Chapter III

0 0 0
                                    

[ 3 - Representatives ]


“Alright! As what the SSG suggested, you won’t be paired by the same departments.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Carl. Nakita kong umismid siya kaya mahina akong natawa. Pero at the same time, nagulat din. Wala akong maalala na isa ito sa pinagkasunduan namin sa meeting. Sino ang nagsuggest nito?

“Psst. Sis, galingan natin ah.”

Tawag ni ate Eve sa akin habang nakatayo rin siya kasama ang partner niya sa same department. Bachelor Science of Education Major in English ang kinuha ni ate. Gustong-gusto niya kasing magturo ng mga bata. Nginitian ko lang si ate at nakinig na ulit sa magiging choreographer namin ngayon.

“Veil, ate mo ba 'yon?”

Sinamaan ko lang ng tingin si Carl na kanina pa daldal ng daldal sa tabi ko.

“Obvious naman diba?”

Sarkastikong tugon ko sa kanya. Isang pa-cute na mukha lang naman ang iginawad niya sa akin kaya mas lalo akong nairita. Dakilang playboy si Carl. Halos lahat ng mga magaganda sa unibersidad na ito ay na-tsansingan na niya. Sa pagkakaalam ko, lima na ang ex girlfriend niya. At mukhang may balak pa itong isali ako sa kahibangan niya.

“Ang taray mo talaga, Veil. Kaya walang nanliligaw sa'yo eh.”

“Edi mas maganda! Wala akong masasaktang feelings 'pag ganun.”

Ngumiwi lang siya at tinitigan ulit si ate na abala sa pakikipagchikahan sa iba pang mga candidates. Friendly si ate, mas friendly sa akin. Mahilig siyang makipaghang-out sa mga boys at ako naman ay mas pinipili kong makihalubilo sa mga kapwa babae.

“Kapatid mo ba talaga 'yon? Medyo 'di kayo magkamukha.”

Hindi makapaniwalang sinulyapan ko siya.

“Pati ba naman ikaw?”

Oo. Marami ang nagsabi na hindi raw kami magkamukha ni ate kung susuriing mabuti. Pareho kami ng kutis ni ate. Nasa pagitan ng maputi at morena. Parehong 5'4 ang height namin at madalas ko siyang inaasar tungkol d'yan. Simula pa lang pagkabata, close na kaming dalawa ni ate. Halos sa lahat ng bagay ay nagkakasundo. Ewan ko ba kung bakit ganun din sa pag-ibig.

Pareho rin kami ng body-built. Malaman ngunit hindi mataba. Nasa tamang curves din ang katawan namin. Hindi rin flat. Siguro kung titingnan sa mukha, marami kaming pinagkaiba.

Sabi nila, soft features ako. May pagkareddish ang lips at chubby cheeks din. Katamtaman lang ang ilong ko ngunit hindi pango na siyang bumagay sa maliit kong mukha. Makapal ang mga kilay at kulay brown naman ang aking mga mata. Madalas akong napupuri sa kagandahan ng mata ko. Malalim daw kasi.

Maganda si ate. Matured features siya. Sa totoo lang para siyang koreana dahil nga may kasingkitan ang kanyang mga mata. Matangos ang ilong at high cheekbones. May pimples man sa ate sa pisngi ay lumilitaw pa rin talaga ang kagandahan niya.

“Okay. So I have here the list of jumbled partners from different departments. Jenalyn Herrera arranged this one randomly.”

Patay. Si ate Jena pa naman ang nagpair-up sa aming mga candidates.

“Keira Moya from Chemical Engineering Department and June Amaya from IT Department.”

Tahimik kaming lahat habang pinapakilala kami sa aming mga partners. Ilang minuto pa ay apat na lang kaming natitira. Ako, si Carl, si ate Eve at si Gian.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng makita ko si ate Jena na tumabi sa choreographer sabay kindat sa akin.

Papaanong alam niya...

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon