Chapter XVII

0 0 0
                                    

[ 17 - Lovers ]

“Say ah, Veil.”

Umiwas ako sa pagkaing inilalahad niya sa akin.

“I can eat on my own.”

At ako na mismo ang nagpakain sa sarili ko. Tanghali na at mainit na ang sikat ng araw ngunit dahil sa matayog na puno ay nasisilungan pa rin kami nito. Madalas din naman ang pabugso-bugso ng hangin. Wala na akong ibang hinihiling pa kundi ang manatili sa sandaling ito.

Sumandal ako sa balikat niya nang matapos na kami sa pagkain. Laking tuwa ko ng may dumapong paru-paro sa braso ko. Nalungkot din naman kaagad nang agad itong lumipad palayo. Mahinang natawa si Gian sa reaksiyon ko at tumayo siya.

“Diyan ka lang. May kukunin lang ako.”

Hindi na ako umimik at pumikit na lang habang nakasandal sa malaking katawan ng puno. This is peace, at least to me. Humikab ako at unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa makatulog.

Naalimpungatan ako ng maramdamang parang may gumagalaw sa tabi ko. Nang maging malinaw na ang paningin ko ay ang abalang si Gian ang bumungad sa akin.

“Anong ginagawa mo?”

Napatingin siya sa akin at nagulat.

“Gising ka na pala.”

Humikab ako napatingin sa orasan. Alas tres na pala ng hapon. Napatingala ako sa kalangitan at nakita ang haring araw na pasalop na.

“Sorry. Nakatulog ako.”

“Okay lang. Natulog din naman ako kanina sa lap mo.”

Napanguso ako at napatingin sa ginagawa niya.

“Ano 'yan?”

Ipinakita niya sa akin ang bulaklak ng kalachuchi na siyang kanina niya pa tinutuhog sa isang isang sinulid. Mahina akong natawa sa ginawa niya.

“Ang cute naman! Para kanino ba 'yan?”

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa ginagawa. Mas lalo akong natawa ng makitang nagtuhog din siya ng santan dito. May pattern ang ginagawa niya. Limang kalachuchi na susundan ng tatlong santan tapos limang kalachuchi ulit and so on and so fourth. Napatingin siya sa buhok ko at napatango. Namangha ako sa ginawa niya lalo na ng ini-lock niya ang dulo nito.

“Wow. Flower crown pala 'yan.”

Excited kong naisambit.

“Yep. A flower crown for my queen.”

Kumabog ang dibdib ko sa paos niyang pagkasabi sabay lagay nito sa aking nakalugay na buhok. Yumuko ako upang maayos niya ang paglagay. Nagkatitigan kami at naramdaman ko ulit ang sariling nahuhulog na naman. I wonder, how can a person keeps on falling deeper and deeper without even reaching the very bottom of the heart? Is a feeling that intense possible?

“It suits you pretty much, Veil.”

Bulong nito sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at sabay kaming tumayo. Umihip ang hangin kaya medyo nagulo ang buhok ko. Agad niya naman itong inayos at sinuklay gamit ang kamay. Ngumiti kami sa isa't isa.

“May I have this dance, Veil?”

“I would love to.”

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet 
Will your mouth still remember the taste of my love 
Will your eyes still smile from your cheeks 


Kumabog ulit ang dibdib ko. I guess, my heart won’t ever stop beating if he's the reason. Inikot niya ako. Mahina kaming natawa.

And darling
I will be loving you 'til we're 70 And baby my heart could still fall as hard at 23 
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways 
Maybe just the touch of a hand Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you
I am 

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon