Chapter 3 (Rematch)

1 0 0
                                    

(Ayanna's POV)

Kainis namn tong si Jay-R, bakit kailangan ihatid ko pa ang mga inorder niya! Ano naman kung maaga silang magsisimula sa trabaho? Eh kinukuha niya naman talaga order niya lage. At nagdemand pa talaga na dalhin ko sa pinagtatrabahuan nila, diba niya naisip hello babae ako hindi kung sinong superherong kayang dalhin ang lahat ng order niya. Ang bigat kaya! Teka asang parte ba sila nagtatrabaho ngayon, ba't di ko sila makita. Ang laki nga ng lupain ni mayor dito, Lord tulong po! Nanglalagkit na ang mga pawis ko sa kahahanap at nangangawit na ang mga kamay ko sa kabibitbit ng kakaning to. Ah ayun, may nakita na akong tao sa may kubo, siguro iyun nayun pero hindi naman ako dumaan sa gubat ah. Baka ito na siguro yun nagkamali lang yata si Jay-r sa sinabi niya kagabi. Malapit na ako sa kubo ng...

"Araayy!!" natalisod ako sa..ano? Balat ng saging? At sino namng siraulo ang naglakas ng loob magtapon ng balat ng saging dito "Ahh! Ang sakit talaga" hindi pa ako nakatayo nang may lumanding na balat ng saging sa mukha ko. Na namn? At ang epic pa ng nangyari, akalain niyo nagmukhang starfish ang balat ng saging. Nagmukha tuloy akong bato na dinapuan ng starfish. Magbabayad talaga sa'kin kung sino man ang may pakana ng lahat ng to. Kainis! Napapikit nalng ako habang iniisip kung ano ang maaari kung gawin sa taong may gawa nito. Ramdam kong may yabag na papalapit sa'kin kaya binuksan ko ang mga mata ko.

"Are you okay?" tanong ng damuhong pamilyar habang nakangisi. Binalingan ko ng tingin ang kubo wala ng tao. Kapal mukha! Siya pala ang may pakana nito.

"Ginagantihan mo ba ako?" diretsong tanong ko.

"Ganti? No, I'm not!" tanggi niya.

"Eh anong ibig sabihin nito?" turo ko sa kinalalagyan ko.

"A coincidence, at wag mo ngang isisi sa'kin ang katangahan mo. It's not my fault kung bakit ka natalisod"

"Katangahan ko? Ano, suntukan tayo?" hamon ko ang yabang kase kong magsalita.

"Are you challenging me?" parang bakla lang. Tumayo ako.

"Ikaw pala ang tanga eh, alam mo na ngang hinahamon ka may patanong-tanong ka pang nalalaman" maangas na sagot ko.

"Wag mo akong matawag-tawag na tanga kundi makakalimutan ko talaga na babae ka" nanghahamon ka rin namn pala eh.

"Eh di kalimutan mo, kung gusto mo ako na mauna" ng walang paligoy-ligoy binitawan ko mga bitbit ko at sinuntok siya, akala niya ha.

"How could you punch me you bitch!" ginantihan niya ako ng isang malakas na tulak kaya ang nangyari napaupo ako sa damuhan. Ang sakit nun ha! At dahil nga hindi ako magpapatalo, tumayo ako at susuntukin na sana siya ng...

"Anong nangyayari dito?" parehas kaming napatingin ni unggoy sa nagsasalita. Si-si si si mayor! Hala si mayor nakita niya yung gigi-ginawa ko kay koke. At ang mas lalo pang nakakahiya dahil ang dami nila. Andito yung barangay officials namin. Wag namn sanang makarating kay nanay.

"Lolo?" di makapaniwalang tanong ng damuho kay mayor.

"Bakit kayo nag-aaway?"

"Ahh...Ahh...Ahh" hindi malamang sagot ni Dolphy. Halatang takot siya sa lolo niya. Kawawang bata takot kay Lolo.

"Hehehe hindi po kami nag-aaway mayor. Naglalaro lang po kami ng tulakan. Diba?" pagliligtas ko sa kanya, binalingan ko ang baliw at binigyan ng pinakaplastik kong ngiti. Kahit na tinuring kong kaaway yan alam ko namn kase ang pakiramdam ng takot sa lolo, takot rin kase ako sa lolo ko.

"Akala ko pa naman nag-aaway kayo. Eh kase dun sa tabuan ang init kase ng dugo nitong si Kenjie sa'yo eha" naalala ako ni mayor.

"Naalala niyo po ako mayor?" di makapaniwalang tanong ko

"Aba oo namn! Magaling ako sa pagsasaulo ng mukha ng tao. Itong si Kenjie, di man lang nabanggit sa'kin na may kaibigan na pala siya dito sa San Juan. Nga pala eha, sayo ba yang mga panindang yan?" Kenjie pala pangalan ng isng to ah.

"Ah opo mayor. Pang-meryenda po kase tong ng mga trabahador niyo, napahinto lang po ako dito malapit sa kubo kase nangangawit po talaga mga kamay ko eh, sakto namng nakita ko si damuho ah Kenjie pala" tiningnan ko yung unggoy at sa oras na to binigyan ko siya ng totoong ngiti, tiningnan niya rin ako nagtama ang mga mata namin, ang ganda ng mga mata niya at gwapo pala siya pag tinitigan ng malapitan. Aaminin ko nagwagwapuhan namn talaga ako sa kanya nung una ko siyang Makita, sino ba namn kase ang hindi magwagwapuhan sa kanya ang kinis-kinis ng balat, perpektong mukha, ang galing pumili ng damit, matangkad at idagdag mo na rin ang katawan niyang may kapayatan pero bagay na bagay sa kanya, yun nga lang naturingang gwapo pero ang itim ng budhi. Di ko alam kung bakit bigla nalng huminto ang mundo ko ng magkatinginan kami. Una na akong lumihis mahirap na gwapo pa namn ang kaharap ko at taga-Maynila. Baka maulit yung nangyari dati "Ah sige po mayor, mauna na ako" sabay kuha sa mga kakanin na binitawan ko.

"Kaya mo bang dalhin lahat ng yan eha?" nag-aalalang tanong sa'kin ni mayor.

"Opo mayor, kayang-kaya ko to!" pagsisigurado ko sa kanya kahit alam namn natin na ang bigat talaga ng lahat ng to.

"Kenjie, tulungan mo namn kaibigan mo. Babae yan at halatang mabigat ang lahat ng yun oh. Kawawa namn kong sosolohin niya"

"But Lo, she's not my fr---." Alam ko na susunod niyan friend! Asa namn isang to kakaibiganin ko.

"Kenjie, hindi ka ba naaawa sa kanya. Sige na tulungan mo na! Magme-meeting lang kami dito sa kubo sige na. And remember nagtatrabaho sa atin ang kakain niyan. Be good to your employees" padabog siyang lumapit sa akin at kinuha ang dala-dala kong box ng banana cue. Binulungan niya pa ako.

"You will regret this" ano namn pagsisisihan ko?

"Wala akong ginawa"

When He Meets Her (Provincial Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon