KABANATA 3

7 2 0
                                    

"Zari..."

"Bakit Clark?"

"Ayos ka lang ba? Mula Science Class hanggang sa Subject natin sa English, tahimik ka."

"May iniisip lang." Magkatabi kami ni Clark sa dulo ng upuan. Katatapos lang ng English Subject namin.

"Ano iniisip mo Zari?"

"Marami Clark. Hayaan mo muna ako." Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag sabay labas ng room.

"Teka Zari." Hinabol nya ako palabas ng Room "Hindi ka ba papasok sa AP Subject natin?"

"Hindi!"

"Pero diba sabi ni Mam, bibigyan nya daw tayo ng irereport natin at mahalaga daw yun."

"Babalik ako after ng AP Subject natin." Dumiretso na ako pababa ng building namin, sabay diretso sa Study Area.

Pinipilit kong magpaka okay sa lahat pero hindi ko maiwasan. Pinipilit kong wag isipin si mama pero hindi ko magawa. Habang iniiwasan ko lalo lang lumalala. Ayoko pumasok, gusto ko puntahan si Mama. Gusto ko nandun lang ako sa tabi nya.

Lumipas ang ilang oras, nakita ko mga classmate ko bumaba na sa building namin. Napatingin naman si Clark sa akin sabay takbo palapit.

"Zari, hinahanap ka ni Mam natin sa AP at sa Values."

"Ano sabi?"

"Bakit ka daw nag Cutting sa klase."

Nakatingin lang ako kay Clark.

"Oh, Zari. Nandito ka lang pala."

Napalingon naman ako sa kanan ko at nakita ko si Ruby, lumapit rin sa akin. Tiningnan ko sya ng masama.

"Oh bakit?"

"Wala! Uuwi na ako!" Sabay kuha ko ng bag at naglakad palabas sa ng School.

Kung hindi lang ako pinalaki ng maayos ng magulang ko, baka nasaktan ko na si Ruby ng wala sa oras. Pasalamat sya hindi ko ugaling manakit ng tao.

Pagkauwi ko sa bahay, agad akong nagbihis para kumain. Maya maya lumapit sa akin si ate. "Zari, nilipat na si Mama sa kwarto nya. Pagkatapos mo kumain, puntahan agad natin si Mama. Pwede ka magtagal dun kung gusto mu."

"Sige ate, asan pala si papa?"

"Nasa hospital parin. Hindi sya umuwi dito sa bahay."

"Okay."

"Kamusta sa school? Okay ka lang ba kanina?" Umupo naman kaagad sa tabi ko si ate.

"Okay lang ako ate..." Napatingin naman ako sa kanya habang kumakain.

"Alam na ba ng mga Classmates mo nangyare kay Mama? Sinabi mo ba?" Nakatitig sya sa mga mata ko habang tinatanong nya ako.

"Hindi ko pa nasabi..." Sabay kagat sa ulam kong isda.

"Wag ka mag-alala, hindi magtatagal si Mama sa hospital. Uuwi din sya." Hinawakan ni ate ang balikat ko, nahalata nya siguro na malalim ang iniisip ko.

Bigla ako napahinto sa pagkain ko. "Ate... Ano ba talaga nangyayare kay Mama?" Tumingin ako ng seryoso kay ate at nakikita ko sa kanya na umaasa rin sya na uuwi si Mama. Inalis nya pagkakahawak nya sa balikat ko.

"Comatose si Mama, Zari..."

"Ano ba ibig sabihin ng Comatose? Hindi ko maintindihan..."

"Zari..." Nagbuntong hininga muna sya bago sya ulit nagsalita "Si Mama ay parang natutulog lang, kaso matagal syang magigising."

"Bakit hindi nya tayo naririnig, kung natutulog lang sya? Bakit hindi nya tayo nararamdaman kahit tinatapik natin sya?"

"Unconscious si Mama. Hindi man sya nag rerespond sa atin. Alam ko naririnig nya tayo, Zari. Kaya pagdating natin sa kwarto nya, kausapin natin sya."

Hindi na ako nagsalita kay ate at sya naman umalis na sa tabi ko. Hindi ko parin maintindihan ang kalagayan ni Mama. Nakakawalang gana kumain kapag hindi mo kasama ang magulang mo sa mesa. Namimiss ko na kasabay si Mama kumain, namimiss ko luto nya. Namimiss ko na talaga si Mama. Sana nga tama si ate na makakauwi si Mama. Kapag nakauwi sya, ako mag-aalaga sa kanya, kahit anong iutos nya gagawin ko. Hindi ako magrereklamo, hindi ko sya gagalitin. Basta ang mahalaga makauwi si Mama. Kahit mapuyat ako kakaalaga kay Mama, gagawin ko. Kaya ko naman ipagsabay ang pag-aaral ko at pag-aalaga kay Mama.

"Umuwi ka lang Mama, magiging Good Girl na ako." Biglang tumulo ang luha ko habang kumakain ako. Ang hirap kumain ng mag-isa. "Hintayin mo ako Mama, papunta na ako sa Hospital."

TO BE CONTINUE...
ZAIRYNx

Identity Of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon