Pagkakatuklas

297 3 0
                                    

"Uy, ano bang nangyayari sayo, love?" Boses ni Herman ang naririnig niya na parang nasa malayo. Piro heto si Herman, katabi lang niya. Magkadikit lang ang mga katawan nila. Maingay sa loob ng food court. Iba't ibang uri ng ingay. Nguni't pakiramdam ni Paula ay nakasarado ang kanyang utak sa lahat ng mga nangyayari sa paligid niya.

"I'm sorry na... please 'wag ka nang magalit, love." Pagsusumamo ng boyfriend niya.

Walang maintindihan si Paula sa mga binibitawang salita ni Herman. Hindi siya nananaginip! Gising na gising siya! Anuman ang nangyari kagabi ay talagang nangyari. Isinuko niya ang kanyang virginity kay Herman kagabi. Pumunta si Herman sa bahay nila at around 10:45 in the evening. May nangyari sa kanilang dalawa. Hindi lang isang beses siyang inangkin ni Herman. Tatlong beses! At umalis si Herman a few minutes before midnight! Imposible namang si Herman can be in two different places at the same time?

Humugot ng lakas ng loob si Paula bago siya lumingon sa lalaking nasa tabi niya. Pinag-iisipan niya muna ng maingat na maingat ang mga susunod na itatanong niya sa kanyang boyfriend. "Ano ba ang last message mo kagabi sa akin? Natatandaan mo pa ba?"

"Oo naman. Tinanong kita kung ano desisyon mo kagabi kaso ang tagal mong sumagot."

Huminga uli ng malalim si Paula. "Nag reply kaya ako sayo."

"Ha?" Si Herman naman ang nagulat.

"Pwedeng mahiram ang phone mo?" Iniabot naman agad ni Herman ang phone nito sa kanya. Binuksan ni Paula ang messages inbox. Ang contact name niya ang nasa top ng list meaning siya ang last na nag tex dito. Ini-open niya ang conversation. Hinanap niya ang message na "Hi!" na may smiley na si-nend niya kaninang umaga. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Ang sinundang text nito reads: "wag kang makulit! tex ka later, dinner now with bro", sent at 6:56PM.

"May binura ka bang mga messages ko dito kagabi?"

"Ha? Wala, ah. Iniwan ko yang phone ko kagabi kasi na empty bat. Di ba nakitex ako gamit ang number ni Jason?"

"Jason? Ang phone mo... iniwan mo saan?" Nagsisimulang mabuo ang isang hindi magandang paghihinala sa isip niya. "Nasaan ka ba ng time na nagti-tex tayo?"

"Nasa bahay ako nila Jason. Niyayaya ko din siya kina Erik eh ayaw. Wala daw sa mood uminom. Sa kanila ko kagabi iniwan ang phone ko habang nag-cha-charge."

Parang umiikot ang utak ni Paula. "Anong oras mo kinuha itong phone mo?"

"Kaninang umaga ko lang nakuha sa kanilang bahay. Sorry na, love. Pag open ko niyan kanina wala naman akong nabasang tex mo kagabi ah."

Si Jason? Parang gustong tumili ni Paula sa oras na 'yun. OMG! Hindi si Herman ang pumunta sa bahay nila kagabi kundi si Jason? Ang kaibigan ng kanyang boyfriend?

"Love, bakit nanginginig ka? Talagang may sakit ka ano?"

PAK!

Napatingin sa kanila ang mga tao sa foodcourt. Hindi na napigilan ni Paula ang silakbo ng kanyang damdamin. Napatayo siya at isang malakas na sampal sa mukha ang isinagot niya sa naguguluhang tanong ng kanyang boyfriend. Habang ang isip niya ay sumisigaw ng: Kung ano man to, kasalanan mo to! This is your fault! Ang tanga-tanga mo kasi! Napaka-crucial ng pinag-uusapan natin kagabi piro nagawa mong iwan ang phone mo sa kaibigan mo?

Napatayo na rin si Herman. Hindi maipinta ang magkahalong ekspresyon ng mukha nito. Itinulak niya ito dahil nakaharang ito sa kanyang dadaanan. Halos tumakbo siya palayo. Palabas ng mall.

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon