Chapter XX

0 0 0
                                    

[ 20 - Villain ]

“What if hindi talaga kayo magkapatid?”

Para akong zombie na naglalakad. Wala akong ibang maisip kundi ang huling sinabi ng kung sino man 'yon. Nabagabag ako. Imbes na mapakalma, mas lalo lang akong naguluhan. My mind has its own hurricanes right now. I wonder when will this cease.

“Nak, saan ka galing? Ba't ngayon ka lang? At bakit basang-basa ka? Hindi ka ba hinatid ni Gian?”

The name rings a bell. Si Gian. Kumusta na kaya siya? Wala na akong alam tungkol sa anong nangyari ng tumakbo ako. Wala akong matinong maisip. But I'm kind of disappointed. Hindi niya man lang ako sinubukang habulin. Hindi man lang niya sinabing mali lahat ang sinabi ni Carl. Siguro nga, hindi ako worth it mahalin.

“Anak, okay ka lang ba? Ba't ka tulala diyan?”

Napatitig ako ng ilang minuto sa mukha ni mama at papa. Nababagabag pa rin ako.

“Ma, pa... anak niyo ba talaga ako?”

Nanlaki ang mga mata nila at napadaing ako sa sakit. Ngayon lang ako nakatikim ng sampal mula kay mama.

“Ano bang nangyayari sa'yo, anak! Kung may problema ka, sabihin mo sa amin. Tingnan mo ngayon kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo? Anak kita. Anak ka namin!”

“Anak, Veil, kasali ka sa amin. Sa amin ka nanggaling. Pinagduduhan mo ba kami?”

Napasinghap na lang ako at umiling. Dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Napatitig ako sa aking repleksiyon sa salamin. Nanatili akong tulala ng ilang oras at natigil lang ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bag at tiningnan. Napigil ang hininga ko ng makitang napatawag si ate. Nanginig ang kamay kong sinagot ang tawag niya.

“H-Hello...ate.”

“Veil! Kumusta na kayo? Malapit na ang graduation namin. Latin honor ako!”

Ni hindi ko nga magawang maging masaya para sa narating ni ate. Napatingin ulit ako sa salamin. Am I too selfish? Mali ba ang paraan ng pagmamahal ko?

“Congrats, ate! Siguradong matutuwa sina mama niyan.”

Pinilit ko ang sariling maging masigla. Pasensiya na, ate. Naging mabait ka sa akin. Sobra. Pero ito pa rin ako, walang ginagawa kung hindi ang agawin ang kasayahan mo. Wala man lang akong magawa para suklian ka sa lahat ng ginawa mo para sa akin noong mga bata pa tayo.

“Oo nga eh. 'Wag mo sabihin sa kanila ah. Gusto kong manatiling surprise ito.”

Kumirot ang dibdib ko nang marinig ang tawa ni ate.

“Nga pala, narinig kong napaaway daw si Gian at Carl.”

Napatigil ako at napasinghap.

“At isang babae raw ang pinag-aagawan nila. Tell me, Veil! Nakahanap na ba ng iba si Gian?”

Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko at humilata sa kama. Niyakap ko ang isang unan at ibinaon ang mukha rito. Gusto ko na lang iiyak ang lahat dahil sa halong sakit, at sa halong guilt. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko pa nga natatanaw ang dulo ng tulay ngunit pasuko na ako. Na para bang... kahit kailan ay hindi ako makakatuntong sa dulo na gusto ko. Sa dulo na ako ang itinitibok ng puso ng taong minamahal ko.

Hesitations. Doubts. I guess, that's what keep us frozen on our feet, not wanting to move forward. We're afraid of something uncertain because we are constantly searching and chasing something concrete, something realistic, only to be filled with uncertainties along the way.

“Veil? Nandiyan ka pa ba?”

“O-Oo, ate. Nandito pa.”

Pinunasan ko ang mga luha ko at itinuloy ang pag-uusap ko kay ate.

“Ano na? Sino 'yong babae?”

“Hmm...wala naman. 'Wag kang paranoid, ate. Nakakasiguro akong ikaw pa rin ang nagmamay-ari kay Gian.”

“Veil naman eh. Seryoso ako.”

Napangisi ako.

“Seryoso rin ako, ate. 'Wag ka ng mag-alala kung sinuman ang mang-aagaw na 'yan. Mas lamang ka.”

“Talagang mas lamang ako. Hindi  ako magpapatalo 'no!”

Pareho kaming natawa. 'Wag kang mag-alala, ate. Mananatiling ikaw pa 'rin ang mamahalin at pipiliin ni Gian. Ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso niya. Tanggap ko naman eh. Tanggap kong pansamantala lang ako. Pero habang nandito pa ako, habang bininbigyan pa ako ng tadhana ng pansamantalang kalayaan para mahalin siya, susulitin ko na. Susunggaban ko na kahit tira-tira na lang mula sa taong mahal ko. Pasensiya na ngunit ganito ako magmahal eh.

“Pero seryoso, Veil. Aawayin ko talaga ang lumalandi sa Gian ko.”

Natigil ako sa pagtawa ng biglang makarinig ng kalabog mula sa labas. Napatingin ako sa orasan at napagtantong alas onse na pala ng gabi.

“Bye na muna, ate. May ichecheck lang ako.”

In-end call ko na bago pa makasagot si ate. Dali-dali akong sumilip sa siwang na pintuan ng kwarto ko. Naaninaw ko ang likod nina mama at papa. Mukhang may kinakausap sila.

“Ilang ulit ko ng sasabihin sa'yo, Francisco. 'Wag na 'wag kang tatapak at babalik sa pamamahay ko.”

“Oh come on, Divina. Kung ibibigay niyo lang nang matiwasay sa akin ang anak ko, edi hindi ko na kailangang tumapak pa sa pipitsugin niyong bahay.”

“Parang awa niyo naman po. Pinaghirapan namin ang bahay na ito kaya wala kang karapatang laitin ang mga pinaghirapan namin.”

“Nonsense. Ibigay niyo na sa akin ang anak ko.”

“Wala. Wala kang anak dito. Anak namin silang dalawa.”

“Okay, fine. Sige. Bibigyan ko pa kayo ng oras na makapag-isip. At habang nag-iisip kayo, gagawa na rin ako ng hakbang para mas makilala pa ang anak ko.”

“Pakiusap. Umalis ka. Umalis ka na!”

Hindi mapigil ang kalabog ng dibdib ko. Naiintindihan ko sila. Ngunit hindi magawang maproseso ng utak ko. Hindi ko matanggap at mas lalong hindi katanggap-tanggap. Sino? Sino sa aming dalawa ni ate?

Napatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinakpan at nagtaklob na sa kumot. Sinagot ko na ang tawag kaagad upang hindi na makalikha ng ingay.

“Hello, ate. Bukas ka na lang tumawag ulit. May aasikasuhin lang ako–”

“Sinong aasikasuhin mo, Veil?”

Napatigil ako sa pagbulong at natulala. Sa boses pa lang niya, nayanig na ang sistema ko.

“G-Gian?”

“Ako nga, my queen.”

Natahimik ako.

“Kumusta ka na? Pasensiya na ah kung hindi kita napuntahan kaagad. Biglaan kasi ang pagtawag ni kuya. Pauwi na raw siya dito sa Pilipinas.”

“May kuya ka pala?”

Humalakhak siya sa kabilang linya.

“Yep. Ewan ko ba. Masyadong intimidating 'yon.”

Napaisip ako.

“What if 'yong kuya mo na lang ang mahalin ko?”

Nailayo ko ang telepono sa aking tenga nang marinig ang pagkabasag ng isang bagay. Ngumiwi ako ng marinig siyang magmura.

“Come on, Veil. 'Wag kang magbiro. Hindi nakakatawa.”

“Huh? Bakit naman? May asawa na ba kuya mo?”

Pinigilan kong matawa nang marinig ko ang pagsigaw niya sa kabilang linya. Frustrated na frustrated siya.

“Don’t torture me, my queen. Please don't make me jealous!”

Tuluyan na akong napahalakhak. Napapikit ako at napahinga nang malalim. Kumalma ako ilang segundo lang. Na para bang nawala lahat nang magulo kong pag-iisip dahil lang sa kanya. He has that effect on me. And I would always wish to the stars and the moon, that I have the same effect on him. Sadly, our world is cruel. No matter how I hate to admit it, I know. That I'm just the villain in this flawed fairytale.

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon