Lumipas ang tatlong araw namin sa Hospital, pagkauwi ko galing School, hindi na ako nag pasundo kay ate dahil kabisado ko na papuntang Hospital.
Nag Elevator na lang ako para makapunta kaagad kay Mama, sa 4th Floor. Habang nasa loob ako ng Elevator, nakatulala lang ako, nakatingin ako sa baba hanggang sa nakarating na ako sa 4th Floor.
Habang palapit ako ng palapit sa pinto, iniisip ko kung hanggang kailan kami tatagal dito, kailan magiging okay si Mama? Kahit sobrang mahal ng bayad, gamot at sa kada araw na Injection sa kamay nya tinitiis namin dahil gusto namin sya maging okay. Gusto namin mauwi si Mama at makasama sa bahay.
Nang makarating na ako sa pinto, marahan kong binuksan at nakita ko si Ate at ang asawa nya ay nasa loob, umiiyak. Humihingi ng sorry sa lahat ng maling nagawa nya. Hindi ko alam kung ano yun pero nararamdaman ko na bawat isa sa amin may kasalanan kay Mama. Hindi na muna ako pumasok at pumunta muna ako sa Waiting Area. Kung saan may upuan duon at pwede ko sila makita na lumabas kwarto.
Wala na si Mama sa dati nyang kwarto sa 3rd Floor, nilipat na dito sa 4th Floor. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi ko sila papa makausap ng maayos. Alam ko lahat kami magulo ang isip at naka focus lang kay Mama. Alam ko napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil kakaisip kay Mama, kahit anong gawin ko hindi ko maiwasan dahil ang sakit. Ang sakit sakit para sakin na mangyare ang lahat ng ito. Napasandal na lang ako sa upuan habang inaalala ang lahat.
Lumaki akong masaya ang pamilya, kahit simple lang ang bahay namin, masaya kami. Si Mama lagi kong nakakabiruan, kapag inaasar nya ako, kahit naiinis ako, masaya ako. Namimiss ko na ginagawa nya na mag handa ng susuotin ko sa School, bago ako umalis ng bahay, hahalik muna ako sa pisngi nya para magpaalam sa kanya. Kapag uuwi ako, si mama kaagad sumasalubong sa akin, nakahain na ang pagkain na aking kakainin. Kahit bantay sarado ako okay lang, kahit lumaki akong walang kalaro, okay lang. Si Mama naging tutor ko sa pagsusulat, sa pababasa at kapag malapit na ang Periodical Test namin, sya magiging teacher ko at sisiguraduhin nyang alam nyang nakakapag review ako ng maayos.
Naalala ko nung nasa Grade School pa ako, mababa ang grado ko sa math kaya naghanap sya ng magtuturo sa akin ng math. Buti na lang at hindi kalayuan sa amin ang bahay ng dating teacher na naging tutor ko. Bago ako magpa tutor, sisiguraduhin ni Mama na nakakain na ako ng tanghalian, at kapag iiwan na nya ako, mag iiwan sya ng baon ko para hindi ako magutom. Hindi nya hinahayaang mag isa akong kumikilos.
Sabi nga ng iba, pinalaki akong Prinsesa. Hindi marunong kumilos sa bahay, walang alam sa paglilinis at paghuhugas ng plato. Hindi ako nagbubuhat ng mabigat. Pati pag plantsa ng damit hindi ko alam. Lagi lang ako nakatutok sa lahat ng ginagawa nya. Kahit sa simpleng pagprito lang, hindi ko alam. Ang alam ko lang atang gawin, kumain, matulog, pumasok sa School at gumawa ng Assignment sa bahay.
Ang nakasanayan ko lang kalaro sa buhay ko, mga laruan. Maglaro ng Clay, mag drawing sa papel, at magkulay. Mag gupit ng mga larawan sa pinaglumaang libro ko nuong kinder pa ako. Kapag nakikita ni Mama na nagsisimula akong mag gupit, nakahanda na ako walis para sa akin dahil mahilig ako magkalat at sya ang magwawalis.
Madalas kapag sinesermunan nya ako, lagi nyang nababanggit sa akin na, mamamatay daw sya ng maaga sa akin dahil sa pang bu-bwiset ko sa kanya, napapagod na daw sya sa akin. Matigas daw ulo ko.
"Kung alam ko lang Mama, sana... Sana naging mabait na bata na lang ako sayo. Sana hindi ka nandito sa hospital." Tumulo ang mga luha ko habang nakayuko sa upuan, humihikbi at pilit pinipigilan ang paglakas ng iyak ko. "Sana nung una palang pinansin ko na ang kutob ko, nung nasa bahay pa tayo, pero naduwag ako dahil akala ko wala lang yun pero nagkatotoo." Napakapit ako sa dibdib ko sa sobrang sakit ng nadarama ko, bawat pagtulo ng luha ko, gusto kong sumigaw, gusto ko ilabas lahat pero hindi ko magawa.
Bigla akong napatigil nang marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto ni Mama, kinuha ko sa bulsa ko ang panyo na binili sa akin ni Mama, sabay punas sa aking mga mata. Habang palapit ng palapit sa akin sila Ate, kitang kita ko na namumula ang mga mata nya.
"Zari, pasok ka na sa loob, bibili lang kami ng pagkain." Sa tono ng boses ni ate, halatang humagulgol sya ng iyak.
"Sige ate, hihintayin ko na lang kayo sa loob ng kwarto."
Dumiretso na sila sa Elevator habang ako dumiretso na sa kwarto ni Mama. Pagpasok ko sa loob, umupo ako sa tabi nya habang nakatitig sa kanya, sabay hawak ng kanyang kamay.
"Ma, lumaban ka please... Malapit na graduation ko. Ikaw gusto ko makasama sa stage. Diba sabi mo ikaw kasama ko kapag ga-graduate ako. Kaya please Mama... Lumaban ka, wag mo ako iwan. Hindi ko kaya Mama. Hindi ko pa kaya... Kasama ka sa mga pangarap ko." Tumulo ang luha ko sa kanyang kamay "Ma kung naririnig mo ako, please lumaban ka para sa amin. Lumaban ka para sa akin. Gusto pa kita makasama sa pagtanda ko. Paano na lang mga pangarap ko kung iiwan mo ako." Napayuko na lang ako habang umiiyak sa tabi nya. "Alam ko Mama naririnig mo ako, hindi ko kaya Mama... Hindi ko man magawang sabihin sayo ito pero Mama, Mahal na mahal kita. Lumaban ka please." Sabay halik sa kamay nya.
Di nagtagal marami na kami sa loob ng kwarto ni Mama. Nandito sila Ate, Kuya at Papa. Napatingin naman kami sa pumasok na Doctor at nagpakilala sa amin. Pinatayo nya kami sa harap ni Mama sa paanan nya at lumapit ang Doctor para tingnan ng maigi si Mama. Bigla nyang pinisil ng malakas ang dibdib ni Mama, sa pulso ng dibdib at biglang gumalaw ng dahan dahan si Mama na parang huminga ng malalim.
"MAMA." Sigaw nila Ate at Kuya, habang ako nakatitig sa ginagawa ng Doctor kay Mama. Pero kahit ilang beses nila tawagin si Mama, hindi si Mama nag rerespond. Pagkabitaw ng Doctor, bumalik ulit sa dati si Mama na walang malay.
Lumapit sa amin ang Doctor "Hindi po ibig sabihin na gumalaw sya ay may malay na ang pasyente, pinisil ko lang ng madiin ang kanyang pulso sa kanyang dibdib para makita nyo na duon lamang sya nakakapag respond pero as of now wala parin syang malay. Yung pag diin ko sa kanyang dibdib ay sobrang sakit na iyon para sa atin pero sa kanya hindi."
Hindi na ako nakinig sa pinag uusapan nila ng Doctor, ayoko na marinig ang lahat tungkol kay Mama. Sa nakita ko, labis akong nasaktan. Alam kong tama ang ginawa ng Doctor dahil alam nila ang ginagawa nila pero ang hindi ko matanggap, yung hanggang ganto na lang si Mama.
Umupo lang ako sa tabi ni Mama at tiningnan kung saan parte ng doctor pinisil pulso nya, namumula pero bakit hindi parin sya nagkakaroon ng malay?
Wala akong magawa kundi umiyak lang sa tabi nya habang si Mama, alam ko lumalaban sya. Akala ko sa pag respond ni Mama, mabibigyan na kami ng pag-asa pero hindi pala. Habang patagal kami ng patagal sa Hospital, lalo akong kinakabahan.
TO BE CONTINUE...
ZAIRYNx
BINABASA MO ANG
Identity Of Me
Roman d'amourSa kabila nang naranasan ko sa buhay, hindi ko lubos akalain na ito pala ang magbibigay sa sarili ko upang maging matatag. Dahil sa naranasan ko, mas lumawak pa ang aking pag unawa. Mas naiintindihan ko na ang lahat, pero marami parin akong mga tano...