Chapter X

1 0 0
                                    

[ 10 - Aid ]

“Carl, galit ka ba sa'kin?”

Sinulyapan lang ako ni Carl sa rearview mirror. Wala siyang ibang naging imik kung hindi ang pagkunot ng noo niya. Ibinaling ko na lang ang aking paningin kay Gian na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Amoy alcohol pa rin ito.

“Sigurado ka na ba rito, Veil?”

Napatigil ako at napayuko.

“Sa totoo lang, ewan ko.”

Napasinghap siya at nagpatuloy sa pagmaneho.

“Magiging masaya ka ba rito?”

“Siguro.”

Sabay tawa ko. Agad niya naman akong sinamaan ng tingin.

“I'm serious here, Veil. Ayaw kong makasakit ka ng ibang tao at mas lalong ayaw kong masaktan ka.”

Ako na naman itong napasinghap at napangisi. Napasandal ako sa passenger seat.

“Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan diba?”

Nanatili namang tahimik si Carl.

“Akala mo ba madali sa akin ang mang-agaw ng isang taong pagmamay-ari ng iba? Wala akong magawa eh. Masakit iyon sa damdamin ko ang makitang sa iba siya nakatingin, ang makitang iba ang pinagbabalingan niya ng atensiyon.”

Napatingin ako sa bintana. Alas syete na pala ng gabi. Mukhang sermon ang maaabutan ko sa bahay namin mamaya.

“So what kung masakit? Hindi ba pwedeng kalimutan na lang?”

Napailing ako.

“Ewan. Basta isa lang ang alam ko, Carl. The more I try to forget him, the more I’m hurt.”

Inilingan ako ni Carl pagkatapos ay tumango. Ipinark na rin niya ang kanyang sasakyan sa mansion nila Gian.

“Isa lang din ang masasabi ko sa'yo, Veil. I hope you find a love that will not hurt you.”

“C-Carl...”

Siya na mismo ang umalalay kay Gian palabas ng sasakyan. Sumunod lang naman ako sa kanila papasok ng bahay. Dumaan kami sa malawak nilang hardin na sa right side ay puro ornamental plants ang nakatanim. Sa left side naman ay iba't ibang klase ng bulaklak ang makikita mo na nakahanay. Sa bawat hanay ay may isang nakatayong tubo na may nakasabit na hose. Sa tuktok ng tubo ay may palabad na umiikot-ikot kaya ang nangyayari, ang tubig mula sa hose ay nagmimistulang sprinkler para sa mga bulaklak sa iba. Ang ganda lang pagmasdan.

“Pasok ka, Veil. Mga katulong lang ang nandito. Wala si tito at tita dahil nagveventure pa ng panibago na namang negosyo sa Davao.”

Napatango naman ako at sumunod na papasok. Bumungad kaagad sa paningin ko ang magara nilang staircase na nagsusumigaw ng katandaan. Puno ng paintings at mga larawan ang dinding sa kaliwang bahagi ng staircase. Agaw pansin din ang malaking sliding window sa left side ng kanilang pintuan.

Nasa right side naman ang kanilang malawak na sofa at dining room na may dalawang mahahabang mesa.

Inilapag ni Carl si Gian sa sofa nila. Ibinaba ni Carl ang sandalan ng malaking sofa at nagmistula itong small bed. Agad namang humilata roon ang natutulog pa ring si Gian.

“Upo ka. Kukuha lang ako ng first aid kit.”

Dahan-dahan naman akong naglakad sa parehong sofa at tinitigan ang maamong mukha ni Gian. Napangiti ako at napagpasyahang kunan siya ng litrato.

Ang cute niyang matulog.

Napatingin naman ako sa noo niyang may butil na ng pawis. Napalingon ako sa paligid at hinanap ang on-switch ng mga naglalakihang ceiling fan. Nakita naman ako ng isang kasambahay kay siya na mismo ang nagbukas sa mga ito.

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon