Simula ng Palaisipan

292 1 0
                                    

Sa food court ng Gaisano mall sila nagkasundong magkita ni Herman. Pinaghintay din siya nito ng mahigit 30 minutes. Matapos umupo sa harap niya ang lalaki, tinitigan ito ni Paula. Nagtataka siya bakit yung mga ini-expect niyang behavior ni Herman after na may mangyari sa kanila kagabi eh hindi niya makita o maramdaman sa mukha o kilos nito. Di ba dapat masayang-masaya ang boyfriend niya ngayon? Na parang nanalo ng jackpot sa lotto? Mukhang puyat at pagod nga si Herman piro hindi mukhang masaya.

Ganito ba talaga? Tanong niya sa isip niya. Sa kanya super big deal yung nangyari sa kanila kagabi. First time niya yun! Matapos ang experience na yun, aba, ang dami-dami at iba't iba ang mga pumapasok sa isip niya nang sabay-sabay mula pa kaninang umaga pagka gising niya. At ang dami-dami at iba't iba rin ang nararamdaman niya nang sabay sabay. Samantalang itong boyfriend niya na kaharap niya ngayon, eh, napaka cool lang. Na parang walang nangyari.

Nakakawendang ha. O baka naman masyado lang madami ang kanyang expectations after that. Masyado lang niyang ginagawang big deal yun.

"Uy!" Kinakaway ni Herman ang isang kamay nito malapit sa kayang mukha.

"Huh?"

"Anong nangyayari sayo?"

"Ha? Bakit?"

"Kanina ka pa nakatitig sa akin ah! Hindi ko alam kung galit ka o ano?"

"Bakit hindi ka nagtex kagabi kung nakauwi ka na?"

"Ha? Ah, nalasing ako eh. Sorry."

"What?"

"Niyaya ako ng barkada. Nag-inuman kami sa bahay nila Erik."

"What? I mean what time kayo nag-inuman?"

"Mga around 9 na yun kagabi, ewan. Please 'wag kang magalit, love."

"A...anong oras kayo natapos?"

"Lampas alas dose na yata, eh, do'n na nga muna ako natulog kay Erik."

Ang feeling ni Paula para siyang hinigop pataas ng isang malaking ipo-ipo tapos itinapon siya sa pababa... pabulusok.

"Uy, parang galit ka nga?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Herman.

"Wait! ... OMG!" Napayuko si Paula sabay subsob ng kanyang mukha sa kanyang dalawang palad. This can't be?

Lumipat sa pagkakaupo si Herman. Tinabihan siya. Hinawakan ang kanyang kamay.

"Love, sorry na nga. Ang lamig mo ah! Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba? Namumutla ka pa!"

Hindi makatingin si Paula sa mata ng boyfriend. Sa mahinang boses tinanong niya ito, "Nagpunta ka ba sa bahay kagabi?"

"Ha? Eh, nag-inuman nga kami. Tapos hindi ka naman nag reply sa text ko kagabi. Gusto ko talaga sana pumunta, di ba, alam mo na."

Sa isip ni Paula, panaginip lang ang lahat ng ito! Isang nakakalitong panaginip lang! Anumang segundo magigising siya. Paula, gumising ka! Gumising ka!

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon