Ang Regalo

215 1 0
                                    

"Wait lang... wtf! He's gay! Jason is gay!" Bulalas ni Tina.

Pinapunta niya ang kanyang best friend sa bahay nila. Ipinakita niya ang exchange of messages nila ni Jason sa FB chatbox niya.

"What?"

"Englisero ang footah! Ganitong ganito makipag chat si Troy!" Si Troy ang pinakamatalino sa klase nila, running for valedictorian. Si Troy ay bakla. Openly and proudly gay!

"Nakakaloka na talaga ito Bez! Parang hindi ko na makeri!"

"He can't be gay! Bakit siya nakipagtalik sa akin? Paano?"

"May ibang tawag sa ganyan! Ano... he is bisexual! Yes, Jason is bisexual. Go siya sa kapwa niya lalaki, go din siya sa babae!" Babaeng bakla si Tina. Mas marami itong friends na gays kaysa kapwa niya babae. Tina is a gay expert compared sa kanya.

"Oh my! Pau my dear, naiisip mo ba naiisip ko?" Hinawakan siya ni Tina sa magkabilang balikat. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata niya.

"What?"

"Si Herman at Jayson are lovers! This is the motive! Kaya nagawa sayo ni Jason yun! He is madly jealous with you."

"No! That's absurd!"

Ibinaling muli ni Tina ang atensyon sa laptop screen. Binasa niya uli ang conversation ni Paula at Jason. From the top. Tapos she browsed it down to the bottom.

"Did you see this? Jason sent you a picture!"

Si Paula ang nasa picture. Ipinapakita niya sa camera ang kanyang suot na silver bracelet na may jade stones. At ang lapad lapad ng ngiti niya. She looked ecstatic na parang nanalo ng title sa isang beauty pageant. May text pa yung picture na "i my boyfriend!"

Sabay napalingon si Tina at Paula sa bracelet na suot ng huli. Tapos nagkatinginan sila. Ang litrato ay mahigit 4 months old pa lang. Pinost ni Paula yun sa kanyang Facebook account kinabukasan ng kanyang 16th birthday. Ang bracelet ay isang regalo. Birthday gift sa kanya ni Herman!

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon