Chapter XVI

1 0 0
                                    

[ 16 - Apology ]



“Nak, gising na uy! Mahuhuli na tayo sa Sunday mass.”

Agad akong napadilat at napatingin sa wall clock na alas nuebe sa umaga na pala. Usually, nagsisimba kami tuwing alas dies ng umaga sa Linggo. Bumangon ako at nag-unat. Sinulyapan muna ang sariling mukha sa salamin at napasimangot sa kakaunting eyebags na nagpakita. Sinuklay ko ang buhok kong magulo pa sa magulo.

“Ayan, self. Iyak ka kasi ng iyak kagabi.”

Pangaral ko pa sa sarili bago naligo nang sobrang bilis at nagbihis na ng isang navy blue longsleeves dress. Tinernuhan ko na rin ng white stilletos.

“Tapos ka na ba, anak?”

Mabilis ko lang na isinukbit ang sling bag at lumabas na ng kwarto. Kumuha ako ng dalawang sandwich sa mesa at isinilid ang isa sa dalang bag. Yung isa naman ay unti-unti kong nilantakan.

“Tara na po. Baka wala ng upuan sa loob.”

Nakasanayan na kasi naming sa loob maupo kapag nagsisimba. Mabuti nga iyon at talagang naitutuon mo ang atensiyon sa mga pangaral ng pari.

“Mauna ka na sa labas, anak. Humanap ka ng masasakyan natin.”

Dali-dali naman akong lumabas at napalingon-lingon sa paligid. May nakita akong isang tricycle sa hindi kalayuan kaya agad ko itong pinara. Bago pa tuluyang makalapit ang tricycle ay may isang motorsiklo ng nagpark sa harap ko. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad bumalik ang lahat ng naramdaman ko kagabi.

Kinuyom ko ang mga kamao ko at iniwas ang tingin sa kanya. Napahinga ako nang malalim at sinubukang kalmahin ang sarili at 'wag maiyak sa harap niya.

“Veil, sorry.”

Hindi ako umimik.

“Ma! Pa! Umalis na tayo!”

Bumaba siya sa kanyang motorsiklo at agad naman akong napaatras. Napahinga ako nang maluwag ng palapit na sa direksiyon namin sina mama at papa.

“Mano po, tita at tito.”

Umirap ako sa kawalan habang nagmano siya sa mga magulang ko.

“Nandito ka pala, Gian. Sino ang sadya mo? Magsisimba kasi kami ngayon.”

“Ah. Tamang-tama. Sa simbahan din ang punta ko.”

Pumara ulit ako ng tricycle at nauna ng sumakay sa loob.

“Tayo na ma, pa.”

“Sige hijo. Mauna na kami ah.”

Pumasok na si mama sa tabi ko. Napasinghap ako ng hinarangan ni Gian si papa.

“Uhh tito, pwede ko bang mahiram si Veil?”

Napalingon naman sina mama at papa sa akin na may bahid ng malisya ang tingin. Umiling ako.

“Bilis na, Veil. Umalis kana diyan at mahuhuli na tayo.”

Napaawang ang bibig ko lalo na ng pilit akong itinutulak ni mama palabas. Wala tuloy akong magawa kundi ang sumunod. Nakasimangot akong lumabas at tinanaw ang tricycle na palayo.

“Veil, mamayang alas dos na lang tayo ng hapon magsimba. Usap muna tayo.”

Hinarap ko siya. Tinitigan ko siya diretso sa mata ngunit hindi ako nagpakita ng kahit anong bahid ng emotion. Hindi ko ipinahalata sa kanya na mabigat ang dibdib ko at may kaunting kirot pa rin ito dulot ng kahapon.

“Veil, sorry. I didn’t mean to offend you yesterday.”

Tumango ako.

“Okay lang.”

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon