Epilogue

98 4 4
                                    

NAPATINGIN NA LANG ako sa isang babae na nakikipag siksikan dito sa hallway ng school papuntang canteen. Kanina pa ito pinagtitinginan ng mga tao at pinag-uusapan dahil kanina pa ito paikot-ikot sa buong school.

"Siya yata iyung kapatid ni Tasha na introvert daw masiyado at nag-homeschooling lang."

"Yes, siya nga iyan. Look at her clothes, ang layo masiyado kay Tasha. Buti na lang talaga at hindi iyan pumapasok here. Urgh! Panira lang sa mood."

"Nica!"

Napatingin ako sa babaeng sumigaw. It's Tasha at kumakaway ito sa kapatid nito. Nakasunod lang ang tingin ko sa babaeng nagngangalan na 'Nica'. Papunta ito sa gawi ni Tasha at may hawak na wallet na siguro ay kay Tasha at nalimutan lang.

Lumipas ang ilang minuto at umalis na ito. Nakayuko lang ito habang naglalakad palayo kay Tasha at si Tasha naman at ang mga kaibigan nito ay panay ang tawa.

Sa araw-araw na pagpasok ko sa school, lagi ko itong hinihintay. Lagi akong nakasunod kay Tasha hoping na makita ulit ito dahil curious na curious talaga ako sa personality nito.

"Pre, I heard you were following Tasha these days, a?" Levi said.

"Be quiet. I she finds out about this, she might assumed that I like her."

"What? I thought you liked her, that's why you are following her."

I rolled my eyes at him.

"Stop kidding around. She has a bad personality. I hate her to the core."

"Okay, oaky!" Levi showed his hands as if he was surrendering from the policemen.

Hindi ko na lang ito pinansin at muling tiningnan si Tasha na hindi kalayuan sa pwesto namin.

"Lagi na lang siya nakatingin kay Tasha." Napatingin ako kay Max na siyang nagsalita.

"Hinihintay niya yata iyung kapatid ni Tasha. Maganda raw sabi ng iba na nakakita ng mukha nito. Some says talagang sobrang ganda raw lalo na kung mag-aayos ito."

"Huwag mong iparinig kay Harold baka mamaya sa labas na ng bahay nila Tasha iyan tumambay," saad ni Brandon at binuntunan pa nito iyon ng tawa.

Napailing-iling na lang ako sa mga ito at hindi na pinansin.

MABILIS NA LUMIPAS ang panahon at ngayon ay isa na akong ganap na artista. Nagsimula ako sa extra sa ilang film at ngayon, ako na ang leading man. Kasalukuyan akong nasa stage at pumipirma sa mga album na binili ng mga fans ko.

"Ate!"

That voice. It's Nica's voice.

Luminga-linga ako sa paligid ko upang hanapin si Nica. Napatingin ako sa gilid ng stage kung saan maraming nagkakagulo a tao. Then I saw her. Tumingin ito sa akin pero agad na umalis at nakipagsiksikan sa maraming tao.

Nakasunod lang ang tingin ko rito habang naglalakad ito palayo.

"Harold!"

Napatingin ako kay Manager Chris na siyang nakaupo sa hindi kalayuan sa akin tumayo ito naglakad palapit sa pwesto ko. Matanda lang ito sa akin ng dalawang taon kaya ka-close ko rin ito.

"Mag-focus ka nga sa ginagawa mo," bulong nito nang makalapit sa akin.

Tinanguan ko ito at pinagpatuloy na ang ginagawa pero panaka-naka na tumitingin sa direksiyon na tinungo ni Nica.

"Chris, sa tingin mo, may magkakagusto ba sa akin na babae na mahinhin? Iyung talagang hindi mahilig sa crowd. Introvert, like that."

"I don't think so, Harold. May ilang mga kababaihan na kinakahiya ang ganiyang trabaho ng ibang lalaki. Depende rin naman sa babaeng iyon," sagot nito.

Limelight Series 1: SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon