kaniya?"

Tumango ako rito. "Yes, nakita ko kasi na kahina-hinala ang kilos niya at talagang dire-diretso siya sa room mo at palinga-linga sa paligid. Are you sure na walang nawala? Kasi kanina nang kapkapan siya ng pulis may nakuha sa kaniya na two thousand pesos."

Nagtataka ko itong tiningnan dahil sa biglaan nitong pagtayo at kinuha ang Hermes bag na nakapatong sa coffee table. Binuksan nito ang bag, may isang papel ang nahulog.

Pupulutin ko na sana ito nang bigla nito iyon tapakan kaya nag-angat ako ng tingin dito. Ito na mismo ang pumulot at binuksan ang note na iyon.

"It's a note from Veronica."

I didn't heard what she said. "What's that?" I asked.

Umiling lang ito sa akin at saka binasa ang note nang taimtim. Nang matapos ay tiningnan ako nito.

"Sana hindi mo na pinakulong 'yung tao. Wala naman kasing nasaktan. If she wants the pizza, let her be. Kaya ko naman bumili, but . . . thank you!" Tasha said and crumpled the paper and hid it inside her bag.

"I don't mind." I shrugged my shoulders and lean on the couch. "Nice bag you have in there," I said and checked her bag's brand.

"A, yes, I bought this in London," Tasha said and showed her bag to me.

"We have one month to prepare for the movie." Pag-iiba ko ng topic nang namayani sa amin ang katahimikan.

Tumango lang si Tasha at saka lumapit sa cabinet. Napansin kong natigilan ito nang buksan ang isang drawer. May kinuha ito roon at inangat upang tingnan. Napansin ko na may clothing label sa damit na lumaylay na halatang bago pa.

"That's a pretty dress of yours," I said nang buklatin ni Tasha ang dress at pinakatitigan ang design niyon.

"A, yes, thank you!" Tinago na nito ang damit at saka nilagay roon sa isa sa mga hanger at sinabit sa clothing rack.

Napatingin ako sa wall clock na nasa loob ng dressing room nito. "By the way, I have to go. I need to visit a friend of mine. My manager will discuss to you the contract that you need to sign and the content of it. It is for the part of bed scene and it has limits from touch to everything. Bye!"

Limelight Series 1: SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon