*EyeOfTheTiger*
Part2
Daffnie*
POVGumuho ang Mundo ko ng malaman ko ang nangyare Saken Noon nung Baby pa raw Ako.
"Kaya natatakot kame Anak na lumabas ka ng Bahay. Baka kase may kumuha sayo e." Sabi ni Papa.
"Tamana Richard." Iyak ni Mama.
Niyakap nila ko pareho.
Umiiyak Ako at pati sila Mama at Papa habang nakayakap silang dalawa saken.**
Naging Masaya Ako kase nakakapasok na ko sa School.
Nakakakita na ko ng mga Bata tapos Nakakalaro na din.Ang nangyare nalang e nagresign si Mama sa Trabaho nya para si Papa nalang raw ang magtatrabaho.
Si Mama ang nakabantay saken kahit saan Ako magpunta dito sa School tapos naka Maskara pa ko.
Hindi naman Ako tinutukso ng mga Kaklase ko kase naiintindihan nila yung Gusto ng Mama ko na pinaintindi rin sa kanila ng mga Magulang nila.
"Daffnie. Are you okay?" Sabi ni Teacher Jenalyn.
Tinignan ko sya tapos Tumango-tango agad Ako.
Nginitian nya ko at sumesenyas sya na gawin ko na tong sinusulat ko."Hey." Sabi ni Timothy na katabi ko.
"Uhm. Hi." Sabi ko.
Nakangiti ito tapos tinititigan nya ko sa mga Mata ko.
"Ang ganda ng Mata mo. Hmm. I'm sure. Maganda ka." Sabi nito.
Nangiti Ako na alam ko namang makikita nya na ngingiti Ako.
"So. Totoo ba yung tsismis na kaaway ni Mama mo si Ma'am Trina? Nagresign tuloy sya sa pagti Teacher." Sabi nito.
"Uhm. Oo e. Magkaaway sila. Si Papa kase sinabi nya kay Mama kanina na ayun. May Relasyon sila ni Miss Trina. Pero wala na ngayon kase inaayos na nila Mama at Papa yung Relasyon nilang mag-asawa." Sabi ko.
"Oh, Mali kase si Miss Trina. May Asawa na yung pinapatulan nya tapos pinagpapatuloy pa nya. Hmm. Dapat lang talaga wag na syang mag Teacher." Sabi nito.
Magkalayung magkalayo ang Edad namin ni Timothy.
12 Ako tapos sya 6 lang pero kung magsalita ito para na syang Matanda kaya masarap itong Kausap."Ehem! Daffnie. Timothy!" Sabi ni Ma'am Jenalyn.
Inalis na agad namin ni Timothy yung tinginan nameng Dalawa tapos nagpatuloy na dito sa sinusulat namin.
*
Hindi nagtagal yung pagkakaibigan namin ni Timothy kase para bang nandidiri ang mga Magulang nya saken na napaaway pa si Mama at Papa dito sa School."Wag na wag mong pagsasalitaan ng hindi maganda ang Anak ko! Ang kapal ng mukha mo! Pagsabihan mo yang Anak mo na wag lalapit kay Daffnie tapos ang Usapan! Hindi yung mahuhuli pa kita na pinagsasalitaan mo ng hindi maganda tong Anak ko na wala namang ginagawa sa inyo!" Sigaw ni Mama sa Mommy ni Timothy.
"Ayang Anak mong Abnormal ang wag mong palalapitin sa Anak ko!" Sigaw ng Mommy ni Timothy.
"Aba Gago ka ah! Abnormal pala ah!" Sigaw ng Mama ko.
Naiiyak na ko.
Binubugbog ni Mama yung Mommy ni Timothy tapos sila Papa at Daddy ni Timothy yung nag-aaway ngayon ng Suntukan."Tamana po." Iyak ko.
Inalis ko tong Maskara ko para ipakita sa mga Tao dito sa School na hindi Ako Abnormal.
"Wow. Ang gandang Bata.--- Yan ba ang Abnormal? Ang ganda ganda ni Daffnie--- Nakakatuwa. Ang gandang Bata pala ni Daffnie.--- Ang ganda ng Mukha nya. Maamo." Yan ang naririnig ko sa Paligid.

BINABASA MO ANG
Eye of the Tiger (COMPLETE)
RomanceR🔞 Isang Dancer or Performer ang may Masakit na Nakaraan ang susubukan nyang Kalimutan yun hanggang sa Itigil na nya yung Trabaho nyang Pagsayaw at Pagmamasahe para Lumipat sa Isang Matinong Trabaho pang Opisina. Hanggang saan aabot ang Kwento ng B...