Pagkarating namin ni ate sa kwarto kung saan si Mama inilagay, pagpasok ko sa loob, nakita ko si Mama, sa tabi nya ay may Oxygen, may makina rin na panay *tut tut tut* sa tabi nya. Lumapit kaagad ako kay Mama.
"Mama, nandito na ako. Katatapos ko lang kumain." Hinawakan ko kamay nya "Mama magpagaling ka para makauwi ka na." Umupo ako sa tabi ni Mama. Tinititigan sya ng mabuti, tinitingnan ko mata nya kung didilat oh hindi pero walang sinyales.
Hanggat nasa Hospital si Mama, hindi maalis ang hapdi at kirot sa aking dibdib. Hindi ko kayang nandito si Mama. Kung may paraan lang para mabalik ang lakas nya, gagawin ko. Kahit kapalit ay buhay ko.
Napayuko na lang ako sa tabi ni Mama habang hawak hawak ko kamay nya. Kahit sa gantong paraan ko lang, gusto ko syang maramdaman.
"Zari... Zari gising na... Gising na si Mama..." Hinahaplos nya ang aking buhok. "Zari..."
"Hmmmm??" Dahan dahan kong inangat ang aking ulo para tingnan sya. Nanlaki naman mga mata ko sa gulat dahil nakaupo sya at nakangiti si Mama sa akin. "Mama!" napayakap agad ako ng mahigpit sa kanya, sobrang tuwa ko at okay na sya. Makakauwi na sya. "Mama, uuwi na ba tayo?" Nakatitig ako kay Mama sa sobrang tuwa. Ngunit ngumiti lang sya sa akin. Napalingon naman ako sa aking paligid pero wala sila Kuya, Ate at Papa. Tumingin ulit ako kay Mama. "Mama, asan sila Papa? Inaayos na ba nila pag uwi mo Mama?"
"Zari... Dito lang si Mama... Hindi pa makakauwi..."
"Bakit? Okay ka na diba? Miss na kita sa bahay. Ayoko na dito sa hospital. Ayoko nang tumagal ka dito Mama."
Ngumiti sya at bigla nya akong niyakap "Miss na miss ka na rin ni Mama, miss na miss ko na rin kayong lahat makasama... Pero hindi ako makakauwi..."
Pumiglas ako sa pagkakayakap sa kanya "Bakit?" Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, may namumuong luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kanya "Bakit Mama? Uwi na tayo Mama. Uwi na tayo. Ayoko na dito. Uwi ka na Mama. Sama ka na sa pag uwi. Uwi ka na..." Biglang tumulo ang luha ko na hindi ko na napigilan.
Hinawakan nya muka ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay nya "Wag ka na umiyak Zari... Nandito pa rin si Mama... Hindi ka pababayaan ni Mama... Lagi mo lang tatandaan, Mahal na mahal kita Zari..." Muli ay niyakap nya ako ng mahigpit, ramdam ko na may tumulong luha sa aking bandang gilid ng mukha.
"Mama... Mama..."
"Zari! Zari, gising."
"Hmmmm?"
"Umiiyak ka ba?"
"Hmm?" Napaangat ako saglit at napatingin kay Ate na nasa harap ko, napatingin rin ako kay Mama at nakahiga parin sya.
"Bakit ka umiiyak?" Pag tatakang tanong sa akin ni Ate.
Tumingin naman ako sa kanya ng nagtataka rin sabay hawak sa pisngi ko, papunta sa mata ko.
Umiiyak ako habang natutulog?
"Nakatulog pala ako Ate."
"Naririnig kong humihikbi ka kaya ginising kita."
"Ate..."
*Eeeeeenggk*
Napalingon naman kaming pareho ni Ate sa bumukas na pinto.
"Gising na pala si Zari. Kain na kayong dalawa" Pumasok si Papa na may dalang Pagkain at Soft drinks.
"Opo sige po, halika na Zari. Kumain na tayo."
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko, napansin ko na hawak ko parin kamay ni Mama hanggang sa magising ako. Naglakad ako papuntang mesa at tumabi kay Ate. Habang kumukuha ako ng kanin, napapatulala ako.
Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo na, akala ko makakauwi na kami ni Mama. Akala ko makakatabi ko sya sa pagtulog, pero hindi pala.
"Mama! Kain tayo!" Pag aya ni Ate kay Mama at tumingin sya sa akin. "Yayain mo rin si Mama kumain." Pero hindi ako nagsalita, nasa isip ko parin ang nangyare sa panaginip ko.
"Bakit ka umiiyak kanina?" Pagtatanong sa akin ni Ate habang sinasawsaw nya ung Manok sa Gravy.
"Hindi ko alam na umiiyak ako habang natutulog eh"
"Ano ba panaginip mo?" Sabay tanong nya ulit habang ngumunguya sya.
"Wala..." Pagtatanggi ko sa kanya dahil nagdadalawang isip akong ikwento.
"Ano nga eh." Pangungulit nya tanong sa akin.
"Wala nga!" Sinagot ko sya sabay kagat sa Manok.
Hindi na ulit sya nagtanong sa akin, kahit gusto ko ikwento sa kanya, hindi ko magawa. Pagkatapos namin kumain ni Ate, nagpaalam muna si Ate na uuwi agad dahil aasikasuhin pa nya anak nya na pamangkin ko. Kaming dalawa lang ni Papa ang naiwan sa kwarto.
Nakaupo lang si Papa sa sofa habang pinagmamasdan nya si Mama. Ako naman nag hugas ng kamay sa lababo at pagkatapos ko maghugas ng kamay, nagpunas ako sa bimbo na nakasabit sa gilid. Ung bimbo na pinang punas ko sa kamay ko, binili ni Kuya. Pagkatapos ko magpunas, umupo ako sa tabi ulit ni Mama. Ayokong makita si Papa na umiiyak, isa rin sa mga pinaka ayaw ko na makikita kong umiiyak at nasasaktan ang Papa ko.
"Zari. Dito ka ba matutulog?"
"Opo Papa." Sumagot ako sa kanya na hindi lumilingon.
"Sa sofa ka matutulog ah?"
"Dito ako sa tabi ni Mama matutulog." Nakatingin lang ako kay Mama kahit kausap ko si Papa.
"Hindi ka pwedeng matulog sa upuan. May dumarating na nurse dito para tingnan Mama mo."
"Edi dito ako sa higaan ni Mama, tabi kami."
"Umiyak ka daw kanina habang natutulog?"
"Hindi ko naman alam na umiiyak ako eh"
"Bakit ka umiiyak kanina?"
"Wala Papa."
Hindi ko kasi ugali magkwento sa kanila. Maliban kay Mama. Kay Mama lang ako nagsasabi ng mga nangyayare sa School ko, sa mga gusto kong gawin, yung mga naiisip ko, lalo na sa panaginip ko. Si Mama lang sandalan ko sa lahat kahit araw araw syang nagagalit sa akin, kahit madalas akong may kurot sa singit at palo sa pwet. Kahit strikto si Mama sa lahat ng bagay, sya parin The Best para sa akin. Kalahati ng buhay ko ay binubuo ni Mama, kaya ganto na lang ang sakit nang madala sya sa Hospital.
Gusto pa kita makasama ng matagal Mama, gusto ko maabutan mo balang araw na magkakaroon ako ng anak. Marami akong pangarap na gusto ko nandun ka at nasasaksihan mo ang lahat. Dahil ikaw ang inspiration ko Mama. Dahil sayo kaya nag aaral ako ng mabuti. Malapit na Graduation ko, gusto ko ikaw parin ang aakyat sa stage na kasama ko. Lalo na pag nakapag tapos ako ng Kolehiyo. Alam ko matagal pa iyon pero gusto ko kasama parin kita sa mga panahon na iyon.
Tatlong oras lumipas, pinayagan ako ni Papa matulog sa tabi ni Mama. Iningatan ko lang na wag maipit kamay nya. Si Papa naman sa sofa natulog. Humiga ako ng dahan dahan kay Mama at inalalayan ang kamay nya. Sabay yakap sa kanya hanggang sa nakakaramdam na ako ng antok. Namiss ko ung gantong pakiramdam kapag matutulog na kami ni Mama.
"Good Night Mama, Sweet dreams... I Love You..." Sabay bulong ko sa kanya hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing.
TO BE CONTINUE...
ZAIRYNx
BINABASA MO ANG
Identity Of Me
RomanceSa kabila nang naranasan ko sa buhay, hindi ko lubos akalain na ito pala ang magbibigay sa sarili ko upang maging matatag. Dahil sa naranasan ko, mas lumawak pa ang aking pag unawa. Mas naiintindihan ko na ang lahat, pero marami parin akong mga tano...