Clark

246 5 0
                                    

*EyeOfTheTiger*

Part21

Daffnie*
POV

Nagtitigan kame ni Clark.
Nakakaloko ang Ngiti nito tapos nagpipigil naman akong matawa.

"Ano? Wala kang masabi?" Sabi nito.

"Ang haba ng sinabi mo e. Pano pa ko sisingit?" Sabi ko.

"Asus. Nekekeheye telege. Sabihin mo. Hindi ba ko nanliligaw?" Sabi nito.

"Sorry na. E binibiro lang naman kita. Wag kanang magtampo." Sabi ko at dinikitan ko ito.

Mas umusog pa ko para Dikit Braso kame nito na nagtatampo na ngayon.

"Hoy? Sorry na. Alam ko namang nanliligaw ka e. Binibiro lang kita." Sabi ko.

"Nakakatampo ka. Alam mo yon?" Sabi nito.

"Sorry na nga e. Hihi. Smile na." Sabi ko at sinusubukan kilitiin ito.

Hindi gumagalaw si Clark tapos nakangiting pilit ito habang nakatingin saken.

"Hays. Wag ka nang magtampo. Eto naman oh? Sorry na nga e. Promise hindi na mauulit yung sinabi ko kanina. Okay? Sorry na." Sabi ko.

"Hmm. Okay." Sabi nito.

Inalis na nito ang tingin nya saken tapos tumingin na ulit sya kay Baby at hinahawakan nya yung Maliliit na Daliri nito.

Ramdam kong nagtampo si Clark at Kasalanan ko ito.
Hindi ko rin maintindihan kase ang nararamdaman ko sa Taong ito.

Hindi ko na alam pero gusto ko si Clark na ayaw ko pang bumigay kase natatakot ako at babaero ito.

"Hays. Clark. Sorry. Hindi na mauulit yon. Promise." Sabi ko.

"Yeah, wag nang mauulit Daffnie kase baka pag inayawan kita maghanap Ako ng iba. Alam mo naman siguro kung bakit ako maghahanap ng iba diba?" Sabi nito pero nakatingin lang kay Baby.

"Alam ko. Kasalanan ko yun pag naghanap ka ng iba. Aayusin ko na tong Ugali ko. Ayokong magaya kila Mama at Papa noon." Sabi ko.

"Hmm. Oo nga pala noh. Nakwento saken ng Mama mo yun. Kaya nagloko ang Papa mo kase Pangit sya magsalita. Wag mo sanang ma Adopt ang Ugali ng Mama mo nung Una. Mahirap. Baka nga umayaw Ako." Sabi nito.

Nakaramdam tuloy Ako ng Kaba at Takot na iwan o ayawan ako ni Clark pero ayoko pa talagang bumigay.

Pero Gusto ko itong Tao na to.

"Hindi ko gagayahin si Mama. Basta wag ka ring magloloko. Di ba dapat pag Mahal ko Tanggapin mo?" Sabi ko.

"Ako pa ba mag a Adjust Daffnie? Panong tatanggapin ko yung Mahal ko kung pinapasama naman tong Loob ko. Edi maghahanap nalang Ako ng iba na hindi pasasamain tong Loob ko. Ganun lang yon. Pag nag Stay Ako Okay ka lang pero Ako dala-dala ko yung Sama ng Loob hanggang sa pagtanda ko. Gets mo ba?" Sabi nito.

"Oo Gets ko. Sorry na ulit Clark. Hindi na mauulit yun. Promise." Sabi ko.

"Sana nga wag nang maulit. Grabe, nakakasama pala ng Loob yung ganon. Isipin mo isang Buwan Akong ganon sayo. Tapos pakiramdam mo hindi pa panliligaw yun pero saken pag e Effort yun. Masakit kase maririnig ko sayo hindi pa ko nanliligaw ng lagay na yun. Nakakalungkot kaya." Sabi nito.

"Sorry na nga e. Binibiro lang naman kita." Sabi ko at nikayap ko na to.

Kahit hindi ko ito masakop ng Katawan ko basta yayakapin ko ito kahit na Malaki syang Tao.

"Buhatin mo muna to. Magtitimpla lang ako ng Gatas nito." Sabi nito.

Seryoso na tuloy magsalita si Clark.
Bumitaw na ko sa pagkakayakap ko dito tapos binigay nya saken si Baby at tumayo sya para makapag-timpla ng Gatas.

Eye of the Tiger (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon