Balik Tanaw

270 0 0
                                    

Naisip ni Paula na puntahan ang kanyang best friend na si Tina. Parang mababaliw siya sa mga pangyayari. Nguni't magulong magulo pa ang isip niya. Kaya nagpasya siyang umuwi sa kanilang bahay. Nagkulong sa kanyang kwarto. Mag-alas-sais na ng gabi. Wala pa rin ang mga parents niya. Kahapon ay umalis ang mga ito para makiramay sa pinsan ng kanyang mama na nasa malayong munisipyo, mga dalawang oras na biyahe ng bus. Huling lamay at kaninang umaga ang libing. Nagtex kanina ang mama niya na gagabihin sila sa pag-uwi. Naiwan siya at ang kanyang pitong-taong gulang na kapatid na si Gabby.

Ilang beses niyang binasa ang mga palitan ng text nila ni Herman kahapon na nasa inbox ng phone niya.

Eight months na silang mag boyfriend ni Herman. Ang pinakamahaba niyang pakikipag relasyon. Pangatlong boyfriend niya si Herman. Yung dalawang nauna hindi umabot ng three months.

Herman Mauleon ang buong pangalan ng boyfriend niya. Eighteen na ang edad nito. First year college. Criminology student. Si Herman ang tipo ng lalaki na gusto niya physically - matangkad, moreno, maganda ang mata, at mabango at malinis sa katawan. Na in-love na siya after three months nilang pagiging mag-on. At nangako siya kay Herman na pag lumagpas sila ng six months, may mangyayari sa kanila. Ibibigay niya ang kaniyang virginity as a proof na totoong mahal nga niya ito.

Nang malaman ni Herman na aalis ang mga parents niya kahapon at sila lang ni Gab ang maiiwan sa kanilang bahay, kinulit siya nito about sa promise na yun. Napapayag siya ni Herman.

7:45PM may pumasok na text message mula sa isang unsaved number... "love, herman to, nakitex lang ako, ano na desisyon mo?" Hindi niya agad nabasa ang message na ito. 8:17PM nag reply siya sa number ni Herman, "ok, wait mo message ko 10PM"

From 10PM kagabi, may palitan sila ng sms mula sa number ni Herman. Ipinaubaya niya kay Herman ang lahat ng pag-plano ng kanilang mga galaw para maisakatuparan ang pagsuko sa isang bagay na naipangako niya dito. Naging sunud-sunuran siya sa mga nilalamang utos nito sa kaniyang mga text messages.

Ini-off ni Paula ang ilaw sa labas ng bahay nila. Si Gab ay natulog sa room ng kanyang mga parents. Kaya nang gabing yun nag-iisa lang si Paula sa room na usually tinutulugan nilang magkapatid. Pinatay din ni Paula ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Pagsapit ng 10:30 ng gabi ay nabalot ng dilim ang buong bahay.

Ang main door ay hindi niya ini-lock. Ang pinto ng kaniyang kuwarto ay iniwang niyang bukas partially. As instructed, naghubad ng kaniyang damit si Paula, totally naked siya nang mahiga sa kaniyang kama at nagtakip ng kumot.

"dito na ako tapat ng bahay niyo. papasok na ako. off mo na cp mo." Ang huling text message na galing sa number ni Herman. Sent at 10:45PM.

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon