Pagpasok ko sa loob ng room namin, nakita ko si Elle at Lia na nag uusap. Umupo ako sa tabi nilang dalawa.
"Kamusta pag uwi nyo kagabi? Napagalitan ba kayo ng Mama nyo?"
"Nako Zari, sana pala sinamahan mo na lang kami palabas ng Hospital. Itong si Lia, daig pa linta kung makakapit sa akin."
"Paano ba naman kasi, pag pasok namin sa Elevator, pagkarating namin sa 2nd floor, may sumabay sa amin na babae."
"Oh ano naman meron duon sa babae?"
"Ang sabi nya sa akin, tinitigan nya daw ng mabuti, kase yung babae daw, sa mirror ng Elevator, wala daw puti yung mata."
"Tapos... Tapos..." Pagkakalabit nya sa balikat ko "Nakatitig pala sa akin, nakatingin kasi ako sa kanya habang nakatalikod sya pero nung napatingin ako sa mirror ng Elevator, nakita ko mata nya, walang puti. Puro itim" Nanginginig sya sa takot.
Napabuntong hininga na lang ako kay Lia. "Kalimutan mo na lang yung nakita mo Lia, kakanuod mo kasi yan ng Horror Movie."
"Paano ko makakalimutan? Nginitian nya kaya ako sa mirror ng Elevator."
Napatingin naman ako kay Elle "Ikaw ba nakita mo yung nakita ni Lia?"
"Hindi, busy ako sa pag text kay Mama. Kaya nga muntik ko nang iwan yan sa Elevator eh."
"Parang ayoko na pumunta duon sa Hospital, Zari." Tumingin sya sa akin. Kitang kita ko na takot na takot talaga sya.
"Mag simba ka sa linggo at iwasan mo manuod ng mga nakakatakot na palabas."
"Bakit?"
"Kinakain na ng imagination mo pag iisip mo, Lia."
Napabuntong hininga sya "Hay salamat, akala ko may hahabol sa akin eh."
"Meron talagang hahabol sayo kapag hindi itinigil yang panunuod mo ng mga nakakatakot na palabas."
"Ewan Elle, hindi ka nakakatuwa."
"Bakit, tinanong mo ba ako kung natutuwa ako sa ginagawa mo?"
Ayan nanaman silang dalawa. Kung magkataong magkapatid itong dalawa, baka nagpatayan na ito dito sa classroom namin. Which reminds me...
"Nakita nyo ba si Ruby?"
"Bakit Zari?" Pagtanong ni Lia sa akin.
"Hindi pa namin nakikita si Ruby."
"Nakauwi kaya ng buhay yun kahapon?"
"Uy Zari, hindi maganda yan ah."
"Oh ano naman masama sa sinabi ni Zari?"
"Para kasing mas gusto nyang hindi na talaga makakauwi si Ruby ng buhay eh."
"Concern ka ba sa kanya Zari?" Pagtanong sa akin ni Elle.
"Hindi naman, gusto ko lang makasiguro..."
"Makasiguro na ano?" Pagtanong ulit sa akin ni Lia.
"Gusto ko lang makasiguro kung natuluyan na sya sa Clinic."
"Ang Bad mo Zari" sabay sabi sa akin ni Lia.
"Deserve nya rin iyon Lia."
"Kahit na Elle, kahit pinaglihi yun sa masamang damo. Hindi parin nya deserve yun."
"Kahit maging damo pa sya, kung patay naman ang kabayo! Wala parin syang silbi."
"Sino naman yung kabayo?" Pagtanong nanaman sa akin ni Lia.
BINABASA MO ANG
Identity Of Me
RomansaSa kabila nang naranasan ko sa buhay, hindi ko lubos akalain na ito pala ang magbibigay sa sarili ko upang maging matatag. Dahil sa naranasan ko, mas lumawak pa ang aking pag unawa. Mas naiintindihan ko na ang lahat, pero marami parin akong mga tano...