Ang Salarin

254 1 0
                                    

Naka-full screen view ang mukha ng matalik na kaibigan ng boyfriend niya sa kaniyang laptop. Nakatitig si Paula sa screen. Heto si Jason! Ang mukha ng lalaking nagnakaw ng kaniyang virginity! Na access niya ang Facebook account ni Jason through Herman's account.

Sa pagkakaalala niya, three times lang silang nag-met ni Jason sa personal. Una ay nang isama siya ni Herman sa isang beach party dahil birthday celebration daw yun ng isa niyang barkada. Yun ang time na tipong she was formally introduced sa mga kaibigan ni Herman. At kasama sa mga nakilala niya si Jason. Yung pagkakahawig ng physical built ni Herman at Jason ang una niyang napansin. Same height at almost same shape. Parehas silang junior basketball players. Sa mukha sila nagkakaiba nguni't pareho naman silang good looking. Deep-seated ang mga mata ni Herman, matangos ang ilong at strong ang jawline. Parang pinaghalong mata ni Zach Efron at korte ng mukha ni Ben Affleck na Filipino version, kasi nga moreno. Si Jason naman ay may pagka Japanese ang feature ng mukha. Kung ikukumpara mo ang dalawa mas nakakalamang sa hitsura si Herman. Napansin agad niya ang pagiging reserved ni Jason. Kasi si Herman, napaka outgoing ng personality. Expressive, maingay, may sense of humor, malambing. Hindi nga niya maalala kung nadinig niyang magsalita si Jason hanggang natapos ang okasyong yun. Jason is a pleasant looking guy piro yung tipong mukha na nakita mo ngayon tapos kinabukasan hindi mo na maalala. Ang malaking edge lang ni Jason kay Herman - Jason Hernandez is a rich kid.

Yung sumunod na nakita niya si Jason ay during a school affair. Acquaintance party nila Herman at isinama siya nito. Nag "Hi!" pa nga siya kay Jason sabay pa-sweet na ngiti. Matipid na ngiti at tango ng ulo lang ang naging response nito. So typical ng isang anak mayaman, may pagka-suplado.

The last time ay sa mall. Hindi niya kasama si Herman that time. Nagkasalubong sila ni Jason. They just exchanged smiles tapos yun na. It was not a memorable encounter.

Nakatitig pa rin siya sa screen ng kanyang laptop. Sa mukha ni Jason. Ang daming tanong sa isip niya? Piro yung binitawang salita ni Tina kanina ang paulit-ulit na parang naririnig pa niya.

"May matinding rason ang Jason na yan kung bakit niya nagawa yung ginawa niya sayo at sa kaibigan niya!"

Kung anuman ang dahilan na yun, kailangan niyang malaman. Kailangan niyang tuklasin. Kahapon lang ang saya niya thinking na she fulfilled a promise sa isang taong mahal niya. Ngayon, everything became a nightmare! Tama si Tina, she was technically raped! Yung nginig na bigla niyang naramdaman ay dulot ng pandidiri sa sarili thinking na some stranger, isang lalaking he barely knew touched her, violated her, fucked her!

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon