Chapter II

0 0 0
                                    

[ II - Rivals ]

“Sis, halika na. Kakain na tayo ng almusal.”

Kinusot ko ang mga mata ko habang papalapit na sa dining roon namin. Antok na antok pa ako. Hinila ko ang isang upuan at sabay na humikab.

“Teka nga, nagpuyat ka ba kagabi? Eh mas nauna ka pang umuwi sa amin eh.”

Nagkibit-balikat na lang ako kay ate at isinubo na ang pagkain. Mas nauna akong umuwi sa dalawa dahil ang hula ko ay nagdate pa sila. Wala akong ibang ginawa kundi ang hintayin silang umuwi ng bahay. Hindi ako mapakali sa kakaisip na sila lang ni ate ang magkasama.

Nasasaktan ako.

At alam kong nagseselos din.

Alam kong bawal ang ginagawa ko. At alam ko rin ang mangyayari kung ipaglalaban ko ang feelings ko.

“Nagreview lang, ate. May recitation na naman kami ngayon.”

Ngumiti naman si ate sa akin at nagsimula na ring kumain.

“Alam mo, sis? Dapat nag-eentertain ka na rin ng manliligaw. Dapat 'yong katulad ni Gian. Pero syempre, 'wag si Gian dahil akin na 'yon.”

Humagikhik pa si ate samantalang ako ay napainom ng tubig.

“Kailan mo ba balak sagutin si Gian, ate?”

Sinamaan niya ako ng tingin sabay turo sa akin gamit ang tinidor.

“Kuya Gian dapat, sis. Senior mo siya.”

Inirapan ko na lang si ate at nagpatuloy sa pagkain. Yeah, right. Ka-edad lang siya ni ate na apat na taon ang agwat sa akin.

“So, kailan nga?”

“After graduation, sis! Sasagutin ko siya niyan. Tingnan lang natin kung kaya niyang maghintay sa ngayon.”

Graduation, that means seven months na lang from now on. Napabuga ako ng hangin at napahawak nang mahigpit sa kutsara.

Nakapagdesisyon na ako. Ipaglalaban ko ang feelings ko. Total, hindi pa rin naman sila.

Baka sakaling, baka sakaling magbago pa ang isip ni Gian at ako ang piliin niya. Alam kong mali itong ginagawa ko ngunit ayaw ko ring wala akong gawin at puro what ifs na lang. Hindi rin naman ako ganoong kasamang kapatid. Alam ko ring may masasagasaan ako sa gagawin ko.

Alam ko na magiging mahirap ang lahat kung ito ang pipiliin kong landas. But I badly wanted to know, if I can see a glimpse of heartbeat from him. 'Yong hindi tumitibok para kay ate kung 'di para sa akin.

Kung sana ako na lang si ate.

Hindi na kami umimik pagkatapos niyan at tahimik ng kumain. Nagcommute lang kaming dalawa papuntang unibersidad. Pareho kaming scholar ni ate. Sa gate pa lang ay natatanaw na namin si Gian na naghihintay.

“Gian!”

Tawag ni ate sa kanya kaya napalingon siya sa direksiyon namin. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa bench at kumaway sa amin. Kakaway na sana ako nang makita kong nauna ng kumaway si ate. Tumikhim na lang ako at isinilid na lang sa bulsa ng palda ang mga kamay.

“Buti at napaaga kayo, Yvonne at Veil.”

“Oo eh. Excited kasi itong si ate na makita ka.”

Sinaway naman ako ni ate kaya mahina akong tumawa. Pero sa totoo lang, may kirot sa dibdib ko. Nag-iwas ako ng tingin ng pasimpleng inakbayan ni Gian si ate.

Parang... parang ang kontrabida ko naman sa mala-teleserye nilang pag-iibigan kung eextra pa ako.

“Nga pala, Veil.”

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon