Ang Pagbangon

247 3 0
                                    

Nasa loob sila ng isang sosyal at mamahaling restaurant. Naka semi-formal dress si Paula at bago siya pumunta dito nagpaayos siya ng todo sa isang salon.

"You look so beautiful." Makikita mo talaga sa malagkit na titig ng lalaking kaharap niya ang sincere na paghanga. At least hindi nasayang ang effort niya... at medyo mahal din yung bayad niya kanina sa salon.

"Can I hold your hand?" Banat pa nito. Naka-pwesto sila sa isang semi-private area ng restaurant kaya napaka-romantic ng ambiance. Walang keming inabot ni Paula ang kanyang right arm across the table. Hinawakan ito ng lalaki with both of his hands. Pinisil. At dahan-dahang inilapit ang likod ng kanyang kamay sa mapupulang labi ng napaka-poging ka date niya ngayong gabing ito. He kissed her hand gently and lovingly, sabay bigkas ng mga salitang: "Happy 17th birthday, my dear Paula..."

Naku, super kinikilig si Paula, as in.

"I love you too, Jason!" Bulalas niya.

May inilabas mula sa kanyang breast pocket si Jason. Isang maliit na red box. Binuksan niya ito at natambad kay Paula ang laman ng box - an expensive gold bracelet! Napatakip si Paula sa kanyang bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay bago niya naibulalas ang: "OMG! It's beautiful Jason! Thank you!"

Si Jason mismo ang nagsuot ng gold bracelet sa wrist niya.

Yes, naging boyfriend ni Paula si Jason.

It felt like a long time ago, after her nightmare with Herman, na naging friends sila ni Jason. Ang mga pangyayaring iyon ang naging puno't dulo kung bakit napalapit sila ni Jason sa isa't isa. Nagtagumpay sila sa kanilang plano na paghigantihan si Herman dahil sa pagiging masamang kaibigan nito kay Jason at panloloko sa kanya. Noong una ay nagkunwari lang sila na mag-juwa. Ipinangalandakan ni Paula na si Jason ang ipinalit niya kay Herman. Ginawa nila yun sakaling ipagkalat na ni Herman ang namagitan sa kanila ni Jason isang gabing parehas silang lasing. Walang maniniwala kay Herman, iisipin na bitter lang siya dahil inagaw ng kanyang kaibigan ang girlfriend niya kaya niya ito sinisiraan.

Kalaunan ay nalaman din ni Herman na si Jason ang naka-donselya sa kanya. Ang bagay na matagal niyang kinahumalingang balak gawin. Ginawa talaga ni Herman ang lahat para mapalambot ang puso ni Paula, sukdulang nakawin ni Herman ang kuwintas na pamana ng mommy ni Jason maibili lang ang kaniyang girlfriend ng isang mamahaling regalo sa ika-16 na kaarawan nito. Bagay na nagtulak kay Jason upang nakawin nito ang unang karanasan ni Paula sa kanya. Iyon na yata ang pinakamalaking insulto sa tanang buhay ng isang katulad ni Herman.

Tapos ay nangumpisal sa kanya si Jason na, oo, nagkaroon siya noon ng tendency na magkagusto sa kapwa lalaki. Nguni't isang gabi lang yun na bumigay siya. And it turned out to be his living nightmare since. At nagpapasalamat siya sa pagdating ni Paula sa buhay nila ni Herman. Everything changed. Pati puso ni Jason made a 180 degrees turn. Because of that night na inangkin siya nito. Jason discovered he prefer girls than boys. At nalaman din ni Paula it was the first time for both of them.

Si Tina, ang best friend niya, pagkatapos ng mga pangyayari at nalaman nito na-fall na siya ng totoo kay Jason ay nagwika ng, "Totoo din pala yung kasabihan, kung saan ka nadapa, doon ka bumangon!"

Jason proved to be a perfect gentleman. Malalim ang character niya piro ang importante he is true and sincere. He is rich and smart. Mama's boy si Jason kaya may mga noticeable effeminate traits ito. Ang impression niya dati kay Jason, isa itong easily forgettable person. Piro once na makilala mo pala siya nang lubusan, mag-iiba ang tingin mo sa kanya. He is a beautiful person inside. At ang isang kagaya ni Jason ay hindi mahirap mahalin.

Tumayo si Paula at umupo sa kandungan ni Jason. Ipinulupot niya ang kanyang mga bisig sa leeg ng lalaki. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Jason. Tapos sa mahina at malanding boses ay nakiusap siya dito: "Please kiss me."

Ninakaw na PuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon