KABANATA 7

4 2 0
                                    

Hindi na muna sila Elle at Lia umuwi sa kanilang bahay, sinamahan kaagad nila ako papunta kay Mama. Gusto kasi nilang makita ang kondisyon ni Mama. Tumawag na rin sa akin si Papa na ibinalik daw ulit sa 3rd Floor si Mama, duon ulit sa dati nyang kwarto kaya duon na kami didiretso.

"Zari, hindi ka ba natatakot dito sa hospital?"

"Bakit naman Lia?" Pagtanong ko sa kanya habang nasa elevator kaming tatlo.

"May history daw ang Hospital na ito."

"Ano nanaman ba yan, Lia? Kakanuod mo yan ng Horror Movie eh!"

"Hindi! Totoo sinasabi ko. Sa madaling araw daw, may maririnig kang umiiyak sa hallway, lalo na kapag tahimik. Sabi rin daw na may nagpapakita ng kusa sa Elevator."

"Manahimik ka nga, Lia. Hindi nako natutuwa ah! Tsaka hindi totoo ang multo!"

"Bakit Elle? Sa buong buhay mo ba, hindi ka pa nakakakita?"

Ayan nanaman silang dalawa. Nagsisimula nanaman manakot si Lia. Kung alam lang nila na may Third Eye ako. At hindi nila alam na may kasama kaming bata dito sa Elevator, nakikinig lang sa kanilang dalawa. Buti pa yung batang multo dito nakayuko lang. Wag sana tumingin sa akin, baka ako naman matakot ng wala sa oras.

"Oo nga Elle! Bakit ayaw mo ba maniwala? Hindi ako nananakot! Minsan daw ang elevator dito, humihinto ng kusa tapos parang napupundi ang ilaw! Tapos sabi ng janitor na nagtatrabaho dito, pag bukas daw ng elevator, may babae daw na gumagapang papasok ng Elevator, humihingi daw ng tulong!"

"Di ka talaga titigil? Ibibigay talaga kita sa babaeng multo sa sinasabi mo!"

Maya maya pa ay, nakaramdam kami ng pagyanig sa Elevator, parang bumagal ang pag andar nya. Nasa 2nd Floor palang kami.

"My God! Ito na ata yung senyales!" Nanginginig na sinabi ni Lia.

"Tang ina ka eh! Kung hindi ka nag simulang mag kwento, hindi sana ito mangyayare!" Nanginginig na sinabi ni Elle kay Lia.

"Manahimik nga kayong dalawa. Ang ingay nyo kanina pa!" Pagsasaway ko sa kanila dahil ako rin mismo nakakaramdam ng takot. Yung bata na kasama namin sa Elevator, biglang nawala.

"Zariiii.... Natatakot ako..." Pagsiksik ni Lia sa balikat ko.

"Oh ngayon, natatakot ka! Kakainis ka naman oh!" Pagtakip ni Elle sa muka nya gamit kamay nya pero nakasilip naman isa nyang mata.

"Umayos nga kayong dalawa."

Maya maya pa ay huminto na sa 3rd Floor, unti unting bumubukas ang pintuan ng Elevator. At bumungad sa amin ang babaeng nakaupo sa Wheelchair, isang matandang babae na mahaba ang buhok.

"AAAAAAHHHHHHHHHHH MULTOOOOOO" Sabay na sumigaw si Elle at Lia sa Elevator. Ako naman nanigas sa gulat.

"Aba mga ineng, nagtatakutan ba kayo rito? Anong multo sinasabi nyo? Loka loka, buhay pa ako!" Sabi ni lola sa aming tatlo.

"Lola, kanina ko pa kayo hinahanap, bakit nandito kayo sa elevator?" Lumapit naman ang isang nurse sa kanya at napatingin din sa amin.

"A-akala namin l-lola multo ka!" Sabi ni Lia kay Lola.

"Sa muka ko ba naman ito, muka ba akong multo?" Sabi naman ni Lola kay Lia.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo sa isa't-isa. Hindi namin alam kung ano isasagot namin sa kanya.

"Halika na po, hinahanap na po kayo at aayusin na po ang pag uwi nyo." Nilayo na ng nurse si Lola sa Elevator.

Kaming tatlo naman ay agad na rin lumabas ng Elevator.

Identity Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon