Chapter XIII

0 0 0
                                    

[ 13 - His Heart ]


“Naubos na. Ang bilis naman.”

“Alam mo, umuwi na nga tayo.”

Naghisterya ako sa harap niya.

“Gusto pa kitang makasama eh.”

Ngumiwi lang siya at napasinghap. Pareho kaming natahimik habang tinitingnan ang kalmadong mga alon ng dagat. Alas sais na ng hapon. Madalas na dumadampi ang lamig ng hangin sa katawan ko kaya napayakap ako sa aking sarili. Nagkatinginan kaming dalawa ni Gian. Nagtaka ako ng umiling siya.

“Don’t tell me nagpapanggap ka lang na nilalamig d'yan para maka-score sa akin.”

Nairita ako sa walang katuturan niyang sinabi kaya hinila ko ang buhok niya. Napadaing naman siya.

“Patahimikin mo nga 'yang bibig mong mayabang. Ano ako? Head over heels sa'yo? Desperada na talaga?”

Mas lalo pa akong nainis ng tinawanan niya lang ako kaya malakas kong binitawan ang buhok niya. Pinandilatan ko siya ng mata bago tumingin sa malayong dako.

“Eto naman 'di mabiro.”

“Bahala ka d'yan sa buhay mo.”

Inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng mga batang naliligo sa dagat. Narinig ko ang pagsinghap niya at naramdaman ko rin ang dahan-dahang paggapang ng mga braso niya sa kinasasandalan ko. Napataas ako ng kilay.

“Kunwari ka pa eh alam kung gusto mo naman 'to.”

Bago pa ako makaangal ay niyakap na niya ako. Napasandal tuloy ako sa dibdib niya habang nakapulupot sa akin ang mga bisig niya. Nilapit niya ang kanyang lips sa kaliwang tenga ko.

“Gusto mo 'to diba? Kasi gusto mo ako.”

Bulong niya na siyang nagpakiliti sa akin. Yumakap na lang din ako pabalik sa kanya habang pinapakiramdaman ang tibok ng dibdib niya.

To my dismay, his heartbeat is calm. It’s not beating wildly– like mine.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko nang maramdamang unti-unti na siyang kumakalas.

“Tell me, Gian. May pag-asa ba ako sa'yo?”

Nakita ko ang tipid na pagtango ni Gian na siyang nagpabagabag sa akin. Is risking again to the things that hurt you before worth it? Even I myself, don't know the answer. I feel like I’m out for adventure to something blur, to something uncertain. And the thought scared me so much.

“Veil, ano iniisip mo?”

Napakurap-kurap ako kay Gian na kanina pa pala nakatitig sa akin. Ngumiti ako at umiling. Bahala na nga kung ano ang naghihintay sa akin sa dulo. Bahala na. Paano ko naman malalaman iyon kung hindi ko ipagpapatuloy hindi ba? Kaya magpapatuloy ako, kahit na masakit.

“Paano mo nga pala ako nagustuhan, Veil? Curious ako.”

Napaisip ako sa sinabi niya.

“Hmm ano lang, ewan ko. Basta first time kitang nakita sa isang singing contest sa lungsod natin way back last year siguro?”

Pareho kaming natawa. Nagpatuloy kami sa kuwentuhan habang hinahaplos niya ang buhok ko.

“Ba't nga pala sa intermission number ka lang kumanta? Eh maganda naman boses mo.”

Ngumuso siya.

“Para saan pa? Para manalo ng pera? Marami na kami nun sa bahay kaya pagbigyan na lang natin 'yong mga sumali sa pagbabaka-sakaling makukuha nila ang premyo.”

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon