Meet Clark

236 3 0
                                    

*EyeOfTheTiger*

Part15

Clark*
POV

Kinakabahan Ako sa Magulang ni Daffnie.
Masama ang tingin saken ng Mama nya pero itong Papa nya nakangiti naman.

Hindi ko sila masisisi kung magagalit sila saken kase naging Gago ako para ipahiya ang Anak nila.

"Hmm. Bakit nandito ka?" Sabi ng Mama ni Daffnie.

"Uhm. Gusto ko po kase na maka-usap si Daffnie ng Personal. Humihingi po ako ng tawad sa nagawa ko. Dala ng init ng Ulo tyaka gusto ko po kase magka-ayos ang Magulang ko kaya nagawa ko po yun. Isa na po sa Dahilan e nagkikita kase sila ni Dad kaya ang akala ko po may Relasyon sila. Pero ngayon na pareho silang nakapag paliwanag saken inaayos ko na po. Hindi ko na po uulitin yun kay Daffnie. Sorry po." Sabi ko.

Nakayuko si Daffnie tapos napapakagat labi habang salit salitan nya kameng tinitignan ng mga Magulang nya.

"Nako, Hijo. Maupo kana. Masyado kang Pormal. Hehe. Mababait ang mga ito basta wag nanga mauulit yun ah." Sabi nitong Lola ni Daffnie.

"Oh'Uhm. Opo. Promise po hinding-hindi na po mauulit yun. Pasensya na po ulit." Sabi ko.

Napabuntong hininga ang Mama ni Daffnie habang nakatingin saken.

"Maupo kana." Sabi nito.

Sumunod Ako.
Naupo ulit Ako tapos tinabihan Ako ng Lola ni Daffnie.
Naupo ang mag-asawa sa harapang Sofa.

Tyak na maluluto Ako neto.

*****

Daffnie*
POV

Bumalik na ko sa Kusina para makapagluto.
Sinilip silip ko sila Clark,Mama, Papa at Lola na nag-uusap usap.

"Pasensya kana din Hijo. Mali si Daffnie na kinausap naman namin sya at ang sabi nya wala silang Relasyon ng Daddy mo. Magkaibigan lang sila. Sinabi din ng Daddy mo yun dito kanina. Ang samen lang. Grabe kase ang pinagdaanan ni Daffnie nung kumalat ang kahihiyan nya." Sabi ni Mama.

"Opo. Kaya nagsisisi po Ako. Hinanap ko po si Daffnie nun. Nagpunta rin po kame kay Jared na wala raw po si Daffnie dun at sumusubok parin Akong maghanap. Nag-aalala po ko sa Anak nyo. Mali yung Ginawa ko. Alam ko po yun. Kaya nandito Ako para maka-usap sya. Personal po akong makahingi ng tawad sa inyo sa nagawa ko. Ibabalik ko na po lahat-lahat kay Daffnie. Basta wag lang sila aabot sa Relasyon ni Daddy kase pag pinakulong sya ni Mommy wala na po kong magagawa dun kaya sinabihan ko na po si Daffnie." Sabi ni Clark.

"Hmm. Yun din ang talagang nakakagalit nga naman. Kasal ang Magulang mo kaya kung nagkaroon ng Relasyon sila Daffnie at Daddy mo paano na kaya yon. Buti nalang talaga at hindi sila pumasok sa Relasyon." Sabi ni Papa.

"Pareho kayong may Mali pero hangga't maari maging Aral to sa inyong pareho ni Daffnie para hindi na kayo umulit." Sabi ni Mama.

"Yes po. Buti na nga lang po at wala silang Relasyon. Hindi ko po kase sya matutulungan lalo't Galit Ako sa Kabet. Kahit ba na sabihin na hindi na Okay ang Parents ko pero kung Kasal sila at may nakarelasyon pa sila na iba pangangabit parin ang Tawag dun." Sabi ni Clark.

"Ang sarap kausap ng Batang to. Nakakatalino e." Sabi ni Lola.

Natatawa sila Mama at Papa.
Nangiti na ko tapos lumingon si Clark dito sa kinatatayuan ko kaya nahuli tuloy nya kong nakatingin sa kanya.

Nag Tama itong mga Mata naming Dalawa.

"Hijo. Kamusta na ba ang Mommy at Daddy mo? Magkasama ba sila sa iisang Bubong?" Sabi ni Papa.

Eye of the Tiger (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon