Ang Mga Kasagutan

218 0 0
                                    

Tinanggal ni Paula ang suot niyang pulseras at inilatag ito sa kanyang study table. Mamahalin ang bracelet na ito. Talagang gawa sa tunay na pilak at mamahaling bato. Nang ibigay ito ni Herman bilang regalo sa kanyang ika-16 kaarawan sobrang naantig ang kanyang damdamin. Sa katunayan ito ang dahilan kung bakit nabitawan niya ang pangako sa kanyang boyfriend na kapag umabot at lumampas sa anim na buwan ang relasyon nila, isusuko niya dito ang kaniyang pagiging donselya. Si Herman ang magiging mapalad na lalaking pupunit sa kaniyang kadalisayan.

"Ito talaga!" Bulalas ni Tina. "Ito yung tinutukoy ng Jason na yan na precious something na ninakaw ni Herman sa kaniya. Ibinigay ni Herman sayo, kaya in exchange, Jason stole your virginity! Siningitan niya si Herman!"

Nagsimulang mag type si Tina sa keyboard ng laptop.

"Ano bang gagawin mo?" Nag-alalang tanong ni Paula sa matalik na kaibigan.

"Eh ano pa, e-chat uli natin 'tong baliw na Jason na to! Kung ang bracelet na 'to ang dahilan ng lahat, tang'na Bez, ang babaw babaw namang dahilan para babuyin ka niya, di ba? Ang dali namang bawiin nito sayo kahit anong oras, di ba? All he have to do is ask!"

>> this bracelet herman gave me as a gift, is this that precious something herman stole from you?

Ang account pa rin ni Paula ang gamit ni Tina sa pag-send ng pm kay Jason. Kaya ang iisipin ni Jason si Paula pa rin ang ka-chat niya.

Parang ini-expect talaga ni Jason ang muli niyang pag kontak dito through FB chat. Napakabilis ng reply.

>> that's not mine, honey

"I think he's always online. Look, he's on mobile." Obserbasyon ni Tina. Nag send uli ng message si Tina.

>> i want to know what herman stole from you

Hindi nakatiis si Tina, may pahabol pa siya.

>> are you lovers? you and herman?

Parang hindi makahinga si Paula habang hinihintay ang magiging reply ni Jason sa mga tanong na yun.

>> wow, i never expect you to be that smart girl to be able to figure that out lol

"Pakshet, Pau! See? Tama ang theory ko!" Napaka-emotional na ni Tina.

May picture uli na ipinadala si Jason. Litrato ng isang matandang babae. May suot na gold necklace.

>> that's my mom, you know, she died 3 years ago, she left me that necklace, herman stole that precious legacy from me just to be able to buy you that birthday gift

Parehong natigilan si Paula at Tina sa rebelasyong ito. Naka-recover agad si Tina at nag-type uli ng message sa chatbox.

>> are you sure si herman talaga ang kumuha niyan? at kung sure na sure ka nga eh dapat you confronted herman! bakit kailangan umabot pa sa ganito na kailangan babuyin mo ako? you raped me! i'm far more precious than that necklace!

>> herman doesn't know it yet, until now, i pretended that i'm not yet aware of his crime, i never saw him stole it, piro siya lang ang pwedeng kumuha niyan, and when i saw that bracelet that you're flaunting? it verified my suspicion. herman must have pawned the necklace, he can't afford to buy you that gift, you know, mahirap pa sa daga ang family ni herman, how well do you know your boyfriend, paula paraiso?

Hindi na naghintay si Jason ng kanilang response. He finally revealed lahat ng dapat malaman ni Paula.

>> i admit, i'm starting to feel guilty with what i did to you, but i hope maintindihan mo ang position ko dito. after mom died, i felt so lost. herman was there as a friend, then something happened between us, one night we got both drunk. nakiusap ako kay herman to just keep it between us. his silence came with a high price. he became abusive. demanding. he can use and abuse me anytime he wanted or needed it. lahat ng gamit niya, from head to toe, galing sa akin lahat yan, he gave you an impresson na he came from a well to do family, well, he's fake, paula. he was so obsessed with you. never pa daw siya naka-experience to divirginize a girl. so you became his project. he will do anything just to be rewarded with fucking a virgin! when he stole that necklace that mom gave me? it's unforgivable, can you imagine how i felt? my outrage? after all the things i have done for him sa loob ng 2 years since that one night na pagsisisihan ko for the rest of my life, this is what i got. do you think i deserved the things na pinag-gagawa ni herman sa akin? i told you, you were my perfect opportunity to get back at him, to get even, but it's not yet enough, i need your help, paula

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon