KABANATA 6

5 2 0
                                    

"Zari, alam na ng ibang teacher ang nangyari sa Mama mo."

"Magpapaalam ako mamaya sa Mama ko para bumisita sa Mama mo, Zari."

"Ako rin, sabihin ko mamaya sa Mama ko na kasama ko kayo."

Nakatulala lang ako sa upuan habang kinakausap ako ni Elle at Lia. Ang dalawa kong Bestfriend.

"Zari. Wag ka na malungkot." Paghawak sa akin ni Elle sa balikat ko.

"Oo nga Zari, magiging okay rin Mama mo." Pag dagdag naman ni Lia.

"Okay lang ako." Ayan lang nasabi ko kahit alam rin nilang hindi talaga ako okay.

"Zari, kamusta Mama mo?" Nakangiting lumapit si Ruby sa akin.

Bigla akong tumayo at lumapit, nakatingin ako ng masama sa kanya at bigla ko syang tinulak.

"Ano ba problema mo?" Pag react ni Ruby sa aking ginawa sa kanya.

"Uyy Zari." Pag awat sa akin ni Elle.

"Ikaw problema ko! Nang dahil sayo kaya nasa hospital ang Mama ko!" Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Elle sa akin "Naalala mo ba sinabi mo nang mamatay ang Mama mo? Ang sabi mo sa akin, Mama ko naman ang susunod! Nakuha mo pang tumawa, punyeta ka!" Bigla ko syang sinuntok at napaupo sya sa sahig.

"ZARI! TAMA NA!" Pag hatak sa akin ni Lia at hinarangan naman ako ni Elle.

"Letse, biro lang yon!" Biglang tumayo si Ruby "Wag ka ngang masyadong O.A (Over Acting) anong karapatan mong saktan ako ah?" Aakmang susugod si Ruby sa akin nang hinarangan naman sya ni Elle.

"Sige Ruby! Subukan mo! Hindi lang yan matitikman mo! Kasalanan mo rin dahil nagbiro ka ng ganon kay Zari!" Pagtatanggol ni Elle sa akin.

"Baket? Alam ko bang mangyayare sa Mama nya yon? At isa pa, biro nga lang diba? Ang problema kasi kay Zari, lahat ng biro sineseryoso!"

Nagpupumiglas na ako sa pagkakahawak ni Lia sa akin.

"Ang problema sayo, lahat ng tao dinadamay mo! Kaya iniwan ka ng Mama mo dahil dyan sa ugali mo!" Pag laban ng sagot ni Elle kay Ruby.

"Ah ganon ha!" Sumugod si Ruby at sabay hablot nya sa buhok ni Elle, hinablot rin ni Elle ang buhok ni Ruby.

Nang makawala ako sa pagkakawak ni Lia sa akin, sinugod ko si ruby at hinatak sya palayo kay Elle, napahiga si Ruby sa sahig at dinaganan ko sya, sinimulan ko syang pagsusuntukin sa muka sabay hatak ng buhok nya, at lahat ng galit, sama ng loob binuhos ko sa kanya. Dumating ang mga lalake kong kaklase at nagulat sa nangyayari sa loob ng room.

"SIGE ZARI SUNTUKIN MO PA!"
"BASAGIN MO YUNG MUKA, ZARI!"
"PARE WALA NG MUKA SI RUBY, BABASAGIN PA?"
"IUNTOG MO UNG ULO NYA ZARI!"
"ZARI! ZARI! ZARI! ZARI! ZARI!" Pag iingay ng mga lalake kong kaklase na nakapalibot sa amin ni Ruby.

"Hayop ka! Nang dahil sayo kaya nagkaganun ang Mama ko! Mamatay ka na!!!" Nang dilim ang paningin ko sa galit, at walang awang hinatak ko ang buhok nya sabay untog ng ulo nya nang malakas sa pader. Nakailang beses kong inuntog ang ulo nya. "Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Kahit may nakikita akong dugo sa ilong nya at sa bibig nya, hindi ko sya tinantanan, pero nung nagsimulang magkaroon ng sugat ang ulo nya, duon na ako inawat ng mga kaklase ko.

"ZARI! TAMA NA! TAMA NA!" Pinagtulungan akong hatakin palayo kay Ruby, kumuha ang isa kong kaklase na bimpo para takpan ang sugat ni Ruby. Habang si Ruby walang malay.

"Bitawan nyo ako! Bitawan nyo ako! Hindi pa ako tapos sa kanya! Kulang pa yan!" Sobrang galit na galit ako kay Ruby, halos gusto ko syang saktan paulit ulit hanggang sa mapagod ako.

Identity Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon