Plano

249 4 0
                                    

*EyeOfTheTiger*

Part7

Daffnie*
POV

Nakakainis tong Taong to.

"So? Ayaw mo ba ng Cellphone kaya nandito ka. Akina." Sabi nito.

"Hmp. Saken na to? Binigay mo na e. Diba. Bye." Sabi ko.

Natatawa sya.
Tinutulak ko tong Pinto ng Opisina nya kaso ayaw nitong magbukas.

"Hala? Bakit ayaw magbukas neto." Sabi ko.

"Hmm. Halika muna rito Miss." Sabi ni Mr. Clark.

Hinarap ko agad sya.
Tumayo sya sa kinauupuan nya tapos naglakad paikot at sumandal sa Mesa nya habang nakatingin ito saken.

"B'Bakit? May gagawin Ako? May mga itatype pa ko." Sabi ko.

Seryoso ang Reaksyon nito.
Nag-aalala Ako na siguro sisisantihin na nya ko kase Minura ko sya.

"Halika rito. Lumapit ka saken." Sabi nito.

"Uhm, sisisantihin mo ba ko? Madali naman Akong kausap. Isosoli ko nalang tong Cellphone mo para walang usap usap na mangyayare. Pasensya kana sa sinabi ko." Sabi ko.

Umiling-iling ito tapos ngumisi.

"Bago ka lang dito? Hindi mo kase ko kilala tyaka kung kausapin mo ko parang Tropa lang tayo e." Sabi nito.

"Ayun na nga. Pasensya na. Eto Cellphone mo aalis na ko." Sabi ko at lumapit na ko sa kanya para iabot tong Cellphone.

Kaso..
Hindi nya kinukuha tapos nakatingin lang ito sa mga Mata ko.

"Eto na?" Sabi ko.

Nangangalay na ko pero hindi nya talaga to kinukuha.

"Pasensya na kung nasira ko yung Cellphone mo. Sayo yan. Wag mong isoli saken kase bigay ko na sayo yan kapalit ng nasira kong Cellphone mo." Sabi nito.

"Hmm. Hindi mo naman kailangan bumili ng ganitong kamahal na Cellphone para mapalitan yung Naapakan mo. Tig 18,000 yung Cellphone na naapakan mo. Kahit ganon nalang sana kagaya ng naapakan mo yung Pinalit mo. Hindi yung Ganito pa." Sabi ko.

"Interesting." Sabi nito na nakangisi pa.

"Ha? Ano?" Sabi ko.

"Wala. Sige na. Go back to Work." Sabi nito.

Masaya Akong hindi nya ko sinisante kaso nahihiya na tuloy Ako kase nga minura ko sya at kung kausapin e hindi na Tama.

"Oh'Uhm. Salamat. Eto na yung Cellphone." Sabi ko.

"Sayo nga yan. Go na. Labas... Seryoso ka bang isosoli mo saken yan? Babawiin ko yan in 3...2" Sabi nito.

Tumakbo na ko palapit sa Pinto tapos lumabas na ko dito sa Opisina nya.

"Wooh! May bago na kong Cellphone tapos mamahalin pa. Yiie. Nakakatuwa naman. Ang gara nung Pinto nya? Pano nangyare yun." Sabi ko.

Nakangiti Ako habang naglalakad at yakap-yakap ko tong Kahon ng Cellphone.
Sumakay Ako sa Elevator tapos makalipas ang ilang Minuto nagbukas ito at lumabas na ko tapos bumalik sa Pwesto ko.

Naupo at nagsimula na sa Trabaho.

Makalipas ang ilang Oras

Tumingin Ako sa Bintana na nagdidilim na yung Kalangitan.

"Hmm. Alas Singko na. Konting tiis pa. Makakatulog na din Ako." Bulong ko.

"Psst."

Lumingon Ako.
Dito sa Likuran ko sa Kanan ko parang tinatawag Ako ng Babae.

Eye of the Tiger (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon