Chapter XII

0 0 0
                                    

[ 12 - Square One ]

“Ayen, nakagawa ka na ng open-form poem?”

Napafacepalm lang si Ayen sa akin at umiling. Naglalakad na kami patungong gate ngayon.

“Mamaya na lang siguro akong lunch time. Inuna ko kasi 'yong thesis at 'yong critiques.”

Sabay kaming madramang suminghap. Really, college life is hard.

“Good morning, queen.”

“Hi, queen.”

Nginitian ko lang ang mga nakasalubong na estudyante.

“Good morning din sa inyo.”

Niyugyog ni Ayen ang braso ko kaya mahina akong natawa.

“Ang famous mo na! Kaloka.”

Nagkibit-balikat na lang ako at sinuyod ang buong paligid. Nag-angat ang sulok ng labi ko nang makita sa hindi kalayuan si Gian na may ginagawang paperworks sa isang wooden bench na may kasamang wooden table.

“Uy, Veil. Saan ka pupunta?”

Hindi ako umimik at nilagpasan na ang nagtatakang si Veil. Nakangiti akong dumiretso sa kinatatayuan ni Gian. Intimidating siya tingnan kong nagseseryoso siya. Abalang-abala siya sa kanyang ginagawa kaya hindi niya namalayan ang paglapit ko.

“Hmm studying hard for the future, mister pres?”

Nag-angat siya ng tingin sa akin at bahagyang umaliwalas ang mukha niya. Iminuwestra niya ang kanyang tabi.

“Alam mo namang graduating na ako this month.”

Tumango ako at nag-pout.

“Kung ganun, hindi na kita madalas makita.”

Mahina namang natawa si Gian at kinurot ang pisngi ko.

“Silly. Malay mo diba magkita pa tayo.”

“Eh paano kita liligawan sa ganoong set-up?”

Mapaglaro niya akong tiningnan.

“Sineryoso mo talaga?”

Tumango ako at kinuha ang tumubong bulaklak sa isang tabi. Inilahad ko 'to sa kanya.

“Flowers for you, mister pres.”

Napamura siya at lumayo sa akin. Inosente ko siyang tiningnan.

“Come on, Veil. Flowers for a boy? Seriously?”

Napakurap-kurap ako at inosenteng tiningnan ang bulaklak.

“Anong mali? Eh diba if you want to court someone, you should give flowers.”

Pinitik niya ang noo ko.

“Silly. Para sa mga babae lang 'yon.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ayaw mo pala tanggapin ah, edi hindi na ako manliligaw. Easy!”

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Agad niya naman akong hinila pabalik kaya mas lalo akong sumimangot.

“Ikaw na nga 'tong nililigawan, ikaw pa 'yong choosy!”

Tuluyan ng napahalakhak si Gian kaya napatigil ako at napapikit. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, lalo na kapag alam kong ako ang dahilan nito. Kumabog ang puso ko habang tiningnan si Gian na aliw na aliw sa mga pinaggagawa ko.

“Tama na nga yan, mister pres. Tapusin mo na 'yang paperworks mo.”

Saway ko sa kanya na agad niya namang sinunod. Napatingin ako sa relo ko at namalayang may fifteen minutes na lang ako bago magstart ang first subject.

A Glimpse of HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon