KABANATA 2

9 2 0
                                    

Pagkarating naming dalawa ni ate sa E.R (Emergency Room) lumapit kaagad sya sa isa sa mga Nurse para itanong kung nasaan si mama. Mga ilang minuto lang siguro ang nakalipas at tinuro kaagad ng Nurse kung saan kami dapat pumunta.

Pagkapasok namin sa pinaka loob ng Emergency Room, nakita ko sila papa at kuya na nakatayo. Pagkalapit ko sa kanila, nakita ko si mama, nakahiga, naka dextrose at wala parin malay.

Hindi ko napigilan ang sarili ko mapaiyak sa nakita kong kalagayan ni mama. Niyakap ko kaagad si papa at duon na nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Humagulgol ako ng mahina sa balikat ni papa.

"Mama gumising ka!" Sambit ni ate kay mama habang naririnig ko syang umiiyak, kahit hindi ako nakatingin kay ate, alam ko lumapit sya sa tabi ni mama.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" Agad ko inalis ang pagkakayakap ko kay papa sabay tingin sa isang doctor na lumapit sa amin. Sila kuya, ate at papa ay lumapit sa doctor, habang ako lumapit kay mama.

Pagkalapit ko kay mama sa tabi nya, hinawakan ko ang kamay nya, hinalikan ko ang kamay nya habang hindi matigil ang pagpatak ng luha ko. "Mama gumising ka na." nakatingin ako kay mama habang kinakausap ko sya, hindi ko pinapakinggan ung sinasabi ng doctor sa kanila. Habang hawak ko ang kamay ni mama, inaasahan ko na sana kahit pag respond lang ng kamay nya masaya na ako pero wala akong naramdaman sa kamay ni mama.

Kanila lang okay ka diba? Kanina lang nakakangiti ka pa, kanina lang tumitingin ka sakin pero bakit biglang ganun Ma? Hindi ka man lang nagsabi na hindi ka okay. Bakit Ma? Bakit hindi mo sinabi? Hindi ko kayang makita kang ganyan Mama. Malapit na graduation ko, ikaw gusto ko pumunta sa stage kasama ko. Magpagaling ka na mama, please.

Gusto ko man sabihin ito kay Mama, pero hindi ko magawa, gusto ko lang umiyak sa tabi nya, gusto ko marinig nyang umiiyak ako at nag aalala.

"Sa ngayon maghihintay tayo magkaroon sya ng malay, dahil sa pagod kaya na coma po ang pasyente. Maya maya po ay dadalhin namin sya sa ICU para mabantayan ng maayos."

Tama ba narinig ko? Na Coma si Mama? Pero ang lakas nya pa kanina.

Napatingin ako sa kanilang lahat habang nag-uusap.

"Doc, paano naman po mangyayare na Coma sya?" Tanong ni Papa sa doctor.

"Ano po ba ang ginagawa kanina ng pasyente?"

"Nag-lalaba sya kanina, mula umaga hanggang hapon." Sagot ni Papa sa Doctor.

"Ayun po ang nag Cause sa pasyente para ma Comatose sya." Sagot naman ng Doctor kay papa. "Masyado nyang pinagod ang katawan nya, sa kaso po ng pasyente 'Dead On Arrival' na po sya, wala na syang pulso nung naisugod sya dito. Pero wag po kayo mag-alala. Gagawin namin ang lahat para sa pasyente. Sa ngayon po aalis muna ako, aasikasuhin ko lang iba pang pasyente. Babalikan ko po kayo." Pag paalam ng Doctor sa amin. Bago si doctor umalis, kinapa nya ung bandang leeg ni mama.

Hindi ko maintindihan ang lahat ng narinig ko, kung panaginip lang to. Sana magising ako, bangungot ba to para sakin? Bakit kailangan ni Mama maranasan to? Hindi ko pa kayang mawala si Mama sa buhay ko. Hindi ko pa kaya.

Nakayuko lang ako sa higaan ni mama habang hawak hawak ko kamay nya.

"Uuwi muna ako sa bahay para asikasuhin mga bata, balitaan nyo ako ah." Sabi ng asawa ni ate.

"Sige, itetext ka namin." Sagot naman ni papa.

Lumipas ang ilang oras, dinala na si Mama sa ICU. Hindi ko alam kung ano gagawin nila kay Mama. Gusto ko sumama sa kanya kaso bawal bata sa ICU. Ayoko syang iwan dito sa Hospital.

"Zari, umuwi na tayo." Pag aya sa akin ni ate habang pinupunasan nya mga mata nya.

"Ayoko, dito lang ako. Hihintayin ko si Mama."

"Hindi na tayo pwede mag stay dito dahil wala na si Mama sa Emergency Room."

"Paano si Mama?"

"Babalitaan nila tayo bukas, at kailangan mo umuwi dahil may pasok ka pa bukas."

"Ayoko pumasok!"

"Hindi pwede Zari! Magagalit si Mama kapag nalaman nyang hindi ka pumasok. Tara na, umuwi na tayo." Hinawakan na ni ate kamay ko, at sabay na kami sumakay ulit sa Tricycle para umuwi.

Habang pauwi kami ni ate, gusto kong bumalik sa Hospital. Hindi ako sanay na wala si Mama sa bahay. Hindi ako makakatulog ng mahimbing na wala si Mama sa kwarto. Gusto ko bumalik at samahan si Mama, pero hindi ko magawa dahil bawal. Hindi ko rin alam saan yung ICU.

Pagkarating namin sa bahay, agad ako dumiretso sa kwarto. Nakatitig ako kung saan si Mama natutulog. Madalas sya katabi ko, dapat sa ngayon, tinitimplahan na ako ni Mama ng gatas para makatulog.

Napahiga ako at niyakap ko ng mahigpit ang unan ni Mama "Mama, umuwi ka na. Miss na miss na kita. Gusto ko sa pag gising ko ikaw agad makikita ko, gusto ko bago ako umalis at pupunta ng School, ikikiss kita sa pisngi." Unti unting tumulo ang luha ko sa unan ni Mama, sobrang sikip ng Dibdib ko, parang kinuha ang lahat ng pinapangarap ko. Gusto ko sumigaw, gusto ko magwala. Halos gusto ko sisihin sarili ko bakit hindi ko nagawang bumawi kay Mama. Bakit ngayon pa na gusto ko na magpakabait at sundin ang lahat ng utos nya sa akin. Bakit ngayon pa nangyare to.

TO BE CONTINUE...
ZAIRYNx

Identity Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon