Pagkatapos ng Lahat?

358 1 0
                                    

After lunchtime, hindi pa rin nagti-text si Herman. Hindi na nakatiis si Paula. Siya na ang naunang kumontak.

"Hi :-)"

No reply. Nag-alala na siya. Kagabi nag expect siya ng text mula kay Herman kung ito ba ay safe na nakauwi sa kanila. Nakatulog na lang siya sa paghintay.

Bigla siyang nagpasyang lumabas kahit na tinatamad siya. Tinex niya uli ang boyfriend niya: "otw sa Gaisano mall...see you there after 30 minutes!"

Isang oras na siyang nag-iikot sa mall bago niya natanggap ang reply ni Herman. Maraming tao sa loob kasi Sabado nang araw na yun.

"sori, love! kagigising lang, punta na ako diyan!"

Hay.... nakahinga ng maluwag si Paula dahil malapit na siyang magalit sa lalaki. Naalala niya kasi one time ang kwentuhan nila with her girlfriends about girls na finally isinuko na ang virginity nila sa kanilang mga boyfriends. Some claimed na yun lang daw talaga ang habol ng mga guys, susuyuin ng sobra ang mga girls para lang makipag-sex. Pagkatapos makuha ang gusto, nawawalan na ng gana.

Feeling ni Paula nangyayari sa kaniya ang claim na yun. Dahil naibigay na niya kay Herman kagabi ang kagustuhan nito, now he started taking me for granted? Hindi yata siya makapapayag.

Muling sumagi sa isip ni Paula ang mga naganap last night. Kagabi ay ipinaranas sa kanya ni Herman ang kaligayahang kakaiba. Gustong-gusto na niyang makitang muli si Herman. Hindi maipaliwanag ni Paula ang kakaibang init na gumapang sa katawan habang iniisip ang boyfriend.

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon