Ang Pagsasauli

198 0 0
                                    

Mga sampung minuto lang, natapos ang lahat. Walang imikan. Naririnig ni Paula ang mabilis at malalim na paghinga ni Herman sa tabi niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Hudyat na kailangan niyang bumangon at magbihis.

"Ihatid mo na ako pauwi. Segurado si mama itong tumatawag." Utos niya kay Herman na parang ayaw pang bumangon at kanina pa nakatitig sa kanya piro parang napakalayo ng iniisip.

Matapos makapagbihis ay Kinuha ni Paula ang kanyang cellphone na nakapatong sa maliit na table katabi ng kama. Kinuha na rin niya ang kanyang school bag na nakapatong sa upuan malapit sa may pinto at lumabas siya ng cottage bago niya pinindot ang Answer button.

"Hello, Ma? Opo, uuwi na ako. Mga 20 minutes nandiyan na ako, ok?" Medyo nilakasan ni Paula ang boses niya para marinig ni Herman na nasa loob pa ng cottage. Ang totoo, si Tina, ang kanyang best friend ang nasa kabilang linya. At narinig niya itong nagsabi ng, " Bez, I have to know everything, ha!", bago niya pinindot ang End call button.

"Herman, mauna na ako sa labas ng gate, mag-aabang na ako ng jeep, ok? Please hurry!" Malapit lang naman ang entrance ng beach resort. Mula sa cottage ay tanaw ito ni Paula. May concrete pathway na dadaanan palabas at papasok ng resort. Nguni't bago niya narating ang gate ay nakahabol sa kanya si Herman.

"Pau, wait," medyo nahihingal nitong sabi.

Tumigil sa paglalakad si Paula. Anong nangyari sa "love"? "Pau"?

"What?" Nasa tabi na niya si Herman. Alam niya tinititigan siya ni Herman sa mukha nguni't iniwasan niyang salubungin ang tingin nito kaya sa entrance ng resort nakatuon ang pansin ni Paula?

"Pwedeng mag-usap muna tayo bago kita ihatid pauwi?"

"Di ba tumawag si mama, hinahanap na ako? Sa bahay na lang tayo mag-usap ok?"

Itinuloy ni Paula ang paglalakad patungo sa gate ng resort. Nag-aatubiling sumunod na lang si Herman. Nakasakay naman agad sila ng jeep. Napansin ni Paula ang kakaibang tingin sa kanila ng ibang pasahero kasi galing nga sila sa isang resort at mag-a-alas siyete na ng gabi. Piro dinedma lang niya ito kasi buti naman at hindi niya ito mga kakilala o ni Herman.

Tama ang estimate ni Paula, after 20 minutes nasa tapat na sila ng kaniyang bahay. "Bakit parang hindi ka masaya, Herman?" Nasa labas lang sila ng bahay. Nakatayo malapit sa pinto. Hinarap niya ang lalaki at finally tiningnan niya ito ng mata sa mata.

Nakikita ni Paula sa ekspresyon ng mukha ni Herman ang magkahalo at mga pinipigilang emosyon - pagtataka, galit, himutok, tampo. "Pau, bakit ganun?"

"Oh, I'm sorry, Herman. I lied to you. I'm not a virgin anymore." Dire-diretsong sabi ni Paula sa mahinang boses sa pag-aalalang may makarinig sa sinasabi niya. "By the way, here's your bracelet. At pakiusap lang I don't want to see you anymore."

Pagkatapos ay dali-daling tinungo ni Paula ang pinto ng bahay nila, binuksan, pumasok nang walang lingon likod. At sinadya niyang medyo lakasan ang bagsak ng pagsara ng pinto para sa karagdagang epek.

Mamaya nga pala, kailangan na niyang mag change ng sim card, ang unang pumasok sa isip ni Paula habang tinutungo niya ang kanyang kwarto para maligo at magbihis. Buti na lang walang tao sa sala nila. Nadidinig niya na nasa kusina ang mga kasama niya sa bahay nang oras na yun.

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon