Ang Pangako

208 0 0
                                    

"Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin, love." Naiiyak na sabi ni Herman. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.

Biernes. Eksaktong isang linggo ang nakalipas mula nang maganap ang makasaysayang gabing yun sa buhay ni Paula. Nasa loob sila ng isang cottage sa tabing-dagat, sa isang beach resort. Lampas alas singko na ng hapon.

Ang huling pagkikita nila ng kanyang boyfriend ay noong naganap ang pangit na eksena nila sa food court ng mall. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay wala nang tigil si Herman sa pag-text sa kanya at pag-attempt na tumawag sa phone nguni't hindi niya ito sinasagot ever. Sa labas ay iniwasan niya itong makita. Pinagtaguan niya si Herman sa loob ng anim na araw. Walang ka-ide-ideya si Herman sa mga bagay na natuklasan niya sa buhay nito. Sa loob ng isang linggo ay nakilala niya ng lubusan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa loob ng tatlong buwan at pinakisamahan ng mahigit walong buwan. Ang lalaking ito na pinangaku-an niya ng kanyang virginity.

Kaninang umaga lang niya finally tinex si Herman. Sinabi niya sa lalaki kailangang magkita sila. Sa isang pribadong lugar.

Dito siya dinala ni Herman matapos siyang sunduin mula sa school. Sa isang beach resort na medyo may kalayuan sa city proper.

"Ano ba talaga nangyari sayo, ha, love? Bakit ganun na lang ang galit mo sa akin? Ano ba matinding kasalanan ang nagawa ko sayo? Wala naman di ba?" Nakayakap pa rin sa kanya si Herman.

"Wala yun, huwag mo ng isipin yun. Ang mahalaga ok na uli tayo ngayon." Niyakap na din niya si Herman.

"Kung anuman yung mga naging pagkukulang ko, love, sorry talaga." Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Herman simula nang sunduin siya nito kanina. Piro napansin nga niya na ininda ng lalaki ang naganap sa kanila lately. Haggard looking. Pumayat ng konti.

"Herman, I'm ready. Now."

Kumalas sa pagkayakap si Herman sa kanya. Tinitigan siya sa mukha at may pag-aalala sa ekspresyon nito. "Anong ibig mong sabihin, love?"

Ok, baka inisip ni Herman ready na siyang makipag-break based sa mga pangyayari this week. "Remember my promise? I want to fulfill that promise to you. Now. Kaya nga sabi ko dalhin mo ako sa isang private place."

Napalunok si Herman.

"Herman, kailangang iuwi mo ako before 7pm sa bahay mamaya. So if you really want it, simulan mo na."

"La...love, ah...shu... sure ka?"

"Herman will you shut up? Do what you have to do bago pa magbago ang isip ko!"

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon