*EyeOfTheTiger*
Part6
Daffnie*
POVNatulala tong Lalake sa sinabi ko.
Magkaharap kameng nakatayo sa isa't isa at nakatingala Ako sa kanya kase Mataas sya."Ano? Babayaran mo ko." Sabi ko.
"Nasisiraan kana yata Miss. Bakit ko gagawin yun? Burara ka. Dapat iniingatan mo para hindi kumawala sa Kamay mo alam mong maraming Tao sa Paligid mo. Hindi ka maingat. Tsk." Sabi nito.
"Gago ka pala e. Bayaran mo to! Ikaw naka apak dito e. Pambihira tapos ano? Kasalanan ko? Ikaw nakasira oh. Tyaka bakit yung mga Tao sa Paligid may hawak silang Cellphone? Sige nga." Sabi ko.
Ngumisi ito.
Tinitigan nya ko sa mga Mata ko."Ibig sabihin. Nag-iingat sila. Hindi kagaya mong Burara kaya ayan. Nasira yang Cellphone mong alam kong hindi naman 100,000 pesos ang Halaga." Sabi nito.
Mumurahin ko na sana to kaso...
"Daffnie! Daffnie anong nangyare? Kanina kapa inaantay ni Miss Ayiesha." Sabi ni Jared at papalapit saken.
Hinarap ko si Jared para ipakita tong Cellphone ko.
"Nasira. Inapakan nya." Sabi ko sabay turo sa Lalake sa Likuran ko.
Nagulat pa si Jared ng makita nya yung Lalake.
Nagtataka Ako kase parang nahihiya si Jared dito sa Lalaking nakaapak sa Cellphone ko."Hmm. Hindi ko inapakan yan. Naapakan Oo pa pero inapakan mapagbintang ka Miss." Sabi ng Lalake.
"Pasensya na ho Sir. Ako na pong bahala kumausap dito sa Kaibigan ko." Sabi ni Jared.
(Sir?)
"Alright. I should go. Pagsabihan mo yang Kaibigan mo. Iwasan kamo ang pagiging Bu-Ra-Ra. Tsk! Bye." Sabi ng Lalake tapos naglakad na sya palayo samen ni Jared.
"Sira U---
"Hoy. Boss naten yun." Dugtong ni Jared sa sasabihin ko.
"Ha? D'Di nga?" Sabi ko.
"Magiging Boss mo yun kaya umayos ka. Nako, Kararating mo lang dito dami dami mong pwedeng maka-banggaan si Sir Clark pa. Halika na nga." Sabi nito sabay hawak sa Kaliwang Braso ko.
Inakay nya ko palapit sa Elevator tapos sumakay kameng Dalawa.
"Anong Pangalan nya?" Sabi ko.
"Clark Denver. Sya ang Boss ko dito kaya umayos ka. Hindi basta basta Clark Denver yun dahil Anak sya. Uhm." Sabi nito pero hindi ko alam kung Tama ba yung pumapasok sa isip ko.
Denver ang Apelyido.
Ibig sabihin baka Anak ni Cedrick Denver yung Clark na yon."Hmm."Huni ko.
Ayaw ituloy ni Jared yung sasabihin nya kase may mga Kasabayan kame dito sa Elevator.
Nang magbukas ang Pinto nito dali-dali kameng naglakad palabas dito tapos binalik ko nalang sa Bag ko tong Cellphone ko.
Nakasunod Ako kay Jared na papasok sa isang Kwarto.
"Halika dito." Sabi ni Jared.
Pumasok Ako tapos may Babae dito na Sexy at mukhang nasa Edad 30+.
Tumingin saken yung Babae tapos ngumiti."Hi. Come in. Maupo ka dito Miss Daffnie Delo Santos right?" Sabi nito.
"Yes Ma'am. Ako po yun." Sabi ko.
Naupo Ako dito sa kaharap na upuan ng Mesa nya tapos tinabihan Ako ni Jared.
"Hmm. Infairness sa Kaibigan mo Jared. She's pretty. Pang Super Model ang dating." Sabi nitong Babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/247220580-288-k894896.jpg)
BINABASA MO ANG
Eye of the Tiger (COMPLETE)
RomanceR🔞 Isang Dancer or Performer ang may Masakit na Nakaraan ang susubukan nyang Kalimutan yun hanggang sa Itigil na nya yung Trabaho nyang Pagsayaw at Pagmamasahe para Lumipat sa Isang Matinong Trabaho pang Opisina. Hanggang saan aabot ang Kwento ng B...