Chapter XVIII

0 0 0
                                    

[ 18 - Like All The Others ]

“Sweet morning, my queen.”

“Sweet morning too.”

Sumabay na ako sa kanya sa paglalakad patungong unibersidad. Hinalikan niya ang yellow tulip na dala niya bago inilahad sa akin. Tinanggap ko naman ito at hinalikan din.

“Thank you and thank you.”

Pareho naman kaming napangiti. Palihim niyang pinagsalikop ang mga kamay namin na siyang nagpakaba sa akin. Nanatili kaming tahimik habang sinusulit ang distansiyang lalakarin. Maaga pa. Alas sais palang ng umaga. Usually, eight o' clock nagsisimula ang klase naming dalawa. Inamoy-amoy ko ang bulaklak.

“Mabango ba? Syempre, may kiss ko 'yan eh.”

Inirapan ko na lang siya at umaktong itatapon ang bulaklak.

“Sige lang, Veil. Marami pa akong back-up.”

Nginiwian ko lang siya. We're in a relationship for over two weeks now. Ganito ang palagi niyang ginagawa araw-araw. Sinusundo niya ako sa bahay namin at may marami pang pakulo. Usually, mga five A.M nakaabang na siya sa unahan ng bahay namin. At para masaya, naglalakad lang kami papuntang unibersidad. Alam na ito ng parents ko. Noong una, tutol pa sila at hindi makapaniwala.

“Veil, Gian, anong kalokohan 'to?”

Napafacepalm na lang ako  at siniko si Gian.

“Totoo po, tito at tita. Kami na po talaga ni Veil.”

Nakita ko ang parehong takot sa mga mata nina mama at papa. Gusto ko sanang ilihim ang relasyon namin ni Gian ngunit siya na mismo ang nagtapat.

“Kaya pala matagal kayong nakauwi. Anong ginawa mo sa anak namin, Gian?”

Napailing si Gian.

“Wala naman po akong ginawang masama. Nagdate lang po kami ni Veil kaya natagalan.”

Napangiwi ako ng bigla akong yinugyog ni mama.

“Paano ang ate mo, Veil? Alam niya ba 'to?”

Nagkatinginan kami ni Gian at napayuko. Alam kong mali. Alam kong bawal ang relasyon naming dalawa ngunit anong magagawa ko?

“Mahal ko si Gian, ma.”

Tuluyan ng napaupo sa kabilang sofa si mama. Inalayan naman siya ni papa. Pareho silang hindi mapakali. Alam ko sa simula pa lang na may masasagasaan. Alam kong kung gusto kong ipaglaban ang feelings ko, masasaktan ko ang sarili kong kapatid. Alam ko lahat ng iyon pero ewan ko ba, nawalan na ako ng pakialam. Masyado kong itinuon ang sarili sa pagbabaka-sakaling may pag-asa rin ako kay Gian. At ito na nga ang hinihintay ko. Ayaw kong magsisi kasi kung sino man ang dapat sisihin ay ako 'yon.

“Veil, hindi kami pumapayag. Mali 'to.”

Nagkibit-balikat na lang ako at hinatid na sa labas si Gian. Nginitian ko siya.

“Tayo pa rin naman diba? Kahit iba ang pinagsisigawan ng lahat?”

Suminghap si Gian bago ako niyakap at hinalikan sa noo.

“Tayo pa rin, hangga't pahihintulutan ng tadhana.”

Napapikit ako at napasinghap. This is the greatest risk I ever had in my life. I don't want to fail it. I don't want to fail this love.

Simula nun, palagi na akong sinusundo ni Gian. Wala namang imik ang mga magulang ko at sa kalaunan ay natanggap na rin nila. Malaki nga ang pasasalamat ko kasi hindi nila ito isinumbong kay ate.

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon