Chapter 7

81 9 8
                                    

Napatingin ako sa driveway ng airport nang may humintong sasakyan doon. It's a taxi and may bumaba na pasahero. Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan ang mga sasakyan na dumadaan. Nandito kami ngayon sa airport dahil aalis kami papuntang Australia.

Kasalukuyang nakikipag-usap si Harold sa mga kaibigan nito at manager.

"Veronica, we should go," Harold said.

"Okay, wait lang!" sigaw ko dahil medyo malayo ako sa kanila.

Hinihintay ko ang pamilya ko. Alam kong alam nila na aalis ako papuntang ibang bansa. Sa apat na araw na paninirahan ko sa Sunrise hotel, alam kong may nagmamanman sa akin. Hindi ko na lang ito sinabi kay Harold dahil alam kong papalipatin nito ako sa ibang hotel.

"Veronica!"

"Coming!" sigaw ko at saka hinatak ang maleta ko at lumapit sa kanila.

Tumabi ako kay Harold. Naramdaman ko ang kamay nito na hinawakan ang kamay ko. He intertwined our hands. Napangiti na lang ako sa mga kaibigan nito.

Kilala ko na ang mga kaibigan nito kaya hindi na ako naiilang sa mga ito. Pero noong unang araw na nakilala ko ang mga ito, halos magtago lang ako sa likod ni Harold dahil may mga adonis sa harap ko.

"Veronica, take care of yourself there, okay?" It was Max. Lagi itong masayahin at maingay.

Napangiti na lang ako kasi kahit sa maliit na panahon na nakasama ko ang mga ito, kahit halos araw ko pa lang itong kakilala, komportable na ako sa mga ito.

Tumango ako rito. "I will, thank you!"

Ngumiti ito. Naglabasan na naman ang mga dimples nito na kay lalim. Napatawa na lang ako rito at saka humarap sa iba pa nitong kaibigan.

"Manager, you can now submit your own contract to the CEO of R-High," Harold said.

Medyo lumayo ako sa mga ito dahil medyo sensitive ang topic nila.

"Harold, una na lang ako sa loob. You can talk with them pa. Matagal pa naman ang flight natin. We still have two hours to go," I said at tinuro ang loob ng airport.

"Nah, Harold, go with Veronica now. I will do the contract right away and pass it to the CEO," Manager Chris said.

"Ah, okay lang sa akin na maghintay ako sa loob," sabi ko at nauna na.

Narinig kong naghalakhakan ang mga kaibigan ni Harold kaya mas binilisan ko pa ang paglakad papuntang entrance ng airport. Pumila na ako sa ladies line at saka hinanda ang passport ko at ang shoulder bag. Napatingin ako sa left side ko nang may kumalabit sa akin doon. Mga kaibigan ni Harold. Kumaway ang mga ito sa akin kaya kumaway rin ako rito pabalik.

"Veronica, we need to go now. Take care, okay?" Manager Chris said.

Tumango ako rito at saka nag-thumbs up. Kumaway ang mga ito sa akin at saka umalis na. Nakatingin lang ako sa mga bulto nitong papalayo na.

Si Max lang ang kilala ko na likod dahil sa suot nitong hoodie. Puro sila naka-aviator glasses at naka-black cap. Pare-parehas rin ng suot na hoodie, except Max na medyo colorful.

"Veronica." Napatingin ako kay Harold nang tawagin ako nito.

Tinuro nito ang harap ko kaya napatingin ako doon.

Ako na pala next. Binigay ko na sa guard ang passport ko. Tinanggal ko ang aviator glasses ko at saka tiningnan ang guard. Binalik nito sa akin ang passport ko kaya pinakita ko rito ang laman ng shoulder bag ko. Ang guard na nasa left side ay kinuha ang maleta ko at pinasok doon sa baggage scanner machine. Ang shoulder bag ko naman ay nilagay ko sa carry-on luggage scanner. Pumasok na ako at kinapkapan ako ng babaeng guard na naghihintay sa may pinaka-exit ng airport. Nag-thumbs up ito sa akin kaya tumayo na ako nang maayos at saka lumapit sa luggage ko at shoulder bag na nakapatong sa baggage scanner.

Limelight Series 1: SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon