Panira

303 3 0
                                    

*EyeOfTheTiger*

Part3

Daffnie*
POV

Naputol ang kasiyahan namen ng dumating si Nathalie at Misty tapos pumasok pa sila dito sa Bahay para lang pagbintangan ang Mama ko na nanla-lalaki raw.

"Ows? Nasan pruweba mo?" Sabi ni Mama.

Nilabas ni Misty yung Cellphone nya tapos hinarap samen at pinapakita dito sa Picture na may Babaeng nakatalikod ang may kasamang Lalake.

"Pano naging Ako yan? Tyaka kelan yan Aber." Sabi ni Mama.

"Likod palang alam naming Mag-ina na ikaw yan. Diba? Tyak na idedeny mo to." Sabi ni Nathalie.

"Bakit ko idedeny? Tyaka paano naging Ako yan kung nakatalikod yang nasa Picture tapos yang Suot nya. Richard. Ikaw ang bumibili ng mga Damit ko diba? Tignan mo nga kung saken yan? Tignan mo kung Ako ba yan." Sabi ni Mama.

"Hindi sayo yan. Tyaka maikli pa yang Buhok nyang Babae na yan Nathalie, Misty. Anong palabas tong ginagawa nyong mag-ina." Sabi ni Papa.

Parang Tanga yung Dalawa sa pagpapaliwanag at pinipilit nilang si Mama yung nasa Picture na lumabas raw sa Hotel at may Kasama nga raw na Lalake.

"Alam nyo. Kayong Dalawa naninira pa kayo e ang saya saya na namen dito." Sabi ni Lola.

"Ikaw Nathalie. Alam mo bang Bad Influence ka sa Anak mo? Bakit tinuturuan mo yan ng mga Ganyan?" Sabi ni Mama.

"Wala kang pakialam kung anong gusto kong malaman ni Misty. Kainis! Tara na Anak. Umuwi na nga tayo." Sabi ni Nathalie.

Inakay yung Anak nya tapos umalis na sila dito.
Nagpatuloy kame sa pagsasaya na hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

Hindi manlang kase kinausap ni Papa yung Anak nyang isa.
Dapat pinangaralan nya para atlis nakatikim yung Misty Grace na yun.

"Hmm." Huni ko.

Sumasakit ang Dibdib ko tyaka Puson ko.

"Osha tara na sa taas Anak. Halfbath na para makatulog na." Sabi ni Mama.

Tumango-tango Ako.
Magkahawak kamay kame ni Mama na umakyat at nagpunta sa Kwarto ko.

"Pagkatapos mo magpahinga na ah." Sabi ni Mama.

"Opo. Kayo din po Mama magpahinga na." Sabi ko.

Ngumiti si Mama at Tumango-tango.

"Good night." Sabi nya.

"Good night po." Sabi ko.

Umatras na sya at sinara na nya yung Pinto saka na ko nagsimulang maglakad papunta sa CR para makapag Halfbath.

Nakakatakot.

May Bukol kase ko dito sa magkabilang Dibdib ko kaya...

"Ahhhh! Mama!!! Papa!!!" Iyak ko.

May mga padabog o lagabog na yapak ang papasok sa Kwarto ko habang nandito Ako sa CR.
Nakahubad.

"Daffnie? Daffnie bakit?! Anong nangyare!" Sigaw ni Papa.

Binuksan ko tong Pinto tapos nagtataka si Mama.
Tinuro ko tong Dibdib ko tapos nilapitan Ako ni Papa para makita nya kung anong Problema ko.

"Bakit Anak? Anong meron sa Dibdib mo?" Sabi ni Papa.

"May Bukol po. Tapos ang sakit sakit nya pati Puson ko Masakit. Waaahh!" Iyak ko.

"Nako Anak. Dalaga kana. Tumutubo na yang Dibdib mo. Magkaka Bola kana dian kaya ganyan. Natural lang sa Babae yan pati yang pagkakaroon mo ng Sakit sa Puson. Ayan na oh. Lumalabas na yung Dugo. Jusko." Sabi ni Mama.

Eye of the Tiger (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon